KABANATA 4

1486 Words
(The first meeting) ALAS SAIS ng gabi ang oras ng pagkikita nila ni Mr. Your Man ngunit alas singko pa lang ay ready to go na si Liberty. Hindi naman halatang excited! Siguradong magtataka ang magulang at kapatid niya kapag nagpaalam siyang umalis dahil hindi naman niya talaga ugali lumabas ang bahay ng ganoong oras. Nalakasuot siya ng skinny jeans at isang black t-shirt. Humapit lalo iyon sa katawan niya kaya kitang-kita ang kurba niyon na kahit sino at mapapatingin. Lumitaw din ang maputi niyang kulay. Inilugay niya lang ang mahaba ngunit kulot na buhok. Light make-make lang ang nilagay niya sa mukha na lalong nagpatingkad ng kanyang mapulang labi. Isang wedge na kulay krema naman ang suot niya sa paa. Bahagya siyang tumangkad dahil doon na ikinatuwa niya. Siniguro niya ring nasa loob ng maliit niyang bag ang mobile phone niya. Iyon ang lang ang magiging way upang makita niya ito. Ang kailangan na lang niyang gawin ay makalabas ng kanilang bahayng hindi nakikita ng kanyang Mama, Papa at kapatid. Baka kung ano pa ang isipin ng mga ito. Tiningnan niya pa ng isang beses ang itsura niya sa harap ng salamin at nang masiguro na maganda na siya sa paningin niya ay maluwang siyang ngumiti. Ibig sabihin ‘nun, pasado na sa kanya ang sarili. Dahan-dahan siyang lumabas ng kanyang silid at maingat na isinara iyon upang hindi makalikha ng ingay. Bahala na nga kung makita ako nila Mama at Papa! Hindi naman siguro ako pagagalitan. Tahimik siyang nakababa ng hagdan. May narinig siyang nag-uusap sa bandang kusina, marahil ang kanyang Mama at Papa na naghahanda ng kanilang hapunan. Isa na lang ang problema niya, ang alaskador niyang kapatid na si Brix. Nakagat niya ang ibabang labi nang makalabas mg pinto ng bahay. Ang gate na lang ang problema niya. Dali-daling humkbang hanggang sa makarating ng gate. Ngiting tagumpay! Nalakabas siya ng walang aberya. Ang saya-saya lang sa pakiramdam niya! Sa Highlands Condominium ang pupuntuhan niya at iyon ang unang beses na pupunta siya sa ganoong lugar. Kahit naman na hindi siya gala ay makakapunta siya sa kahit na saang lugar. May internet naman na madalas ng ginagamit ng mga tao ngayon kaya napakadali na lang malaman ang mga lugar na nais puntahan. Nakarating na siya ng kalsada. Magta-taxi na lang siya. Kung bakit kasi nagdalawang-isip pa siya na kumuha ng sasakayan noon. May sapat na siyang ipon sa savings niya para makabili kaya lang ay nag-aalalang hindi magamit dahil nasa loob lang naman siya ng bahay lagi. Kapag talaga nag-click kami ni Mr. Your Man ay bibili ako agad ng sasakyan para hindi hassle. “Ate? Saan ka pupunta?” narinig niyang tawag sa kanya ng isang pamilyar na tinig. Diyos ko! Bakit ngayon pa? “Ate, uy!” Kinalabit na siya nito kaya wala siyang nagawa kung hindi ang harapin ito. “Uy, Brix! Ikaw pala! Saan ka pupunta? O pauwi ka pa lang?” sunud-sunod niyang sabi. Napakunot ang noo nito, halatang naguluhan. “Ang labo mo, Ate. Paalis pa lang ako. Pupunta ako sa bahay nila Angela.” Mabuti na lang! “Ah, ganoon ba? Sige, ingat ka. Ikumusta mo ako kay Angela.” Tumalikod na siya. “Saan ka pupunta, Ate?” Natigil siya sa paghakbang dahil sa tanong nito. “May kailangan lang akong tingnan. Balak ko sanang bumili ng sasakyan eh.” “Talaga?!” Nanlaki ang mga mata nito at hinawakan siya ng mahigpit sa dalawang braso. “Ate, pahihiramin mo ako ha? Ano ba ang brand na kukunin mo?” excited nitong sabi. “Oo na, pahihiramin na kita basta huwag sabihin kay Mama at Papa na nakita mo ako ha? Saka hindi ko pa alam kung anong brand ang pipiliin ko basta bibili ako at pwedeng-pwede mong gamitin.” “Sinabi mo iyan, Ate ha?” “Ano ba?!” singhal niya sa kapatid nang bigla siya nitong niyakap. “Hindi ako makahinga.” “Ay, sorry! Sorry, Ate!” Excited lang ako. Sige, alis na ako. Balitaan mo ako mamaya,” anito. “Okay.” “Ingat ka, Ate.” Pumara na ito ng tricycle. “Sige.” Kumaway pa siya nang sumakay na ito. “Hay! Wala na talagang kawala ang pagbili ko ng sasakyan.” Agad niyang pinara ang sasakyan na paparating. Wait for me. Mr. Your Man! I’m coming! KANINA PA SIYA nakababa ng taxi ngunit hindi siya mapakali. Ang lugar na iyon ay may mahigpit na security. Napakaraming security guard sa buong paligid. Paano ba naman kasi tila para lang sa mga mayayaman lang ang pwedeng makapasok? Ang aga pa naman niyang pumunta kaya naman para siyang tanga na nakatayo sa may gate. “Magandang gabi po, Miss. Ano po ang kailangan nila?” tanong ng isang guwardiya na lumapit sa kanya. Nakahalata yata na kanina pa siya nakatayo roon. “May hinihintay lang po ako, Kuya. Napaaga po ang punta ko pero napadalhan ko na po siya ng mensahe. I’m just waiting for his reply.” “Ganoon po ba, Maam? May rules po kasi dito na bawal tumambay baka po mapagkamalan kayong magnanakaw o kasali sa isang modus. Kung gusto po ninyo maghintay, doon na lang po muna kayo sa may waiting shed sa bandang labasan.” Mukha ba akong magnanakaw? Sa ganda kong ito? Isusumbong kita sa Mama at Papa ko, Kuyang Guard. “Ah, ganoon po ba? Sige po, doon na lang ako sa waiting shed maghihintay. Salamat po, Kuya.” “Walang anuman, Miss.” Agad na tumalikod na ito sa kanya. Ang saklap naman! Hindi na ba pwedeng daanin sa ganda? Napailing na lang siya. Dapat talaga hindi niya inagahan ng pagpunta. “Nasaan na kasi iyon? Parang ako lang yata ang excited na magkita kami. Kapag nalaman ito ng parents at kapatid ko, sasabihin ng mga iyon na ang cheap ko. Hay! Ang layu-layo pa naman ng waiting shed!” reklamo niya. Kinuha niya ang mobile phone sa maliit na bag at nagbabakasakaling may mensahe mula kay Mr. Your Man ngunit sa malas ay wala pa. Dahil malayo naman ang lalakarin niya ay nag-browse na lang siya ng iba’t ibang klase ng sasakyan. Kailangan niyang panindigan ang pagbili niyon dahil baka sa susunod ay makahalata ang kapatid niya. “Ano ba ang maganda? Wow, ang ganda rin ng presyo ng kotseng ito,” tukoy niya sa pulang Ferrari. “Masyadong mahal, ayaw ko nito.”Second hand na lang kaya?” Naging abala siya sa kakatingin kaya naman hindi niya namalayan ang sasakyan na pasalubong sa kanya. “Ito na lang, mas mura,” aniya sa sarili. “Ay, baklang palaka!” sigaw niya ng bumusina ang sasakyan. Napahawak siya sa dibdib dahil sa matinding gulat. Tatatanga-tanga ka kasi. Bumukas ang pinto niyon kasunod ng paglabas ng isang lalaking nakasuot ng shades. Hindi naman mainit pero bumagay naman sa estrangherong lalaki. Napalunok siya kasunod ng pagbagal ng paligid. Nakasuot ito ng long sleeve na asul at maong na pantalon. Tindig pa lang nito ay kinilabutan na siya. Diyos ko, Lord! Baka kainin ako ng buo nito! Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan. Tila may hipnostimong dulot ang lalaki sa kanya. Baka tang maganda nitong katawan na pinaka-sexy yata niyang napagmasdan sa buong buhay niya. “I’m sorry, Miss,” anito. Shit. Pati ang boses nito ang gwapo sa pandinig. Lalo pa siyang napanganga nang tanggalin nito ang salamin sa mata. Parang nakita ko na siya! “Ah…ako dapat ang humingi ng sorry. Hindi ko kasi tinitingnan ang nilalakaran ko. Pasensiya ka na,” aniya. “Okay lang. Saan ba ang punta mo, Miss? May binisita ka ba sa Highlands?” “Ah… ano kasi… may hinihintay ako kaya lang wala pa siya. Ang sabi sa akin ng guard doon na lang daw ako sa waiting shed maghintay. Strict ang security nila.” “Hmmm,” tumangu-tango ito. “Hinihintay mo ba si Mr. Your Man?” “Ah – oo! Babalik na lang siguro ako kapag dumating na siya. Teka, paano mo nalaman na – ” “Sexy lips?” nakangiting sabi nito. “I-ikaw si Mr. Your Man?” nauutal niyang tanong. “Yes. Kanina mo pa ba ako hinihintay?” Ang ngiti nito ay tila may magnet na humihila sa kanya upang lumapit sa lalaki. “Ah… Hi-hindi ko kasi napansin na maaga pa pala,” pagdadahilan niya. “Mabuti na lang nakita ko ang message mo kaya pumunta na ako agad dito. Nag-commute ka lang ba?” “Oo eh.” “Kung ganoon, sumakay ka na para sabay na tayong pumasok sa loob ng Highlands.” “Si-sige.” Umikot pa ito sa kabilang side ng sasakyan saka binuksan iyon. “Pasok ka na.” Ay, gentleman! Tumango siya saka pumasok na rin. Pinaghalong kaba at pananabik ang lumukob sa kanyang dibdib ngunit iisa lang ang sigurado siya sa oras na iyon. Ang gwapo talaga ng lalaking katabi niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD