KABANATA 5

1452 Words
(A different kind of feeling) AYON SA dating app na ginamit ni Liberty upang makilala si Mr. Your Man ay mas bata ang lalaki sa kanya. Thirty four na siya at ito naman ay twenty eight lamang. Hindi niya alam kung bakit pumayag ito na maging ka-match niya na kung tutuusin ay masyado ng matanda sa lalaki. Ang tanging alam lang niya ay masyado siyang excited na matched sila in terms of finding someone na makakasama at kung papalarin ay maging karelasyon. “Are you okay?” tanong nito habang lulan siya ng sasakyan nitong milyon ang halaga. Siguradong mayaman ito base na rin sa suot nito. Pati mga damit, relo at sapatos ay hindi pipitsugin. Ngunit hindi naman iyon ang habol niya dahil mismong ang lalaki ang pakay niya. Pakiramdam niya kasi ay ito na ang itinadhana sa kanya. “Ah…oo naman. Na-nabigla lang ako kasi akala ko ay mamaya pa kita makikita.” Mahina itong tumawa. “Ganoon ba? Actually, hindi ko na nga tinapos ang shoot kasi iniisip ko na baka hindi mo ako siputin.” “H-ha? Bakit ko naman gagawin iyon?” agad niyang sagot. “Choosy pa ba ako?” Napalingon ito sa kanya saka muling ngumiti. “Nakakatuwa kang kausap.” Nakagat niya ang ibabang labi saka ito dahan-dahang nilingon. “Nakakatuwa talaga ako. Marami ang natutuwa sa akin. Wala lang nagkakagusto,” aniya. “Paano mo naman nasabi na walang nagkakagusto sa iyo?” Nakatuon na ang mga mata nito sa daan. Malapit na sila ng gate ng Highlands Condominium. “Wa-wala kasing nanliligaw sa akin.” “Ganoon?” “Oo eh. Siguro pangit ako sa paningin nila.” Bigla nitong sinuyod ang kabuuan niya kahit nakaupo. “You’re not bad, actually,” anito na ipinokus ang mga mata sa dibdib niya. Nakaramdam siya ng pagkailang. “Staring is bad,” nasabi niya dahil tila kulang na lang ay lamunin ang dalawang bundok niya ng mga mata ng binata. “Sorry,” apologetic nitong sabi at muling ibinaling ang mga mata sa daan. Mayamaya pa ay itinigil na nito ang sasakyan sa gate. Binuksan nito ang bintana ng sasakyan. Dali-dali namang lumapit si Kuyang Guard na nakausap niya kanina. “Sir, good evening po!” Sumaludo ang security guard. “Nakita mo na ba ang magandang binibini na ito?” tanong nito saka itinuro siya. Nagkandahaba-haba naman ang leeg ng security guard upang makita siya ng maayos. Napakamot ito ng ulo. “O-opo, Sir.” “Sa susunod, papasukin mo na siya agad sa loob. Hindi na niya kailangan pang maghintay. Maliwanag?” “O-opo, Sir! Pasensiya na po, Miss!” Tumungo ito sa kanya kaya ganoon na rin ang ginawa niya. Tila nag-iba ang ihip ng hangin. Ang kaninang nakangiting si Mr. Your Man ay biglang naging isang nakakatakot na boss sa harapan ng security guard. Kitang-kita kasi niya ang pamumuo ng pawis nito habang humihingi ng paumanhin. “Natakot ba kita?” Tipi itong ngumit kasabay ng saglit na paglingon sa kanya. Bumukas na ang malaking gate. “Ba-bakit naman ako matatakot?” Napalunok siya nang sabihin iyon. “Baka ma-turn ka agad sa akin eh.” Ako matu-turn off? Para nga akong isang prinsesa na pinoprotektahan ng isang gwapong prinsipe na tulad mo! Just say the word, baby. Papayag agad ako na – “Sexy Lips?” “H-ha?” “Ayaw ko lang kasi na pinaalis ka nila. Sana pinaghintay ka nila kahit malapit sa guard house. May upuan naman doon o di kaya ay itinawag nila sa akin ang pagdating mo.” My God! Napaka-maalalahanin naman niya! “Ah… okay lang iyon. Ginagawa lang naman nila ang trabaho nila. Hindi mo naman sila masisisi na gawin ang ganoon. Nanumpa sila na pangangalagaan ang seguridad ng buong Highlands.” Nginitian lang siya nito saka tumango. Ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata niya at pagkagulat nang makita ang halos labing-limang palapag na condominium. Nakahilera ang mga sasakyan sa magkabilang gilid. Halatang mga mamahalin ang mga iyon. May mga punod rin sa buong paligid kaya kahit na kapansin-pansin ang pagiging modern ng Highlands Condominium ay tiyak niyang sariwa ang hangin doon. Literal na napatulala siya. Nakakalula ang ganda ng buong paligid. Hindi naman mahirap ang pamilya nila ngunit hindi rin mayaman. Nakakaluwag-luwag lang sila kumbaga nasa gitna middle class. Pero hindi ang lalaking kasama niya, masyado yatang mataas ang level nito sa kanya. “Sexy Lips,” mahinang tawag nito sa kanya. “A-ay!” malakas na sagot niya. Nagulat siya ng maramdaman ang pagtama ng hininga nito sa mukha niya. Napakagwapo pala nito sa malapitan! Paanong nangyari na nasa labas na ito at nabuksan na ang pinto ng sasakyan kung saan siya nakaupo? Saang dimensiyon ba siya napunta? “Pa-pasensiya na. Nagulat lang ako. Ang ganda kasi ng Highlands.” “Marami nga ang nagsabi niyan. Tara na?” Inilahad nito ang kamay upang alalayan siyang makababa. Wala naman siyang magawa dahil nakakailang na hindi niya gawin iyon. Maya kaba siyang naramdaman kasabay ng kakaibang damdamin na lumaganap sa mga ugat niya. Hindi niya lang alam kung nakahalata ba lalaki. Ramdam niya kasi na parang nanlamig ang kamay niya kasabay ng panginginig niyon. “Okay lang ba? Masyado bang malakas ang aircon sa loob ng sasakyan? Malamig ang kamay mo eh.” “A-ah… oo! Nabigla lang rin siguro ako.” Kulang ang salitang perpekto para isalarawan ang lalaki. Nasa loob ba ako ng isang comics o di kaya nasa mundo pa ako ng isang kwento na pinapalabas sa telebeisyon? Bakit tila nasa alapaap siya kasama ang bidang lalaki sa isang palabas? Kung ganoon ay ako ang bidang babae? Shocks naman! “Tara na sa loob. Pinaghintay kita kaya gusto kong makabawi sa iyo.” Mahigpit siyang hinawakan nito sa kamay. Ewan niya kung naramdaman nito ang pag-igtad niya. Ang init kasi ng palad nito parang ang sarap magpa-ampon. Ninamnam niya ang masarap na pakiramdam hanggang sa pumasok sila ng elevator at dalhin siya nito sa fifteenth floor. Sa pinakataas talaga ang unit niya? Talagang malapit sa heaven! Nang mabuksan nito ang pinto ay niluwagan nito iyon upang siya ang unang pumasok. A real gentleman na kahit sa kapatid niya ay hindi man lang niya naranasan dahil nga sa akala yata ni Brix ay lalaki siya. Ayain ba naman siya na makipagsuntukan. Mabuti na lang kaya niya pang pigilan na mapikon sa kapatid. Kahit papaano naman ay nag-iisa lang iyon kaya pwede na ring pagtiyagaan. Kung gaano siya namangha nang makita pa lang ang panlabas na paligid ng Highlands ay triple pa ang pagkagulat niya nang makita ang loob ng unit ni Mr. Your Man. Dalawa lang ang kulay ng kabuuan niyon, white at gray. Napakalinis at napakabango. Ang mga gamit din na naroon ay mga gamit ng mayaman. “Sa-sa iyo ito?” “Yes. Maganda ba?” “O-oo naman!” Napatingin siya sa kamay nitong hawak pa rin pala ang kamay niya. “Nagugutom ko na ba? Hmmn?” “Hi-hindi pa naman.” “Kung ganoon ay mag-usap muna tayo?” “O- ay!” Napasigaw siya dahil walang anu-ano’y pinangko siya nito. Nakangiti lamang siyang tiningnan nito. Grabe ang feeling! Para silang bagong kasal sa pagkakakarga sa kanya ng lalaki. Ang bango-bango nito na pwedeng na niyang langhapin at gawing oxygen ng baga niya. Mayamaya pa ay maingat siya nitong inilapag sa mahabang sofa, paupo. Gusto niya sanang tanungin kung bakit ginawa iyon ng lalaki ngunit nawalan siya ng lakas ng loob. “Now, let’s talk about us,” anito habang tinatanggal ang butones ng suot na long sleeve. “H-ha?” natataranta niyang sabi. Hindi niya sigurado kung para saan ang tanong niyang iyon. “Since we are officially starting our day one today, ayaw kong biglain but I’ll be honest with you that I like you.” He likes me raw! “Do you want us to explore each other, no strings attached.” Para siyang binuhusan ng malamig na yelo sa mukha. Hindi siya nakahuma at nanatili lamang na nakatitig sa mukha nito. “Ayaw kong sabihin sa iyo na magiging seryoso ang pattutunguhan natin. Who knows, ngayon pa lang naman tayo nagkita at nagkakilala. So, if you’ll agree, we will continue seeing each other and maybe will figure out– “ Wala na siyang pakialam pa sa nais nitong sabihin. Kung anuman ang gusto nito ay wala na siyang dapat tutulan pa. Kailangan niya ang lalaki. Kesehodang magmukha siyang sabik na sabik, who cares! Sa una ay halatang nagulat ito ngunit ng makabawi ay tinugon ang halik na iginawad niya sa labi nito. Hindi siya. Wala siyang karanasan subalit ramdam niya na walang mali sa gagawin ng nilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD