(A friend’s frustration) “F**k! Fortney! Fortney! Where’s your car, Lorcan? Justice? Pwe-pwede ko bang mahiram? Hahabulin ko lang si Fortney.” Ibinuka nito ang kamay ngunit lumipas na ang ilang segundo ay hindi pa rin inaabot ng mga kaibigan ang susi. “Ano? Hindi ninyo ba ako pahihiramin?!” Pumalatak ito. “Akala ko ba kaibigan ko kayo?! Ha?” “Bro, kanina pa nakaalis si Fortney. Hindi mo na siya mahahabol,” sabi ni Braxton. “Akala ko ba handa ninyo akong tulungan?! Bakit nakatunganga lang kayo? Tara na, tulungan ninyo akong habulin si Fortney!” malakas na sigaw ni Garette. “Garette, umalis na siya. Pabayaan mo muna siya,” ani ni Lorcan. “Pati ba naman ikaw, Lorcan? Akala ko ba naiintindihan mo ako? F**k!” Malalaki ang hakbang na bumalik ito ng bahay. Malaki ang ipinatayo nitong bahay

