KABANATA 60

1014 Words

(Imagination vs Reality) MAAGANG NAGISING SI Liberty kinabukasan. Hindi man siya agad nakatulog nang nagdaang gabi ay punung-puno pa rin siya ng sigla dahil sa nalalapit niyang pagpunta sa Singapore. Hindi niya sigurado kung may ideya na ang kanyang mga magulang at kapatid tungkol doon ngunit dahil isang buwan pa naman ang kanyang hihintayin, sisiguruduhin niyang mapaghahandaan niya iyon ng maayos. Dala-dala ang kanyang mobile phone at ang kanyang notebook na may ballpen ay tinunton niya ang daan papunta sa tanawing nais niyang makita. Ang dagat na tahimik na humahampas ng alon sa dalampasigan. Tiyak na makapagsusulat siya ng maayos dahil sa paligid. Naupo siya sa buhangin at matamang pinamasdan ang maliliit na alon. Mabuti na lang at nakasuot siya ng jacket dahil sobrang malamig ang d

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD