Chapter 13

2898 Words
MIKA "I'm leaving for New York Tonight" Bumuntong hininga ako ng malalim..at humarap sa kanya..Paulit-ulit? Ano ba ang pakialam ko? "Should I say, Please dont leave me with tears in my eyes? or Please take care honey".. Balewalang tanong ko sa kanya.. I dont meant to be sarcastic but i cant help it..I was born this way.. Legendary Mean Girl.. Bigla nitong tinapakan ang accelerator ng sasakyan..napahawak ako sa seatbelt ko..bigla akong nakaramdam ng takot..pero di ko ipinahalata na halos maihi ako sa takot sa bilis ng takbo namin.. Sakay kami sa isa sa mga sports car niya habang pauwi sa bahay nito sa Forbes Park.. "Pag ganito lang kabilis ang takbo natin..We aren't gonna die on the spot..let me drive it John and ill show you the way to hell and beside I'm expert on killing innocent people" Kung di lang ako nakasuot ng seatbelt baka tumilapon na ako sa biglaang pagtapak niya sa break.. "Shut Up!" Sigaw nito sa akin.. Nagsukatan kami ng tingin.. Wow! gusto kung palakpakan ang sarili ko dahil sa kabila ng panginginig ko dahil sa takot na nararamdaman ko nagawa ko paring umastang normal lang ang lahat.. "I'm warning you Mikaela..stop provoking me" "Uh..uh..did I?" Walang anumang tanong ko sa kanya.. Isinandal ko ang ulo ko sa upuan at ibinaling ang paningin ko sa labas. "Dont push me into the limit woman" Mariin niyang sabi sa akin.. "Let me tell you this Lorenzo..I know kasama sa mga plano mo ang gawing miserable ang buhay ko habang nasa poder mo..pero as you've seen..Im not miserable,actually im enjoying this charade" Ngumisi ako at tumawa ng mahina sa naiisip ko. Now you know how to take the dose of your own medicine.. "Really?then wait and see Mikaela" Parang walang anumang sabi nito..then he started the car's ignition again.. Sumulyap ito sa akin at ngumisi ng nakakaloko.. "Actually I'm not started yet for making your life miserable Sweetheart" Tinapik nito ang pisngi ko.. Ngumiti ako sa kanya ng napakatamis..I must admit..i like that little gesture from him.. May biglang pumasok sa isipan kong idea.. "John..can i try to drive your car?" Malambing kong tanong sa kanya..hinawakan ko ang kaliwang braso niya.. Alam ko namang di niya ako papayagan..gusto ko lang ipakita sa kanya kung ano ang kakayahan ng isang Mikaela Trinidad bilang babae.. "NO" "Please John.. Di pa kasi ako nakakapagdrive ng ganitong sasakyan eh.." Ipinakita ko sa kanya ang pinaka cute kong puppy eyes na may kasamang pouted lips.. Di ito nagsalita..pero sunod-sunod ang buntong hininga nito at nakikita ko ang paggalaw ng adam's apple nito.. Honestly..gusto kong magpakawala ng malakas na tawa pinipigilan ko lang ang sarili ko.. You're not started yet huh? "Take off your hands on me Mikaela or else..Im going to have s*x with you here.. and instead of driving my car..you can drive me here in this f*****g car.." Mahina nitong babala sa akin.. Bigla kong nabitiwan ang braso niya..I cant imagine my self..having s*x with him on his car. Pagdating sa intimate topic..natatameme ako.. Bigla akong naging Uneasy.. Napatuwid ako ng upo ng wala sa oras.. "Wanna try it Mikaela?" Nakangisi nitong tanong sa akin.. Di ako umimik..itinuon ko ang paningin ko sa labas.. "Actually..I'd never try to have s*x in any of my cars ..so we can try it here?" "Shut Up!" Sigaw ko sa kanya.. What a horny man.. Tumawa ito ng nakakaloko.. "Why? kanina may pahawak hawak ka pang nalalaman sa braso ko with your puppy eyes..bat ngayon tumahimik ka? and by the way while ago you are trying to seduce me?" "How dare you bastard! Seducing you huh? Maybe in your dreams!" Di ko mapigilan ang sarili kong magalit.. He's accusing me of seducing him.. Diba yun naman talaga ang plano mong gawin kanina? Akusa ng kabilang bahagi ng isipan ko.. Tumawa ito ng malakas habang biglang binilisan ang takbo ng sasakyan.. "Next time Mikaela..when your doing actions make sure na kaya mong panindigan" Anong action ang pinagsasabi ng Unggoy na ito.. "My God..Just by holding your arms..and then suddenly you thought..i was trying to seduced you? Really Lorenzo? really?" Napapailing na sabi ko.. "So you are not trying to seduce me?" "NO!." Mariing tanggi ko at pinandilatan ko siya ng mata.. "Ok..Sinabi mo eh" Kibit balikat na sabi nito at itinuon na ang pansin sa pagmamaneho.. Palihim ko siyang sinulyapan..permanente na yata sa sulok ng labi nito ang pilyong ngisi nito.. Damn!He's f*****g gorgeous! Ipinikit ko ang mga mata ko..magkukunwari na lang tulog para matakasan ko ang dirty conversation sa pagitan namin.. Ngayon bumalik sa isipan ko ang eksena sa pagitan namin kanina sa Penthouse.. I was sleeping on the sofa...di ko alam pero pakiramdam ko may humahaplos sa buhok ko..bigla kong ibinukas ang mga mata ko.. And i saw him..looking into my face.. Ewan ko kung guni-guni ko lamang pero there's something into his eyes. Isang emosyon na di ko kayang pangalanan.. I was about to open my mouth and ask him..but he suddenly angrily grab the magazines that scattered all over the floor.. "Who gave you the damn permission to touch the things here?" I was speechless..I cant find the right words to defend my self.. Nakikita ko kasi sa mga mata niya ang galit.. Isa-isa niya itong inayos at ibinalik sa dati nitong kinalalagyan. . Nakamasid lang ako sa bawat galaw niya.. Di ko maitindihan ang sarili ko habang pinagmamasdan siyang isa-isang inaayos ang mga magazines na para bang isang napakahalagang bagay iyon sa kanya.. Nang matapos niyang ayusin ito at maibalik sa dati...Nilingon niya ako.. "Fix your self..We're going home" Walang salita akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa..dinampot ko ang purse bag ko at nagpatiuna na sa pintuan... Nalilito na ako sa nararamdaman ko.. While watching him fixing that magazines,magkahalong awa at sakit ang nararamdaman.. I feel sorry for him..because he looked so broken.. I feel hurt..but i dont know why? Di ko alam kung ano ang iisipin ko.. That article about him and his fiancee moves me from one emotion to another one.. Idinilat ko ang mga mata ko ng marandaman kong bumabagal na ang takbo ng sasakyan.. Papasok na pala kami sa Gate ng Forbes Park... Hindi ito ang unang beses kong mapadpad na famous Private Subdivision na ito.. Dumalo na ako dati ng birthday Party ng isa kong kaklase na anak ng senador at dito nga sila nakatira sa Forbes Park.. Sumaludo pa ang dalawang security sa kanya.. Naaaliw akong tingnan ang mga malalaki at magagandang bahay na dinaraanan namin.. Sa Private subdivision na ito makikita ang tirahan ng mga sikat na personalidad sa bansa.. Politicians.. Business Tycoons.. Popular Celebrities.. Hanggang tumigil ang sasakyan sa harap ng napakalaking kulay itim na gate.. Kusa itong bumukas.. At pumasok na kami..nakasaludo pa ang dalawang Nakatayong security guards.. "We're here.." Lingon niya sa akin at tinanggal niya ang seatbelt niya.. "Welcome to my home" Lumabas na ito...walang imik kong tinanggal ang seatbelt ko at binuksan ang pintuan.. Nang makita ko ang bahay..parang ayaw kong kumurap.. Wala akong masabi... This house is one of a kind.. Honestly..tatlong beses yata ang laki nito sa bahay namin.. Marami na akong nakitang magagandang bahay..but this one is exceptional.. Mabilis niyang hinawakan ang pulso ko at hinila papasok sa nakabukas na main door ng bahay.. Nakatayo ang mga katulong na sumalubong sa amin.. "Good Afternoon Sir" Sabay-sabay nilang bati sa amo nilang sarap ipiksi ang kamay dahil sa higpit ng pagkakahawak sa purse ko.. Tumango lang siya sa mga ito.. "This is Mikaela" Mikaela what? Gusto kong itanong..basta ako lang si Mikaela parang kabuteng sumulpot sa bahay niya..di alam ng mga katulong kong ano ako ng amo nila? Kaibigan? Kaaway? Bagong kasamahan nila? Boarder sa bahay? Asawa niya? "From now on she's living here with us.." Nakita ko ang ibat-ibang reaksyon sa mukha nila.. Yung iba gulat ang nasa mukha nila.. Yung iba naman parang wala lang... Gusto kong matawa..pambihirang mga katulong ito,mga suplada at antipatika.. Ngumiti lang ako sa kanila ng pilit.. "Michael John ipaliwanag mo sa akin ang lahat ng ito . . bakit iniuwi mo dito sa bahay ang babaeng yan? diba siya ang dahilan ng kamatayan ni Clarisse?" Isang kamukha ni Janet Napoles na babae ang biglang nagsalita.. "Nanny Belen..Ill explain everything pero di pa ngayon..im running out of time..may business Trip ako sa New York at mamayang 8:00 ng gabi ang flight ko ok" "Anong nangyayari sayo Michael John? sa palagay mo matutuwa si Clarisse sa ginagawa mo?" Umiiling pa ang babaeng kamukha ni Janet Napoles na para bang any moment maiiyak na ito dahil sa bigla kong pagsulpot sa bahay ng amo nila.. Tinapik ito ni John sa balikat.. "Alam ko ginagawa ko Nanny Belen..ipapaliwanag ko rin sa inyo ang lahat..at maiintihan nyo rin ako" "Anak maiintindihan ko kung sa maikling panahon may kapalit na kaagad si Clarisse sa buhay mo..pero bakit ang mismong babae pang ito na dahilan ng kamatayan niya?" Di ko maiwasang di masaktak sa sinabi ng matandang babae..habang nakatingin ito sa akin na para bang isa akong napakasamang tao.. Huminga ako ng malalim Naninikip ang dibdib ko sa mga naririnig at nakikita kong reaksyon mula sa mga taong malapit kina John at Clarisse.. "Why dont you tell them the truth Michael John?" Nakita kong napatiim-bagang si John sa sinabi ko.. "Nanny Belen..personal na desisyon ko ito sana lang ho matuto kayong igalang ito" Nakita ko ang lungkot sa mukha ng matanda habang dahan-dahang tumango.. "Come here Mikaela..ill show you my room" Hinila niya ako pero pilit kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.. "Where's Nanay Martha?" Sa halip na sagutin ang tanong ko tumingin ito sa matandang Nanny Belen ang pangalan "Nanny Belen nasaan ho si Nanay Martha?" "Nasa kusina..nagluluto ng pagkain daw ng alaga niyang darating" "Show me the way to the kitchen John..pupuntahan ko siya? Sa laki ng bahay na ito sa totoo lang mawawala ako.. "Nanny Belen pakisamahan na lang siya sa kusina..aakyat lang ako sa kwarto at magpapalit' Tumango lang ang matanda at tumingin sa akin ng matalim.. "Sumunod ka sa akin" Malamig nitong sabi at tumalikod na.. Mabibigat ang mga paang sumunod ako sa kanya.. Nang makapasok na kami sa isang pintuan..bigla itong huminto at hinarap ako.. "Sa totoo lang di kita kilala ng personal pero makinig pero di ko alam kung ano ang ginawa mo kay Michael John at kahit na ikaw pa mismo ang dahilan ng kamatayan ni Clarisse at magiging anak nila dinala ka parin niya dito sa bahay niya" I hold my breath.. I dont want to be rude. lalong lalo na sa mga matatanda.. kailangan ko ng mahabang pasensya..dahil wala naman silang alam sa mga nangyayari at sa dahilan kong bakit ako nandito.. "Pwede po hintayin na lang ninyong ipaliwanag ni John ang lahat bago kayo magsalita ng kung ano-ano sa akin..wala po kayong alam sa mga nangyayari" Tiningnan niya ako ng matalim at biglang tumalikod..nagpatuloy ito sa paglalakad.. Siguro malaki ang naging bahagi ng matandang ito sa buhay ni Michael John dahil kung umasta ito parang si Nanay Martha lang ang peg.. Bumuntong hininga ako ng malalim..tahimik akong sumunod sa kanya.. Pagpasok ko sa isa pang pintuan..nalantad sa akin ang isang napakalaking kusina.. Nakita ko si Nay Martha..abala ito sa ginagawa nito.. "Nay" Tawag ko sa kanya.. Nang makita niya ako mabilis akong sinalubong ng mahigpit na niyakap.. "Salamat naman at nandito ka na anak" Tumawa ako at hinalikan siya sa pisngi..I really love Nanay Martha..musmos pa lang ako siya na ang nag alaga sa akin.. Nang mamatay si Mama noong 9 years old pa lang ako .wala ibang pumuno ng lugar niya sa buhay ko maliban kay Nay Martha.. "Kayong mga Sampid Matanong ko nga kayong dalawa..Anong plano niyong gawin dito sa pamanahay ng mga Lorenzo at hanggang kailan kayo dito manunuluyan?" Magkasabay kaming napalingon ni Nay Martha.. "Kung sabihin ko bang habang buhay na kaming titira dito,may magagawa ka ba?" Mataray na sagot ni Nay Martha.. "Ano ba ang gayumang ginamit ng alaga mo at sa kabila ng katotohanan na siya ang dahilan ng kamatayan ni Clarisse at anak nito sa sinapupunan niya..nagawa paring iuwi ni Michael John dito sa pamamahay niya ang babaeng yan?" "Bakit di mo tanungin ang Amo mo kung bakit niya iniuwi dito sa pamamahay niya ang alaga ko?" "Makinig ka babae..tanging si Clarisse lang ang may karapatang tumira dito sa pamamahay ng mga Lorenzo..pero dahil wala na siya nakahanda kaming magsilbi sa sino mang babaeng ipapalit ni Michael John sa kanya pero hindi ikaw yun" Mariin niyang sabi sa akin.. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko dahil naninikip na naman.. "Mika anak..nasaan ba si Mr.Lorenzo? kakausapin ko siyang uuwi na tayo sa bahay natin..baka di ako makapagpigil mapaaway ako dito" "Nay manahimik na lang po tayo..please" Ayaw ko ng patulan pa ni Yaya ang matadang ito.. Marami na akong dinadala sa dibdib at ayaw ko ng dagdagan pa. "Ang di ko maintindihan ay kong bakit hanggang ngayon Malaya ka parin at di ka nakulong samantalang maliwanag pa sa sikat ng araw na isa kang Kriminal" Pumikit ako ng mariin.. Ang Talas talaga ng dila ng matandang ito.. "Matanong ko nga ho kayo Lola..kaano-ano ba kayo ni John? Mahinahon kong tanong dito..lumapit ako sa kinatatayuan niya.. "Ako ang nag alaga sa kanya simula pa noong maliit siya" Mataray nitong sagot..mukhang proud na proud ito.. "Sa makatuwid..Yaya po kayo? Nanny ni John?" "Oo..ano ngayon?" Pagtataray parin nito at itinaas pa niya ang kaliwang kilay na ginuhitan lang ng itim na eyebrow pencil.. "So dapat po alam niyo kung saan kayo dapat lumugar diba? dapat po alam niyo kung kailan kayo dapat makialam at hindi sa buhay ni Michael John" Nakita kong lumaki ang mga mata nito at dahan-dahang sinasapo ang dibdib nito.. Nagpanic ang iba pang katulong na kasama namin sa kusina..dinaluhan nila ang matandang unti-unting nalulugmok sa sahig.. Di ko alam ang gagawin ko..nakatayo lamang ako habang tinitingnan ang mga nagkakagulong mga katulong..tulong-tulong silang binuhat ang matandang walang malay at inilabas sa kusina.. "Anong nangyari kay Nanny Belen?" Malakas na tanong ni Michael John.. Tiningnan ako ng dalawang katulong na nakaalalay sa matandang di ko alam kung buhay pa o patay na.. Diko inaasahan ang nangyari.. Tumingin sa akin si Michael John.. Bigla akong nakaramdam ng takot.. Nanlamig ang bou kong katawan.. Ngayon ko lang narealized na baka may sakit sa puso ang matanda.. GOD..What i have done? Pag namatay ang matandang iyon..dalawa na sa mahahalagang tao sa buhay ng lalaking ito ang nawala ng dahil sa akin.. Diko namalayang hilam na ng luha ang mga mata ko..nanlalabo na ang paningin ko ng dahil sa luha.. Right now..I want to runaway.. Gusto kong tumakbo ng mabilis na mabilis.. Pumunta sa malayong malayo.. Mabilis akong humakbang palabas ng kusina..di ko alintana ang galit na tingin ni Michael John sa akin.. Pero di pa ako tuluyang nakalalabas sa pintuan nahawakan na ako niya ako sa braso.. "Where do you think you are going Mikaela?" Mariin nitong tanong sa akin.. Marahas kong pinupunasan ng luha ko gamit ang kanang kamay ko.. "Let... me..go" Nanginginig kong sabi sa kanya.. "And why? You're going to escape again?" "Bitiwan mo siya..hayaan mo na kaming umalis dito,babalik na kami sa Bahay namin" Di ito sumagot sa sinabi ni Nay Martha..sa halip hinila niya ako..hanggang makarating kami sa labas ng bahay..nakasunod parin si yaya sa amin..hanggang makarating kami sa Garden.. Bigla niya akong binitiwan..napahawak ako sa braso kong sobrang sakit dahil sa mahigpit niyang pagkakahawak dito.. "Now tell me..Anong sinabi mo kay Nanny Belen at inatake siya ng highblood?" Di ako sumagot..at wala akong balak sumagot at ipaliwanag sa kanya ang lahat ng mga nangyari.. "If she can't make it..just send me in the jail" Punong-puno ng determinasyon na sabi ko sa kanya.. Siguro nga mas mabuti na yung nakulong na lang ako.. Baka sa kulungan matahimik na ako.. Walang lakas akong napaupo sa vermuda grass.. Im so tired of everything. Dinaluhan ako ni Yaya Martha..niyakap niya ako sa likod habang pahagulgol akong napaiyak.. Kailangan kong irealease ang nasa dibdib ko.. Wala akong pakialam kahit magmukha akong kawawa sa harap niya.. "Pag pinakulong kita..di mo mararanasan kung gaano ako kalupit maningil ng pagkakautang Mikaela" Bigla itong tumalikod at iniwanan kami ni Nay Martha.. Mabilis itong sumakay sa sasakyan nito.. Siguro susunod siya sa hospital.. Lalo akong napahagulgol.. Akala ko di ako masasaktan kahit sabihin niya sa akin ang mga salitang iyon.. "Tama na anak.." Niyakap ako ni yaya ng mas mahigpit.. Umiyak ako ng umiyak hanggang maramdaman kong gumaan na ang pakiramdam ko.. "Nay..what if di makasurvive ang matandang iyon at mamatay siya?" "Eh di ilibing,ang lawak ng sementeryo noh ano bang problema don?" Nakangiting biro ni Nay sa akin..alam ko pilit lang niyang pinapagaan ang pakiramdam ko.. "Wala kang kasalanan sa nangyari..tama lang ang sinabi mo sa kanya" "Nay di ko naman po alam na may highblood siya..pag namatay siya magpapakulong na lang ako" "Maniwala ka anak di mamatay yun..malakas ang kutob kung nag iinarte lang yun" Di ko mapigilang matawa sa sinabi ni Nay Martha.. I really love this old woman..pag nawala siya sa buhay ko baka tuluyan na akong maligaw ng landas.. "Pwede mo na bang ipaliwanag sa akin ang lahat ng mga nangyayaring ito Anak.." Tumango ako at ngumiti ng pilit sa kanya..isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya..pareho kaming nakaupo sa malawak na vermuda grass sa napakalawak na hardin ng mala palasyong bahay ng mga Lorenzo.. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD