(She can’t resist) MABIBINING halik ang gumising kay Liberty. Tumambad sa kanya si Justice na nagtatanggal ng damit pang-itaas. Tila naguluhan siya sa pangyayari. Ano nga ba ang nangyari? Ang huli niyang naalala ay pumunta siya sa unit ng lalaki at nadatnang wala ito. Tinawagan niya ito ngunit isang babaeng nagngangalang Britney ang nagpakilala sa kanya na siyang may hawak ng mobile phone ni Justice. “N-nandito ka na pala,” aniya nang makahuma. Akma na siyang babangon nang hawakan siya nito sa braso. “Where are you going?” “Babangon na. Kailangan ko ng umuwi. Pasensiya na nakatulog ako. Hindi ko namalayan na dumating ka na pala.” Hawak pa rin nito ang isa niyang braso habang ang isang kamay nito ay binubuksan ang zippe

