Third Person's POV--- Magkalapit ang pamilya ni Reena kay Tita niya Karla. Magkasosyo ang mga magulang nito sa iba't ibang businesses dito sa pinas pati na din sa ibang bansa. Bata pa lamang sila Diego at Reena ay talagang napagkasunduan na ng dalawang pamilya na pag isahin ito paglaki nila. Nag aral silang dalawa sa parehong paaralan nung high school sa America. Doon pa lamang ay hindi na nakitaan ng pagkagusto ni Diego kay Reena. Dahil sa bukod sa napakaarte ay malapit din ito sa mga kalalakihan. Kaya off limits ang puso ni Diego sa mga gantong klaseng babae. Ang gusto at tipo niya ay yung simple lang. Noong high school pa lamang sila ay bali balita sa campus na nakipagchukchakan si Reena sa kaniyang rumored boyfriend sa loob ng campus nila ng gabi. Kung titignan mo sa itsura ni Ree

