MIKA "Maam Mikaela..ready na po ba kayo?" Tumango habang pinagsisinop ko ang dalawang palad kong nanlalamig.. "Then Shall we go..naghihintay na po ang bridal Car sa inyo sa labas" Tumayo ako mula sa pagkakaupo at dahan-dahan naglakad palabas ng pintuan.. Inalalayan ako ng dalawang katulong at ng Make up artist na siyang nag ayos sa akin habang pababa ako ng hagdanan.. After a month of bloody preparations..dumating din ang araw na ito.. Ang pinaka importanteng araw sa buhay namin ni John... Ang Church Wedding na gaganapin mismo sa Manila Cathedral.. The moment when I, no longer considered my self as one, but decide to share my entire life with Michael John.. the man I love the most...and the father of our two little Angels.. Nauna na sa isang sasakyan ang ang bridal entourage ko..

