(Myron’s confession) HINDI NIYA pa rin makausap ng maayos si Myron dahil kasalukuyang nasa harap sila ng hapag-kainan kasama ang kanyang buong pamilya. May ilang maliliit na kubo hindi kalayuan sa malaking bahay-bakasyunan ni Myron kung saan hinanda ang kanilang dinner. Tiningnan niya ang suot na relo. Alas onse na pala ng gabi kaya pala nanunuot na ang lamig sa buo niyang katawan. Safe ba sa buntis ang magpalamig sa labas ng ganitong oras ng gabi? Nilingon niya si Angela na balot na balot ang katawan ng damit. In fairness, laging handa ang kapatid ko! Kung todo ba naman mag-alaga sa asawa eh. Pero hindi niya pa rin maintindihan kung bakit sa labas sila kumain gayong maghahating-gabi na. “Liberty, bakit hindi ka pa kumakain?” untag sa kanya ng kanyang Mama. Halos lahat kasi ay abala sa

