(Future) NASA LOOB na siya ng kanyang silid ngunit hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi ng kanyang kaibigang si Myron. Umamin na ito na gusto na siya nito noon pa lang. Iyon nga lang, hindi nito sinabi ang ibig tukuyin nito sa salitang gusto. “Oo, gusto kita Liberty. Noon pa man ay gusto na kita kaya nang muli tayong magkita ay nabuhayan ako ng loob. Gustong kitang makasama ulit, maka-bonding. Na-miss ko na ako ang lagi mong kasama kahit saan ka magpunta. Sana pwede pa nating gawin iyon.” Kung pagbabasehan niya ang sinabi nito, ayon sa pagkakaintindi niya ay na-miss lang naman ni Myron ang bonding nila bilang magkaibigan. Pero bakit hindi niya kayang makatulog dahil sa mga sinabi nito? Inamin rin ng kaibigan niya na nagseselos ito kay Justice kahit na hindi pa naman ito iyon nak

