Undecided

937 Words
"Ma, andito ka na pala". Bungad ni Chloe. Agad agad niya akong sinalubong ng mano at halik sa pisngi sa sobrang kagalakan. Niyakap ko din siya ng mahigpit. "Namiss kita anak sobra". Paglambing ko na halos papaiyak na ako sa tuwa. I had Chloe when I was twenty. I wasn't prepare for her back then... but, she came. I was too young. I was unemployed, too. Tamang kakagraduate ko lang ng college. I didn't raise her by myself. It was Lola who mainly took care of her since baby pa siya. Although, when it comes to financial, nabibigay ko naman ang pangangailangan nila. I decided not to stay in the province after the tragic incident nung 2014. Sinubukan ko ang kapalaran ko at nakipagsapalaran ako sa Maynila. Kaya generally, madami akong namiss na happenings kay Chloe. Kaya sinusubukan kong bumawi kahit papaano. I hope it's not too late. "Ayan na naman tayo ma, naiiyak ka na naman" kutya niya. "Hindi ah, si Lola ang naiiyak oh" sabay baling ko ang tingin kay Lola. Nang matapos ko na siya ihug ng napakahigpit. "How's school?" Tanong ko. Agad din niya akong sinagot.. "okay naman, Ma". Kwinentuhan niya ako about sa mga kaganapan sa school. Masayang masaya ako kasi ang dami niyang shinare sa akin na para bang nasaksikan ko din ang lahat ng ito. Highschool na ang anak ko. Mamaya niyan di ko namamalayan, college na pala siya. "Oh siya, kain na tayo". "Nagluto ako ng paborito niyong mag-ina". Alok ni Lola. Agad kaming napangiti ni Chloe. "Tamang tama La, namiss ko ang luto mong sinigang na baboy". Sabay tungo sa kusina at nagsalo salo... Pasado alas dyes na ng gabi, mulat na mulat pa din ang mata ko. Usually kapag umuuwi ako, puro tulog lang ang ginagawa ko maghapon pagkagaling sa mahabang byahe. Ngayon, tila bang nakalaklak ako ng matapang na kape at masyadong active pa ang utak ko. Pagkatapos ng pag amin ni Diego sa nararamdaman niya. Ngpasya akong magrequest ng Vacation Leave kay Ms.Gie. Pinaalam ko na may aattendan lang akong program ni Chloe. So, she granted me a 3-day leave from Wednesday to Friday. Hindi mahirap kausap si Ms.Gie lalo na when it comes to family matter kasi isa din siyang pamilyada. Sasamantalahin ko na hanggang linggo. Kung mapapasobra pa eh baka magpawork from home ako the whole week next week. Para masulit ko ang uwi ko. Di ko namalayan at sa wakas nakatulog na din ako... "Kape?". Alok ni lola ng gawa niyang rice coffee. Ito ang bumungad sa akin paglabas ko ng kwarto. Ang sarap ng aroma. Nagmana ako sa Lola kong mahilig sa kape. Agad naman akong napangiti at binuhos ko ang mainit init pang kape sa aking tasa. "Hay, namiss ko 'to La" sambit ko na may pagkasabik. Actually, every three months ata ako nagbabakasyon sa probinsya. Bukod sa sobrang layo ay minsan talagang nawawalan ako ng oras dahil sa sobrang pagkabusy sa work. "La, thank you ha?" Paglambing kong ganun kay Lola. Sobrang grateful ako kay Lola noon pa man. Siya ang nagpalaki sakin pagkatapos mangamuhan ang Nanay ko sa ibang bansa at di na nakabalik sa di malaman laman nq dahilan hanggang ngayon. May munting karinderya si Lola, mahilig itong magluto ng mga lutong bahay na ulam. Pati na din ang mga kakanin at iba pang meryenda. Infairness, sa edad na 72 anyos ay malakas pa din siya gawa ng pagiging active niya sa pag-aasikaso sa amin. "Kamusta ka naman apo?" Lambing din niyang tanong. "Okay na okay naman La". "Lagi pa ding busy sa work - araw araw" eksaherada kong sabi sabay ngiti. "Hmmm!, sa sobrang abala mo baka napapabayaan mo na ang iyong sarili Sandra" pag alala niya. Tumagal ang kwentuhan namin ni Lola ng dalawang oras. Just like the old days! Pagkatapos ng ilang sandali ay pumasok na din si Chloe sa school. Si Lola naman nagtungo na siya sa kaniya karinderya na malapit lang sa lugar namin. Mag-isa na ako sa bahay. Medyo naboboring! Sanay kasi ako na araw araw ngtatrabaho. Para akong magkakasakit pag di ko ginawa ito. Kaya bibihira lang din ako magrequest ng mahabang leaves. Mangyaring tatangkain ko sanang magbukas ng laptop, binawi ko agad ito dahil naisip ko baka makita ang status ko sa teams as available. "Hays!, No Sandra! On leave ka kaya magrelax ka" aniya ko sa sarili. Tumambay ako sa may likod ng bahay. Maganda talaga ang view dito. Kitang kita ang mga bundok. At ang hangin, sobrang presko. Nakatingin ako sa malayo at iniisip ko pa din si Diego. Namimiss ko siya. Sabay tingin sa cellphone na naka-off. Natetempt akong i-on ito para magcheck sana ng message. Malamang baka inulan na ako nito ng mensahe. I am still undecided. Gulong gulo ang utak ko. Okay naman ako sa buhay ko dati eh. Walang nangungulit. Kaya lang, boyfriend material naman itong si Diego. Hay Sandra! Ano ba itong pinasok mo. Wala akong kongkretong desisyon sa ngayon. Iniisip ko pa din ang sitwasyon namin ni Diego. Magresign nalang kaya ako? Sambit ko sa sarili. Ay no! May naghihintay na promotion sa akin in two months. Pagkatapos ng ilang sandali, naghanap ako ng pagkakaabahalan ko. Agad akong naligo at nag ayos saka nagtungo sa karinderya ni Lola. Ito naman ang lagi kong ginagawa noon. Ang tulungan si Lola pag wala akong klase.. Habang nasa bakasyon, iniwasan kong mag-open ng laptop para makapagfocus ako sa kanila. Nabalitaan din nila Mika na nakabakasyon ako. Kababata ko siya. Matagal na niya akong niyaya lumabas at magbonding. Ako naman, todo reject. Parang wala ako sa mood makipagsocialize for now. Kasi gusto kong magrelax lang...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD