After Shift
"Tara! Sands sabay ka na sakin".. sambit ni Diego. Huminto siya sa tapat ko habang tinatangka kong magbook ng grab. Alas dos na ng umaga nang magkahiwa hiwalay kami ng team. Nahirapan na din akong magbook ng driver at pangalawang beses nang nacacancel.
Lumabas kami ng buong team para icelebrate ang third quarter achievements.
Sa The Fort nagkayayaan. Bale 12 kami sa team kasama si boss. After shift ng friday namin isinet para at least makapagpahinga kinaumagahan.
Sa una todo tanggi ako sa beer na inaabot sakin, hanggang si boss na ang nagpumilit.
Masarap pala ang smirnoff, lasang sprite lalo na kung sobrang lamig.
Nakadalawang bote na'ko ng maramdaman ko ang tama at init sa aking katawan.
Hindi talaga ako umiinom ever since kaya bihira lang ako sumama sa mga team gathering lalo na kung inuman ang pupuntahan. Bukod sa hindi ako sanay uminom, hindi ko sanay na makita ako ng anak ko na umuuwing lasing.
Limang bote yata ang nainom ko.
"Ha?, okay lang ako". Tanggi kong ganon. Nahihiya akong sumabay. Alam kong maiilang lang ako sa knya dahil hindi naman kami ganon kaclose sa office.
"Maggagrab na lang ako or kaya papara nalang ako ng taxi" ito lang ang naisip kong sagot para tanggihan sya.
"Halika na nga!" Pilit niya.
"Dadaan naman ako ng marcos hiway eh"..
"sige ka, di ako aalis dito ga't di ka sumasakay" pabiro pa niya sabay ngiti sa'kin.
"Hmmm! Sige na nga".. Napilitan na ako dahil gustong gusto ko na din makauwi at dahil nakauwi na din halos lahat ng mga kasama namin.
Sasakay na sana ako sa likod nang bigla siyang bumaba at binuksan ang pinto sa harap na tabi ng driver seat.
"Dito kana, para di ka masyadong mahilo".
"Tsaka baka magmukha akong driver"
Nag alangan ako. Mga ilang segundo ako napatigil bago sumakay.
Inalalayan pa niya ako kasi hilong hilo na din talaga ako.
Habang nasa biyahe kami, tahimik lang. In-on lang niya ang sterio ng sasakyan niya ng may kahinaan. Mabango ang sasakyan. Halatang well-maintained.
Mabagal lang ang patakbo niya kaya komportable din ang upo ko.
Nakalingon lang ako sa labas nang maya maya'y naduduwal duwal nako at malapit na akong masuka.
Napansin ito ni Diego at napapalingon siya habang nagdadrive.
"Okay ka lang Sands?". Pag alala niyang ganun.
Tinabi niya sa may bandang gas station at Binuksan nya ang isa sa compartment ng sasakyan at may kinuha ito.
"Eto mint gum, wala na akong ibang candy eh".. alok niyang ganon.
"Or plastik bag ba gusto mo?" Sabay tawa na nang-iinsulto.
Hindi na ako makahinga kaya tinanggal ko ang dalawang butones ng aking white long sleeve. Sobrang init sa pakiramdam. Parang nasa malapit ako ng apoy na lumiliyab. Ramdam ko ang pamumula ng aking mga piski.
Maya-maya'y ninikip na ang dibdib ko at di na ako masyadong makahinga.
Pinapaypay ko ang mukha ko gamit ang aking kamay dahil parang wala akong nalalanghap na hangin.
Ganto pala ang malasing. Ang last na inom ko nung college pa ako pero mga light drinks lng at sobrang bibihira.
Nang mapansin ni Diego na halos hindi ko na mamanage. "Teka lang ha, bibili lang ako ng tubig" sabi niya at naglakad patungo sa malapit na convenience store.
Nang hindi pa siya nakakabalik, nagtanggal na ako ng damit dahil di ko na kaya ang init para akong nasusuffocate. Nakacamisole naman ako ng itim. Kita nga lang ang cleevage at puson.
Paglapit niya, may dala dala siyang mineral water na malamig at bumili na din pala siya ng bimpo.
"Hindi ka nga talaga umiinom" sabi niya habang pinupunasan ang pawis sa noo at mukha ko.
Di ko na siya nasasagot sa sobrang hilo.
Pagkatapos ay nirecline niya ang upuan ko sabay sabing "idlip mo muna saglit, para gumaan yang pakiramdam mo" pag alala niya.
Pagkatapos ng ilang sandali, nang mejo gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko. "Pwede bang idrop mo na lang ako sa pinakamalapit na motel?" Request kong ganon kasi nag aalala ako, sa takot kong makita ako ng mga kapit bahay namin. Mga echusera pa naman ang mga ito at baka isumbong kay Chloe pati na din kay Lola.
"Ha?" ulit niyang tanong na may halong ngiti.
"Hoy! Excuse me, ako lang hindi ka kasama" paglinaw kong ganon.
"Ah akala ko.." sabay tawa na para bang may paghinayang.
"Wow ha!" Halakhak kong ganon. Napatawa din siya.
"Di na sana ako tatanggi eh" dagdag niya
"Loko-loko!" Sagot ko.
Ramdam ko pa din ang alak sa buo kong katawan. Di ko na talaga matiis ang init lalo na't nakapatay ang makina ng sasakyan niya habang nagpapalipas kami bago mag umaga.
"Dito nalang tayo magpalipas Sands" alok niya.
"Okay lang naman tutal sabado naman bukas, walang pasok" sabi ulit niya.
"Baka magalit ang misis mo" pabiro kong ganon. Naririnig rinig ko lang na may jowa siya sa ibang bansa. Hindi ko masyang inuusisa lalo na't hindi kami close at hindi naman ako interesado.
Hindi siya sumagot, imbes ay yumuko lang sya.
"It's complicated, Sands. Baka para sa'yo ako". Lambing niyang ganon.
Nagtinginan kami ng malagkit na malagkit.
Laking gulat ko nang bigla siyang napalapit at dumampi ang kaniyang labi sa labi ko. Hindi na ako tumanggi kundi hinayaan ko lang siya. Nawala na ako sa sarili na di ko namamalayang sumasabay na pala ako sa halik niya.
Ito yung halik na 13 years ago ko lang naranasan.
Tagos sa kaibuturan. Para niyang ginising ang natutulog na katawang lupa ko.
"Sands, i like you".. sambit niya.
"Matagal na kitang gusto kausapin, alam mo ba yon" sabay tuloy ng halik niya sakin.
Ilang sandali gumapang na kaniyang mga kamay sa katawan ko. Binaba na niya ang halik sa leeg ko, pababa sa dibdib. Nang tangkain niyang tanggalin ang bra ko, pinigilan ko siya dahil naiisip ko nasa gas station kami. Baka anytime may mapadaan na tao kahit pa tinted ang sasakyan niya.
"I understand" sambit niyang ganon.
"Gusto mo pumunta somewhere else sands" alok niya.
Sobrang nahihiya ako at napatango na lang.
Inandar niya ang sasakyan at nagdrive. Ako naman tinuloy ko ang pag idlip. Nararamdaman ko ma mayat maya hinahawakan niya ang mga kamay ko habang nasa byahe kami...