Diego's POV-- "Ha? Ginalaw mo pre?" Napalingon sa akin si Eric nang banggitin kong may nangyari sa amin ni Reena ng dalawang beses. Halatang hindi siya makapaniwala dahil alam niya na simulat sapul ay hindi ako nagkagusto kay Reena. Alam na alam niya yun sapagkat pinagtapat ko na sa kaniya noong una pa lang ang aking kalagayan na napilit akong iengaged kay Reena. Alam niya ang buong kwento ko, kaya nang marinig niya ang aking kwento ay agad itong nagduda. Niyaya ko si Eric na mag inom sapagkat gusto kong maglabas ng sama ng loob ngayong gabi. Marahil ito na ang huling pagkakataon para ilabas ko ang lahat ang sama ng loob na dinadala ko. Tila sasabog na ang aking dibdib dahil sa patong patong na problema na aking kinakaharap. Pagkatapos naming magsagutan ni Tita Karla ay agad kong tinawa

