Third Person's POV-- "Tagay mo na mang Osias!" Nag inuman si osias at Diego sa bakuran. Nakita ni Mang Osias na nakatulala at malalim ang iniisip ni Diego habang nakaupo ito sa papag sa may bakuran. Alam niyang may bumabagabak sa isipian nito. Hindi siya nag dalawang isip na alukin ito ng inuman nang sa ganon ay mailabas niya ang kaniyang saloobin. Tamang tama at may nakaimbak itong Lambanog. Sariling gawa ito ng taga Quezon mula sa bulaklak ng niyog. Kaya ito din ay tinawag nilang Coconut Vodka. Mag aalas otso na ng gabi nang sinimulan nilang mag inom. Saktong kakatapos lang nila maghapunan. Unang beses nakatikim ng gantong alak si Diego. "Grabe para din pa lang alak ito Mang Osias. Medyo malakas din pala ang tama nito" sambit ni Diego na namamangha pa din sa natikman. "Alak nga

