bc

Revenge of the Broken Billionaire

book_age16+
1.8K
FOLLOW
6.7K
READ
billionaire
brave
dare to love and hate
heir/heiress
sweet
bxg
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Para sa isang tinaguriang Spoiled

Brat of the Century na si Mikaela

Trinidad lahat ng bagay sa mundo

ay nakukuha sa isang kumpas lang

ng kanyang mga kamay.

Palibhasa isinilang na nag iisang anak ng mayamang magulang kaya sunod lahat ng layaw nya.

Ngunit everything's Change ng umuwi siyang lasing at aksidenteng nagkabanggaan sila ng isang puting kotse.

Dead On the spot ang sakay ng puting kotse na sa kasamaang palad

ay ang Buntis na Fiancee ng

Pinakamayamang Businessman na si

Michael John Lorenzo.

Isinumpa ng lalaki sa puntod ng pinakamamahal na soon to be wife

na lahat ng paraan gagawin nya mapagbayad at maipaghiganti lang

ang pinakamamahal na babae sa taong naging dahilan ng kamatayan

nito..

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
PROLOGUE: MIKA Tinatanaw ko ang unti-unting paglubog ng araw sa kanluran. Mula ng dumating ako dito sa maliit na Isla na ito sa Palawan kasama si Nanay Martha nawalan na ako ng imik at laging malungkot at halos umiiyak Ako parang naging routine ko na iyon Dito ko parating ibinubuhos ang panahon ko sa tabing dagat, atleast dito gumagaan ang bigat ng pakiramdam Dalawang linggo na mula ng takasan ko ang tila bangungot na nangyari sa buhay ko. Akala ko pag lumayo ako mapapanatag na ang kalooban ko pero nagkamali ako halos araw araw akong umiiyak dahil sa pag aalala sa dalawang anak ko na iniwan ko sa Hospital pagkatapos kong isilang. Life is full of Surprise isn't it? Ni sa panaginip di ko inakalang hahantong sa ganito ang buhay ko. Simula ng mangyari ang aksidenteng yun isang taon at kalahati na ang nakakaraan, sunod sunod na ang mga sorpresang nangyari sa buhay ko. Di naman ako ganun kasama para parusahan ako ng Diyos ng ganito or baka yun lang ang akala ko pero ang totoo talagang napakasama kong nilalang talaga.. Diko namamalayan nag uunahan na namang mag landas ang mga luha ko sa magkabilang pisngi ko. "Anak nandito ka na naman sa tabing dagat" Di ko namalayan ang paglapit ni Nanay Martha Mula sa likod ko Unti-unti akong lumingon sa kanya sabay punas sa mga luha kong nag walang tigil sa pagbuhos. "Anak umiiyak ka na naman? Tama na yan kung gusto mong balikan ang mga anak mo..gawin mo anak, kesa araw araw kang umiiyak" Umiling lang ako at tiningnan si yaya.. "hindi po ako babalik din Nay alam nyo naman po dahilan diba?" Hinawakan ni Yaya ang dalawang mga kamay ko. "Anak tama ba talaga ang naging desisyon mong iwanan ang mga anak mo at si Sir MJ?" Di ako makatingin ng diretso kay Nay Martha kahit ako di ko rin alam kong tama o mali ang naging desisyon ko? Pero maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga sinabi ni Sofia sa akin sa hospital ng araw na iyon. "Minsan inisiisip ko anak sana tinanong mo muna si Sir Michael at inalam mo kung totoo nga ang sinabi ng bruhang Sofia na yun sayo baka naman gawa gawa lang ng bruhang babaeng iyon Ang lahat ng kwento para ikaw na mismo ang lumayo" Di ako nakaimik sa sinabi ni Nay Martha. Posibleng tama siya na gawa gawa lang ni Sofia ang lahat para ako na mismo ang magkusang iwanan si John at ang mga anak namin. Humugot Ako ng napakalalim na buntong hininga. "Halika na anak umuwi na tayo papadilim na" Hawak ni Nay Martha ang mga kamay ko habang tinutunton namin ang daan pauwi sa maliit na bahay na tinitirhan naming dalawa. Sa malayong kamag anak niya ang bahay na tinitirhan namin nasa Amerika na ang may ari dahil kinuha ng anak na nakapag asawa ng US citizen. Dahil nga ayaw ko ng matunton pa ako ni John kaya pinakiusapan ko si Nay Martha na dito na lang kami pansamantala. Gusto kong lumayo sa mga taong nakakakilala sa akin at higit sa lahat gusto ko ng lumimot sa lahat ng nangyari sa buhay ko nitong nakalipas na isang taon at kalahati. Kung paano ko gagawin ang paglimot? Yun ang di ko alam? Di ko alam kong paano? Kailan? Nung papalayo ang taxi na sinasakyan namin ni Nay Martha sa Ospital pakiramdam ko unti-unti rin akong namamatay.. Halos madurog ang puso ko habang papalayo sa mga anak kong di ko na makikita pang muli.. Tanging si Yaya lang ang nagbigay sa akin ng lakas para kayanin ang lahat.. Siguro naman makalipas ang ilang buwan kong paglayo baka di na ako ipahanap ni John.. Baka nga tuwang tuwa pa yun dahil tuluyan na akong nawala sa landas nila kasama si Sofia.. Alam kong wala siyang hangad sa akin kundi gantihan ako at pahirapan.. Siguro tama na yung pasakit na ipinataw niya sa akin.. At naibigay ko na rin ang anak na gusto niyang kapalit ng anak niyang nasawi sa sinapupunan ng pinakamamahal niyang Fiancee.. Tao rin ako nasasaktan at may hangganan din ang lahat.. Iisipin ko na lang sigurong isang masakit na kababata ng buhay ko ang nangyri.. Life must go on. Leaving things behind. Is the choice I had to make. Dahil pag di ko ginawa yun baka wala ng matira sa akin. * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * MJ "For heaven's sake Mr.Arnaiz! Dalawang linggo.ng nawawala ang asawa ko pero ni hibla ng buhok niya wala man lang kayong matrace at maibalita sa akin! " " I'm sorry Mr.Lorenzo,we are trying our best pero talagang wala kaming makuhang information kay Ms.Trinidad at Martha Dela Vega. "I don't need your f*****g Sorry Mr.Arnaiz! All i want is your good news!" Sumabog na ang temper ko sa head ng detective agency na kinuha ko ang serbisyo para ipahanap si Mikaela. Two weeks na siyang nawawala. Tumakas siya sa Saint Lukes Hospital ng maisilang niya ang kambal na anak namin. Kasama niya Ang Yay Martha niya. Halos pagpapatayin ko ang mga security guards at mga hospital Staff dahil sa kapabayaan nila. "Sir just give us one more week we will doing our very best para maibalik sa inyo si Ms.Trinidad" "It's Mrs.Lorenzo! Sigaw ko sa kanya hindi ba niya maitindihan na Asawa ko ang ipinapahanap ko at Hindi Isang simpleng babae lang? "Yes Sir gagawin po namin makakaya namin para makita na si Mrs.Lorenzo" "Ok Mr.Arnaiz one week lang pag wala parin kayong maibalitang medyo maganda ganda sa pandinig ko alam nyo na gagawin ko" Pabagsak Kong itinapon Ang cellphone ko sa ibabaw ng Desk sa harapan ko Pinindot ko ang intercom at tinawag si Cathy. Halatang nanginginig pa ito habang papalapit sa akin. "Y..yes Sir" "Cancel all my Appointments Cathy!I'm going home" "But Sir importante po yung next meeting nyo sa mga Japannese Investors" "I said Cancel all my f*****g Appointments! Are you Deft or what?" Sigaw ko sa Secretary ko.pinanlinsikan ko siya ng mata dahilan para sunod sunod syang mapatanongo. Lately halos lahat ng tao dito sa office nakakatikim na ng sigaw ko Lumiit ng lumiit ang pasensya ko. Hanggat di ko natatagpuan si Mika.. Hindi nawawala ang init ng Ulo ko. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Parang sasabog ang dibdib ko sa sakit. She's gone. Nawala ang babaeng nagparamdam sa akin ng halos lahat ng klase ng emosyon.. Galit. Suklam. Excitement. Tuwa. Saya. Kaligayahan At Pagmamahal. Kahit di ko naiparamdam at nasabi sa kanya ang huli. Alam ko at inaamin ko na sa sarili ko na mahal ko na pala siya.. But it's too late. Wala na siya.. Ni wala akong kamalay malay na gagawin niya ang tumakas sa Hospital. Kaya pala masyado siyang tahimik at mailap nung araw na iyon..dahil may plano na pala siyang iwanan kami ng mga anak niya.. That woman was really good in hiding her emotions.. Parati nalang niya akong naiisahan sa kahit anung bagay.. Nagring bigla ang Cellphone ko sa bulsa ko. Si Mr.Arnaiz ang caller.. "Yes Mr.Arnaiz? Anythings new? "Sir pinuntahan ng mga tauhan ko ang pinsan ni Martha Dela Vega sa Bulacan..ayon sa nakuha nilang information..may nag iisang pinsan daw si Martha Dela Vega sa isang maliit na Isla sa El Nido Palawan at malaki ang posibilidad na doon sila pumunta ni Mrs.Lorenzo Sir.. " Bigla akong nabuhayan ng loob.. "Anong pangalan ng Isla Mr.Arnaiz? "Wala pa kaming information pero sisikapin ng mga tauhan kong alamin as soon as possible.." "Then gawin nyo agad Mr.Arnaiz,pag nakuha niyo na ang pangalan ng Isla..kontakin nyo agad ako..gagamitin natin ang Private chopper ko" "Yes Sir" Sasama ako sa pagpunta sa Palawan para ako mismo ang mag uuwi kay Mika sa bahay at sa mga anak niya. And this time. Sasabihin ko na sa kanya ang nararamdaman ko. Hihingi ako ng tawad sa lahat ng kagaguhang ginawa ko sa kanya Sukdulang lumuhod ako sa harapan niya gagawin ko. Mapatawad lang niya ako at bigyan ng pagkakataon na itama ang lahat ng pagkakamaling inumpisahan ko isang taon at kalahati na ang nakakaraan. MIKA Panay hila sa akin ng bestfriend kong si Izza pero ayaw ko talagang pumunta sa dance Floor. Una nakita kong nandun si Hanz at masisira na naman ang napakagandang gabi ko ng dahil sa kanya. Pangalawa nararamdaman kong lasing na ako. This is LIFE. Shopping. Partying. Travelling. Well. .Anyway I'm Mikaela Trinidad nag iisang anak lang naman ako ni Mr.Rodolfo Trinidad ang Lalaking nasa likod ng TRINIDAD Shipping Lines. My Papa owned the Company by himself. Bukod doon may Chains of Restaurant din kami sa boung Metro Manila. So, Bakit ko pa papagurin ang sarili ko sa pagtatrabaho kong lahat ng gusto ko nakukuha ko sa isang kumpas lang ng kamay ko. Milagro ngang natapos ko ang kurso kahit papaano. Isang taon na akong graduated sa College Di sa wala akong utak. Sobra sobra nga eh. Kaso tinatamad nga akong mag aral. Ang gusto ko lang mag enjoy ng mag enjoy sa buhay. "Hi Ella!" Inikot ko ang eyeballs ko sa taas. At itinirik.. And here we go again.. Kailan ba ako titigilan ng Hanz na ito? I don't like him. Ilang beses ko ng sinabi sa kanya yan pero utak talangka yata siya. "Ohh! Here we go again Hanz. .Pag sinabi kong ayaw ko! Ayaw ko! Period. Nadah!" Para kaming sirang plaka. "Hey! Calm down sweety" Gusto ko lang maki join sayo" Umupo siya bakanteng silya sa tabi ko at umorder ng inomin sa Bartender. As usual nasira na naman ang gabi ko ng dahil sa lalaking ito. Ok naman si Hanz. Galing sa Mayamang pamilya.Anak siya ng isang Congressman sa Visayas.. Kaso di ko maramdaman yung Magic. Kung friendship ang offer nya sa akin baka matanggap ko pa yun. Marahas akong tumayo kahit medyo nahihilo na ako. Hahanapin ko nlang si Izza sa Dance Floor. Uuwi na kami.nawalan na ako ng gana.parang sampalok ang pagmumukha ni Hanz. Sa tuwing nakikita ko di ko maiwasang mangasim mukha ko. Madali ko lang nakita si Izza at hinila ko pababa sa dance floor. "Hey Whats whrooong? Pilit nyang kinakalas ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa pulso niya. "We're going home" Di ko siya binitiwan hanggang makalabas kami sa Bar. "It's too early to fly home Mika" Reklamo nito Binitiwan ko na siya dahil nasa parking lot na kami. "Ok..You know what? "You can stay anyway..and Fly home alone later" Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko at pumasok. Kinakapa ko sa clutch bag ko ang car key ko. Nakapa ko ang iphone ko saglit kong binuksan at may limang Misscall galing kay Papa at tatlo kay Yaya Martha. Di ko namalayang nakaupo na pala sa tabi ko si Izza at mukhang tulog na. That means nandito na sa bansa si Papa. Pumunta siya sa Australia para sa isang business trip. Sanay na ako doon. Simula ng mamatay si Mama sa sakit na Leukemia noong 9 years old palang ako. Ikinulong ni Papa ang sarili sa kanyang trabaho at Negosyo. Minsan lang kaming magkita. Tanging Si yaya Martha nlang ang nagsilbing magulang ko at ang driver na si Kuya Manuel. Di nagkulang ng pagbibigay ng materyal na bagay si Papa sa akin. Siguro doon siya bumabawi sa mga pagkukulang Niya sa akin bilang anak niya. Natotoo akong mahalin lamang ang aking sarili. Pinag aralan kong maging matigas at manhid. Di ako ang klase ng taong basta basta nlang maglalabas ng emosyon. Diko namalayang nasa harap na pala ako ng Gate ng Mansion namin. Heto na naman ako. Balik na naman ako sa boring na bahay na ito. Kailan ko ba nasaksihang naging masaya sa tahanan namin? Ang pagkakatanda ko last 16 years ago. When there was a party for my 8 years Birthday. Noong buhay pa si Mama. Bumuntong hininga ako ng malalim sabay tapik sa naghihilik na si Izza sa tabi ko. MJ Nangangalay na ang likod ko sa kakasandal sa Swilverchair ko sa opisina ko. Pagkatapos ng Confeeence Meeting ko sa mga CEO's ng ibat-ibang Company na pag mamay ari ko. Heto ako nakaharap sa santambak na papeles na kailangan kong ireview at pirmahan. Kelangan kong tapusin ang trabaho ko. Isang linggo mula ngayon araw na ng kasal namin ni Clarisse. Di ko mapigilang mapangiti habang iniisip ko yun. Finally. Magiging Mrs.Clarisse Lorenzo na siya. Ang babaeng kauna-unahan kong sineryoso. Ang babaeng kauna-unahan kong minahal at pinahalagahan. Simple lamang siya. Galing siya sa mahirap na pamilya pero dahil sa talino at angking ganda Nakilala siya sa larangan ng pagmomodelo di lamang dito sa Pilipinas pati narin sa ibang bansa. Kakarating lang niya kahapon mula sa Milan,Italy para sa isang Fashion Show doon. Tinapos muna nya mga commitment nya sa trabaho. Mabilis kong idinial ang number niya,nakatatlong ring bago niya yun sinagot. "Hey Hon how's your day? Malambing niyang bungad sa akin. "Hon tumawag ako to remind you na sa akin ka matutulog mamayang gabi." Pilyo kong sagot. Narinig kong humalakhak siya sa kabilang linya. Bigla akong na arouse sa tawa niya. "s**t!" Napamura ako ng mahina. Ibang klase talaga ang dating niya sa akin. "Ok Honey I'm coming maybe late night,but i have a surprise for you" "What's the surprise? Bigla akong naging excited. "Surprise nga diba? Malalaman mo mamaya Honey I gotta go by the way huwag mo na akong sunduin, I have my car with me and Besides dadaan muna ako kina Sofia,tumawag siya sa akin kanina may sakit daw kaya di makakarating sa Bachelorette Party ko bukas.Gusto ko ring personal na ibigay sa kanila nina Tita Monic Ang invitation natin,bye hon,Love you" Nawala na siya sa linya. Napabuntong hininga ako sabay balik ang atensyon sa mga papeles sa harapan ko. Di mawala sa isip ko sinasabi niyang sorpresa. Ano kaya yun?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook