Pero syempre, hindi mawawalang may susubok sa aking hangaring iyon. Because one day at lunch... "Oops! Sorry, natalisod ako!" Isang nakangising si Pauline ang nagsaboy sa akin ng juice. Nanlamig ang aking buong katawan, nanlalagkit at basang-basa. Nalaglag ang aking panga lalo pa nang nagtawanan ang mga tao sa cafeteria! "Bakit ka pa kasi kumakain dito? E alam mo na ngang... palaging may matatalisod sa'yo?" dagdag pa ni Tiffany. Bumibili lang naman ako ng pagkain dito ah! "Sa susunod kasi, huwag kang paharang-harang sa daan. Lalo pa kung... ako ang dadaan!" Pinandilatan ako ni Gretchen na nakahalupkipkip sa tabi. I was about to say a comeback when somebody passed. Siya ang totoong natalisod kaya si Gretchen ngayon ang nasabuyan! "Ohhhh...." the crowd whimpered in pain. "S-S-Sorry!

