Forty (Ender) Kyla... Nangingiti siya habang nakatitig siya sa wedding portrait nila ni Marco na nakasabit sa sala ng bahay nila ni Marco. They're now seven months married at kabuwanan na niya ngayon. Masaya naman ang pagsasama nila ni Marco, kahit na hindi mawawala ang pagbabangayan nilang dalawa. hindi naman mawawala iyon sa mag-asawa kahit sabi nga nila hindi mo makikilala ang isang tao hangga't hindi mo ito nakakasama sa isang bubong. Kaya kahit ilang taon na niyang kilala si Marco may mga bagay pa din siyang natutuklasan nab ago sa ugali nito. "Ako na naman pinapantasya mo darling"bulong sa kanya ng asawa niya. "Asa ka naman, tinitingnan ko kung gaano ako kaganda sa wedding picture natin"sagot naman niya. "Tsk" Natatawa naman siyang kumawala sa pagkakayakap nito mula sa likod

