Third Person's POV 1 Month Ago... "Why my head is aching?" Sambit ni Reena sa kaniyang sarili na tila may nararamdaman itong pagkirot sa magkabilang gilid ng noo niya. Hindi naman ito nag inom kagabi subalit parang may hang over siya this morning. Sa katunayan ay kumpleto din naman ito sa tulog kaya hindi siya puyat. Sabado ng umaga at nagising si Reena ng mga bandang alas dyes. Namamalagi ito sa isang fully furnished 2 bedroom condo sa Alabang. Nagpasya siyang mag solo living pagkatapos niyang grumaduate sa college nang sa ganon ay magawa niya ang gusto niyang gawin. Unica Ija siya ng mayamang retired seafarer captain at nagmamay ari ng ibat ibang convenience stores na si Leonardo Tiongco at ang mayamang kabiyak nitong si Ysabelle Tiongco. May dugo silang Chinese kaya magaling sil

