(Too magical) NAPAPIKIT na lamang si Liberty nang sakupin ni Justice ang labi niyang kanina pa naghihintay sa labi nito. Walang kasing tamis iyon kahit pa alam niyang lasang alak ang bibig ng lalaki. Para sa kanya, langit ang hatid ng labi ng binata sa kanya. Masuyo itong tinutudyo-tudyo ang labi niya upang mapaawang ng sa gayon ay makapasok na ito sa pakay nito. Walang inhibisyon na pinapasok at tinanggap niya ito. Ramdam niyang may kakaiba sa uri ng paghalik nito sa kanya at hindi niya mawari kung ano iyon. Bawat paggalugad sa loob ng kanyang bibig ay may kalakip na pag-iingat. Masuyo at marahan. Nae-enjoy niya ang ganoon dahil tila bumabagal ang pag-ikot ng oras habang magka-ugpong ang kanilang mga labi. Ipinalibot na niya ang dalawang kamay sa likod nito sa intensidad na nararamdam

