(No signal) GUSTO NG IBATO ni Liberty ang mobile phone niya dahil wala man lang masagap na signal habang lulan siya ng sasakyan na dala ni Myron. Isang malaking van iyon na kasya silang lahat mag-anak kaya hindi na sila nagdala pa ng kanilang sasakyan. Mayroon pa itong kasama na driver kaya ito ang katabi niya sa loob ng van. Gusto niya sana ng padalhan ng mensahe si Justice dahil… gusto niya lang. Siniko siya ni Myron na ikinalingon niya. “Bakit?” nakasimangot niyang tanong. “Bakit para kang pinagpagsakan ng langit at lupa sa mukha mo? Akala ko ba gusto mong sumama sa amin? Parang napilitan ka lang yata eh,” anito. “Kanina pa kasi ako nakatingin sa mobile phone ko pero wala pa ring signal. May titingnan lang sana ako sa social media accounts ko,” sagot niya. “Talaga ba?” nakangisi

