Thirty-nine Marco... Pagmulat ng mata niya bumungad sa kanya ang putting kisame, tatayo sana siya ng maramdaman niya ang pagkirot ng ulo niya. Feeling niya din tumakbo siya ng pagkalayo-layo at sobrang tuyong-tuyo ang lalamunan niya na kahit laway wala siyang malunok man lang. "Marco..."nag-aalalang boses ni Kyla ang tumawag ng atensyon niya. Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses nito. Nakita niya itong nasa tabi niya at nag-aalalang nakatingin sa kanya. "Sandali tatawagin ko ang doctor"nag-aalalang turan nito. Pero hindi niya ito pinaalis sa tabi niya, hinawakan niya ito sa braso. Natatakot kasi siya na baka mawala na naman ito sa tabi niya kapag pinayagan niya itong umalis ngayon. "Hindi ako aalis, tatawagin ko lang ang doctor"nag-aalalang sabi nito pero may assurance ang bo

