It wasn't two days later that Mickey went home. Or at least, visited me at home. Hindi pa rin kasi ako sanay na hindi na kami sa isang bubong nakatira. Well, not one house per se pero iyong isang lugar ang inuuwian. He's always at the camp or at rare times in his apartment kaya naman madalang na lang talaga kami kung magkita. Lalo pa ngayon, siya yata ang inatasan ni Papa para mapunuan ang seguridad namin na napapansin kong sa pagdaan ng mga araw ay mas lalong umiigting. Nang marinig ang pagdating ng kanilang convoy ay pinatay ko ang TV. I found myself doing that more often these days dahil napapadalas ding si Papa ang laman ng balita. Iyon ay kung hindi si Senator Cervantes na inaatake siya. I was only ever slightly bothered. Sanay na kasi akong kung hindi pinupuri ang ama ko ay binaba

