Chapter 10

3154 Words
MIKA Wala akong imik habang nakaupo sa tabi ni Mr.Lorenzo . . Simula ng umalis kami sa Bahay ay wala na kaming imikan.. Nagpapakiramdaman lang kaming Dalawa.Panay lang ang buntong hininga ko.. "Ni minsan ba Mikaela Trinidad di ka nakaramdam ng guilt sa nangyari sa inyo ng Fiancee ko 4 months ago?" Nagulat ako sa biglang pagtatanong niya tungkol sa aksidente.. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya..pero sa daan nakatutok ang mga mata nito.. "It was an accident" Mahina kong usal na para bang sarili ko lang kausap ko.. " Yah it was an accident but It didn't happened kung di ka nagpakalango sa alak that night.." Nagulat ako sa sinabi niya..paano niya alam na lasing ako that night.. Sa medical Records ko pala Alam nga ng halos buong pinas na lasing ako ng mangyari ang aksidente that night.. For a while nawalan ako ng sasabihin.. "Speechless huh" Huminga muna ako ng malalim..mag iisip ako ng bagong atake sa lalaking ito.. "Look Mr.Lorenzo..tapos na usapan natin diba na magbabayad ako sa lahat ng ano mang klaseng atraso meron ako..so ayaw ko ng pag usapan ang anu mang nakaraan na" Wala akong narinig na sagot mula rito nakatutok lang ang mga paningin nito sa unahan. Pasulyap ko siyang pinagmasdan.. What a perfect creature? This man beside me is one hell hot! Bigla kong namura ang sarili ko ng palihim.. What happened to me? "Ok..so lets start the paying time" "Huh?" Bigla itong lumingon sa akin at huling huli akong pinagmamasdan siya. Anong ibig niyang sabihin.. Di pa ako handa sa ano mang binabalak niya..naging Uneasy akong bigla..gusto kong magtanong pero parang umurong ang dila ko sa lalamunan ko.. "Stop acting like an innocent one Mikaela Trinidad...Alam ng lahat ang kalidad mo" "Im not acting innocent Mr.Lorenzo Just give me more time to accept this nightmare" Tumawa ito ng malakas.. "So your considering our deal as a nightmare huh?" "Why Mr.Lorenzo you thought its a dream cometrue for me? Tinaasan ko siya ng kilay at nakikita kong may naglalarong ngisi sa sulok ng mga labi niya.. "Exactly.." Di ko na nagawang magsalita pa dahil pumasok na kmi sa basement ng Lorenzo Empire.. Pinili kong manahimik na lang dahil ako lang maaasar. Walang salitang bumaba ito sa sasakyan..at naglakad papunta sa dalawang guard na nakaabang.. Akala ko pagbubuksan niya ako ng pintuan.. Ungentleman talaga..sabagay ano ba ang ineexpect ko sa isang lalaking tulad niya..mabilis kong binuksan ang sasakyan at sumunod sa kanya sa Elevetor.. "Your Life being a princess was over Mikaela Trinidad kaya gumising kana" I hold my breath..baka masapak ko na sa pagmumukha ang gagong ito.. "So kailan mo ako balak buntisin para matapos na ang bangungot na ito Lorenzo?" "How about diretso tayo sa penthouse ko instead na sa office ko para masimulan na natin" Pakiramdam ko nag akyatan lahat ng dugo ko sa mukha ko..pero kailangan kong panindigan ang mga salitang binitiwan ko kung hindi mapapahiya ako ng todo sa kanya. "Sure..just hand me the Contract first and sign it" Di ko alam kong paano lumalabas sa mga bibig ko ang mga salitang sinasabi ko. Tumawa ito ng malakas.. "Well.. always been a wiser princess huh?" Di ako umimik..tagal naman naming dumating sa opisina niya..pinili kong itutok ang paningin ko sa numerong mabilis na nagpapalit habang paakyat ang elevetor.. "Dont worry Trinidad..sisiguraduhin kong di mo makakalimutan ang mga gagawin natin while you're paying your debt.. Im an expert you know" Pinili kong ipikit ang mga mata ko ng mariin..inaatake na nga ako ng nerbiyos..parang gusto ko ng mag back out sa bangungot na ito.. Am i really doing this? Bahala na ang bahay namin.. Pero biglang sumingit sa isipan ko,ang sarili ko habang nakakulong at pinagpipiyestahan ng mga Tomboy na Inmates.. Bigla akong kinilabutan sa naisip ko.. Pero mas nakakakilabot ang mukhang tumambad sa akin ng buksan ko mga mata ko.. Di ko namalayang nasa harapan ko na pla ito at isang pulgada lang ang pagitan ng mga mukha namin.. Oh My God..He's gonna kiss me.. I closed my eyes again..di ko kasi kayang salubungin ang mga mata niya. Pero bigla akong napamulat dahil sa tunog ng elevetor.. There was no kiss.. Nakatikod na ito sa akin at mabilis na lumabas ng elevetor.. Nakatayo lang akong parang statwa..di ko alam ano gagawin ko.. Lumingon ito at iniharang ang katawan sa papasaradong elevetor.. "Stop daydreaming Miss Trinidad..higit pa doon ang matitikman mo mamaya sa Penthouse ko" How i wish na bumagsak na lang itong elevetor at kasama ako.. Ang tanga-tanga ko talaga.. Pero hindi ko hahayaang Parati na lang akong mababato ng insulto ng Unggoy na ito..kailangan kong tibayan ang loob ko.. Kailangan kong ibalik ang dating Mikaela Trinidad dahil alam kong marami na akong pag dadaanang bangungot na kasama ito.. "Taas ng kumpiyansa mo sa sarili mo Mr.Lorenzo..We'll Wait and See na lang" Di na ito umimik..tiningnan lang ako at hinarap na ang anim na assistant niyang nakatayo at naghihintay sa amin.. "Good Morning Sir" Chorus pa talaga sila..Gusto kong bumunghalit na tawa pero pinigilan ko.. Ano siya Diyos? Nilibang ko ang sarili ko sa pagmamasid sa paligid.. Ang laki ng opisina ni Michael John Lorenzo.. Moderno lahat ang kagamitan at sakop nito ang boung 44th Floor ng Lorenzo Empire Building. "Maam pasok na po" Bigla akong natauhan nakatingin pala sa akin ang isa sa mga assistant niya.. Nakita kong Magkasunod na pumasok si Lorenzo at Miss Cathy.. Ngumiti lang ako sa limang assistant niyang nakatayo parin at pinagmamasdan ako.. Seriously.Anim na Assistant? Aba Billionaire talaga itong Unggoy na ito.. "Can i sit there" Ayaw ko munang pumasok..gusto ko munang huminga ng maluwag... "Maam baka po kailangan na kayo sa loob ni Sir" Nasa Mukha ng isang may kaliitang assistant niya ang takot.. Pero hindi ko siya pinakinggan..Umupo lang ako sa Sofang itinuro ko kanina na sa palagay ko waiting Area ng mga may appointment kay Lorenzo.. Nagtitinginan ang limang assistant ni Lorenzo.. Kunwari di ko alam na kanina pa nila ako pinagmamasdang lima.. Sabi nga nila. The best Escape for Awkward moment is Just Ignore it.. Bahala silang magsawa sa kakatingin sa akin..basta gusto ko munang huminga..Feeling ko kasi pag nasa tabi ko lang si Lorenzo..Nauubusan ako ng Oxygen sa lungs.. "Why are you still here? Do you have any plan to get inside?" Speaking of the devil nakatayo ito sa nakabukas na pinto ng office nito at ang sama ng tingin sa akin pati sa mga assistant nito.. Itinirik ko ang mata ko at marahas na tumayo.. "Can you give me a time to just breathe here" "Why? wala bang hangin sa opisina ko?" "Unfortunately There is but you're such bad pollution in the air that i don't want to breath " Mabilis niya akong hinablot sa braso at kinaladkad papasok.. Bago ako tuluyang nakapasok..sinulyapan ko muna ang limang assistant niya na sabay-sabay na laglag ang mga panga.. Baka unang beses nilang nasaksihang may nang insulto sa kay Lord Lorenzo.. "take off your hand" Nasasaktan na kasi ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin.. Pabagsak niya akong pinaupo sa sofa.. "Dont you ever try to Insult me again infront of my employees Miss Trinidad" Kung nakakamatay ang klase ng tingin niya sa akin bka kanina pa ako walang hininga.. "Oh uh! Sorry Mr.Lorenzo..did i hurt your Ego? di ko kasi alam eh" Nilambingan ko ang tono ko para mas lalo siyang mainis sa akin.. "Shut Up! One more word and you are so dead Mikaela Trinidad" Inihagis niya sa akin ang isang brown folder.. "Sign the Contract para maka akyat na tayo sa Penthouse ko.." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.. Bumalik ang nerbiyos na kanina ko pa nararamdaman.. Binuksan ko ang Folder.. Isa isa kong binasa ang nakasulat sa long size bond paper na may notary pa ng kapitag pitagang si Atty.Delfin.. So Now narealise ko ang connection ni Attorney Delfin sa kanya.. Lumiliwanag na ang lahat sa akin.. Its all about his revenge! Tiningnan ko uli ang kontrata.. Ayon sa Kontrata.. Mababalik sa pangalan ko ang bahay namin oras na maibigay ko ang anak na gusto ni Michael John Lorenzo.. Sa loob ng pamamalagi ko sa poder niya..tanging mga kagustuhan lang niya ang masusunod at di ako pwedeng sumuway.. Pag nabigyan ko na siya ng anak..nawawalang bisa na ang kontrata at magiging malaya na ako.. 10 Milyon pesos ang ibibigay niya sa akin oras na maghiwalay na kami pagkatapos kong maibigay ang anak na gusto niya.. Titira ako sa kanya pagkatapos kong pirmahan ang kontrata.. Halos sumakit ang ulo ko habang binabasa ang bawat laman ng Contract.. "Bakit puro pabor naman yata sayo lahat ng nasa Contract Mr.Lorenzo?" "Magbabayad ka ng utang mo sa akin Mikaela Trinidad..kaya lahat ng karapatan sa akin" Nagmamadali kong kinuha ang Ballpen sa Center Table at pinirmahan ko na ang kontrata bago pa magbago ang isip ko at umatras.. Four Pages yun..pumirma na pla siya..pirma ko lang ang kailangan..para matapos na ito.. Ipinatong ko sa mesa niya ang folder at bumalik sa pagkakaupo sa Sofa.. Biglang tumunog ang Intercom.. "Sir Miss Sofia O'brien is Here..gusto daw kayong makausap" "Cathy Did i told you while ago..Im not entertaining any phone calls and visitors because i have an important meeting?" "Im sorry Sir,but Miss O'brien is insisting" "John let me in! I want to talk to you" Nakita kong pinindot niya ang end button ng Intercom.. Huminga ito ng malalim at kinuha ang kontrata sa Ibabaw ng mesa at itinago sa isang drawer ng mesa nito.. Nagulat pa ako sa Click ng pinto ng bigla nlang itong nagbukas.. Isang matangkad at seksing babae ang pumasok.. Namumukhaan ko ito.. Kung di ako nagkakamali isa din siyang sikat na Pinay International Model.. Pagkakita pa lang niya sa akin nanlaki na mga mata nito. "Oh my geez! What are you doing here?" Nagpalipat lipat siya ng tingin sa amin ni Mr.Lorenzo.. "John Anong ginagawa ng kriminal na yan dito huh? explain this!" Tumaas na ang boses nito at ang sama ng tingin sa akin.. "Sofia calm down " Lumapit ito sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang kuko ko na yata.. She look so beautiful at elegant I know Famous siyang tao sa Fashion Industry at Anak din siya ng Famous Designer.. "Hey! You... anong ginagawa mo dito ha? Ang kapal din naman ng pagmumukha mo..pagkatapos mong mapatay ang bestfriend kong si Clarisse may mukha ka pang ihaharap sa fiance niya?" Wala sana akong balak na patulan ang mga pag iinarte niya pero dinuro niya ako.. Tumayo ako at tiningnan din siya mula ulo hanggang paa.. "Excuse me..Do i know you?" Itinaas ko ang isang kilay ko at parang tinatamad na dinampot ang purse bag ko na nakapatong sa mesa. "How dare you! di mo ako kilala?" "Unfortunately Miss,No.. I'd never seen your face before..not until now" Nakita kong mas lalong namula ang blush-on na nakatapal sa mukha niya. May dinukot ito sa Clutch bag na hawak-hawak niya..at iniabot sa akin.. "Take my Calling card Miss Trinidad..nangangailangan kasi kami ng isa pang maid..umuwi kasi si Inday sa probinsiya eh..balita ko mahirap ka na daw at malapit ng magpalaboy-laboy sa lansangan" I gritted my teeth and hold my breath.. "Sofia that's enough! get out! maghintay ka sa labas mag uusap tayo mamaya..tatapusin ko na muna ang pag uusap namin ni Miss Trinidad" Ngumiti ako ng Matamis sa bruhang nang- aalipusta sa akin kahit na gustong gusto ng bumagsak ng mga luha ko.. "Thank you Miss O'brien but as you see..I've got my job today..thanks for the very Generous Mr.Lorenzo,he offered me a nice job" Sabi ko na nga ba eh..Isa siyang kilalang tao sa Fashion World.. She's the daughter of Famous Pinay Fashion designer..Monica O'brien.. And a famous catwalk model.. Ipinasok ko sa purse bag ko ang calling card pagkatapos kong daanan ng tingin.. "John..anong sinasabi ng babaeng ito..Your giving her a job? Are you Insane..she's the girl who killed Clarisse" Sa halip na sagutin siya ng lalaki..pinindot nito ang intercom.. "Cathy Come into my Office..right now!" Pagpasok pa lang ng secretary ni Lorenzo palipat lipat na ng tingin sa amin ng bruhang dinaig pa si McDonalds sa kapal ng make-up.. "Samahan mo muna si Miss O'brien dito sa offie ko..ihahatid ko lang sa taas si Miss Trinidad" "Yes Sir" "Really John..dadalhin mo pa sa Penthouse mo ang kriminal na ito" "Shut up Sofia! This is none of your f*****g business" Mariin ang pagkakasabi nito sa babaeng halos Gusto ng maglupasay sa lahat ng mga naririnig at nakikita niya... "It's ok Mr.Lorenzo tapos na man din ang transaction ko sayo,I think importante ang kailangan sayo ni Miss Sofia O'brien..ako na lang ang lalabas..may pupuntahan pa kasi akong importante eh" Sana lang tumalab ang diskarte ko..hindi pa talaga ako handa sa ano mang ipapagawa ni Michael John Lorenzo sa akin.. Hindi niya ako sinagot sa halip hinawakan niya ang purse ko at hinila palabas.. Wala akong nagawa kong di sumunod kahit nag uunahan na ang mga daga sa dibdib ko.. Wala na talaga akong takas at kawala sa lalaking ito.. Nasa private lift na niya kami ng bitiwan niya ang pulso ko.. "One more thing Mikaela Trinidad..pag nagbitiw ka ng salita panindigan mo" At lumabas na ito sa kakabukas na elevetor.. Sumunod ako sa kanya at paglabas na paglabas ko pa lang sa Elevetor.. Nalaglag ang mga panga ko sa lugar na sinasabi niyang Penthouse.. ❤️❤️❤️❤️❤️❤️ MIKA: My jaw literally dropped because the place is incredibly beautiful.. "Here we are! Welcome to paradise " Di ko alam kong Ano ang sasabihin ko.. Abala ang mga Mata ko Sa kakatingin Sa karangyaang nasa harap ko ..this place is amazing. Nakalimutan ko na tuloy ang dahilan kaya ako nandito.. Nakita Kong pumunta siya Sa Bar and He pour on two glass of drinks.. Yah! i really need that... Pampalakas ng loob.. "Drink this" Mabilis Kong inabot Sa kanya ang baso at straight Kong ininom ang mapait na likido.. "Hey! take it easy Miss Trinidad..para namang isang dekada kang Di nakakakita ng alak" Di ako sumagot..Sa halip naglakad ako papunta Sa Bar..I want more..gusto Kong mamanhid ng alak ang isipan ko at nang sa ganon kumapal ang pagmumukha ko.. "Stay here..Bababa lang ako Sa office..Sofia is waiting there" Wala siyang sagot na nakuha Mula Sa akin..Abala ako Sa pagpili Sa nakahilerang bote ng inumin Sa counter.. Gusto Kong inumin yung pinakamatapang na likido para tumapang din ako.. Devil's Springs Vodka ang nakita Kong pinakamatapang Sa lahat ng alak na nakahilera.. Binuksan ko ito at straight na ininom..lahat ng frustrations ko dito ko nalang ibubuhos Sa alak na ito..to think na Di pa ako kumakain man lang ng breakfast. Ipinasya Kong maglakad lakad muna habang hawak ko Sa kanang kamay ko ang vodkang kakabukas ko pa lang.. Great MIKA..now ginagawa mo ng parang tubig lang ang alak kahit na umagang-umaga..at Wala pang laman ang bituka mo.. Simula ng manyari ang aksidenteng yun..ngayon lang uli ako uminom.. Parang Wala ng direksyon ang lakad ko,Pagaan ng pagaan ang pakiramdam ko.. hanggang Sa humantong ako Sa isang nakasaradong pintuan..Binuksan ko ito gamit ang kaliwang kamay ko.. Hindi naman pala nakalocked.. Isa pala itong studio.. May mga canvas at paintings na Di pa natatapos.. May talento pala Sa pagpipinta ang isang Lorenzo ha.. Tiningnan ko ng Isa-Isa ang lahat ng paintings..hanggang Sa napadako ang aking paningin Sa isang particular na painting.. Its her! That woman.. Si Clarisse Santos.. Ang babaeng namatay ng gabing yun kasama ang anak nito Sa sinapupunan niya.. Parang buhay na buhay siya Sa painting.. mariin akong napapikit Dahil Parang nag flash back Sa aking mga Mata ang eksenang inilalabas siya Sa ospital na natatabunan ng puting tela.. Di ko namalayang nag uunahan na palang naglalandas Sa mga pisngi ko ang mainit na mga luha ko.. "Im so sorry..Clarisse..Di ko naman sinasadya yun..aksidenteng lang talaga ang nangyari" Mahina Kong usal..na para bang buhay siya habang kinakausap ko siya.. Umupo ako Sa sahig at isinandal ko ang ulo ko Sa wall..Bigla akong nakaramdam ng hilo.. ipinikit ko mga Mata ko..lasing na yata ako..I feel so dizzy... Binitiwan ko ang boteng Wala ng laman at kinuha ko ang iPhone ko sa bulsa ko.. Nagpatugtog ako ng kanta.. Kakantahan ko na lang si Clarisse Santos.. Baka mapatawad niya ako..kung sakali.. Nilakasan ko ang volume ng phone.. "Go..ing back to the corner... where I first saw you...Gonna camp in my slee..ping baaag.. I'm not gonna mo..ve Got some words on card... board, got your picture in my hand.. Saying,...If you see this girl can you tell her where I am.. Some try to hand me money, they don't understand I'm not broke - I'm just a broken-hearted man.. Ipinikit ko mga Mata ko habang sumasabay Sa kantang naka play Sa iphone ko..lasing na talaga ako.. Nagulat na lang ako at napadilat ng May humablot Sa hawak Kong phone .. "Wow! 20 minutes lang ako Sa office ko..pagbalik ko..lasing nalasing kana Mikaela Trinidad.." Pinatay nito ang malakas na tugtog Mula Sa phone ko.. "Hey! give my phone back.." Pilit Kong inaabot Sa kanya ang Phone ko.. Kahit lasing ako alam ko ang mga nangyayari..this is the perfect time..magkukunwari akong lasing na lasing at Di ko alam ang mga sinasabi ko at ginagawa..para mapagtakpan ang nerbiyos..parang at kahihiyan na gagawin ko.. "Get Up Mikaela" "Ohh! yes..yes" Mabilis akong tumayo pero nakaramdam ako ng sobrang hilo..kaya napaupo ako uli.. Di lang iyon..gusto Kong mag CR..Bigla akong nakaramdam na maiihi ako.. Pursigido akong tumayo. "Whe..re is the Comfort ro..om?" Ipinikit ko ang mga Mata ko Dahil feeling ko umiikot ang nasa paligid ko.. hinapuhap ko ang button ng Skinny Jeans ko.. "I want to Pee.. can i Pee here" Nagmamadali itong hinablot ang mga braso ko at inilalabas ako Sa studio.. Hanggang Sa namalayan ko na lang na lumulutang na ako sa Ere.. ang alam ko kinakarga na niya ako..Di ko alam Kong saan Kami papunta..pero gagalingan ko na ang acting ko at pagkukunwaring lasing na lasing.. "Hey! Su..super...man Are we Flying?" "Shut Up!" Tumawa ako ng Mahina..pinaglandas ko mga kamay ko Sa Dibdib niya.. This is Little bit Exciting..at naramdaman Kong bumilis ang paghinga niya.. Ipinasya Kong Huwag idilat ang mga Mata ko.. Ilang sandali pa namalayan ko na lang ang paglapat ng likod ko Sa malambot na kama.. Idinilat ko ang mga Mata ko ng dahan- dahan..nasa paanan siya ng Kama..at nakatingin Sa akin.. Oh! My God! Ano ba dapat Kong gawin? Just Continue your Acting MIKA ..Sabi ng kunsensiya ko.. Mabilis akong bumangon at bumaba Sa kama.. Di na ito acting o biro talagang naiihi na ako.. "Where is that C..R?" Isa pa Parang bumabaliktad ang sikmura ko..gusto Kong magsuka.. Mabilis akong humawak Sa kanya para ituro ang CR..hilong-hilo na ako.. Pero Di ko na talaga napigilan Bigla na lang akong nasuka..at Sa kasamaang palad Sa boung damit ko pa.. "You are so Dead Mikaela Trinidad!" Ang narinig Kong sigaw niya.. Yah..I am so DEAD!..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD