(Her sweetest side) ILANG BESES pang inangkin ni Justice si Liberty bago niya ito hinayaang makapagpahinga. Marami siyang nainom na alak ngunit mas nalasing siya sa pag-iisa ng katawan nilang dalawa ng dalaga. Kung hindi lang ito pagod ay aangkinin pa niya ito ng paulit-ulit. Tila hindi siya nagsasawa sa dalaga. Nang sabihin sa kanya ni Britney na tumawag ito ay para na siyang sinilihan sa pagmamadaling umuwi ng Highlands. Hindi niya sigurado na naroon si Liberty ngunit doon siya dinala ng kanyang mga paa. Ilang beses din siyang pinigilan ni Braxton at Wolf subalit walang nagawa ang dalawa dahil kay Lorcan at Garette na kahit lango na sa alak ay naunawaan siya. Sa tulong ng dalawa ay nakaalis siya kahit na ang daming pangongosensiyang sinabi sina Braxton at Wolf. At hindi nga siya nagka

