(A feeling she can’t ignore) TUNAY NA NAPAKAGANDA ng lugar na pinagdalhan sa kanila ni Myron. Ang sabi ng kaibigan ay ito raw ang isa sa ipinamana sa kanya ng yumaong lolo at lola nito. Maging ang kanyang mga magulang pati ang kapatid at asawa nito ay talagang masayang-masaya na nakarating sa bahay-bakasyunan ng kaibigan. Kaya naman pala walang kahit kaunting signal dahil malayo sa kabihasnan. Tama, malayo sa tunay na mundong ginagalawan nila. Tahimik at nakaka-relax ang buong paligid. Kung iisipin, advantage sa kanya dahil payapa ang utak niyang makakapag-imagine ng mga scenes sa susunod niyang nobela na isusulat. Siguro, iyon ang magandang gawin dito. Hindi ko rin naman magagamit ang mobile phone ko kaya mainam na magsulat na lang. Kahit na sa gabi ay halatang maganda ang kabuuan

