(Two sides of the story) ILANG ARAW na rin ang lumipas ay wala pa ring natatanggap na mensahe o tawag man lang si Liberty mula kay Justice kaya nagbakasakali na siyang pumunta sa Highlands. Mabuti na lang at madalas na pumupunta si Myron sa kanilang bahay kaya kahit papaano ay naibsan ang pangungilala niya kay Justice. Nakangiti siyang binuksan ang pinto. Siguradong masosorpresa siya kapag nakita ako! Maingat niyang sinara ang pinto saka dali-daling nilagay ang bag sa mahabang sofa. Marahil ay natutulog pa ang lalaki kaya siya na ang gigising sa binata. Dahan-dahan pa niyang hinawakan ang seradura ng pinto ng silid nito saka sumilip ngunit tila may kung anong dumagan sa dibdib niya nang makitang wala ito sa kama. Bumaha ang kalungkutan sa kanyang puso dahil hindi na naman niya magigisna

