Nagbabalak akong magsick leave lunes na lunes.
Ano kaya ang ire-reason out ko? Pagkatapos ng lahat ng pangyayari sa weekend, wala akong mukhang maihaharap lalo na't nasa iisang team lang kami ni Diego.
Nakailang text at missed calls siya pagkatapos niya ako ihatid sa bording house. Ngunit ni isa ay wala akong nireplyan. Wala akong balak ipagpatuloy ang anumang nangyari sa aming dalawa. Tama na ang ilang sandaling kaligayahan. Sanay naman na akong mag isa lang at walang iniintindi kundi work, promotion, at ang aking lola't anak sa probinsya.
Pero hindi pa din mabura sa isipan ko yung feeling. Grabe!.. Napapangiti ako mag isa at naiimagine ko pa din ang mga makamundong pinaggagagawa namin.
Hays, Sandra! Tama na ang kahibangan mo. Aniya ko sa sarili.
Makaligo na nga!.. Pagkatapos ng isang oras, bumyahe na ako papasok ng office.
Mag-aalas otso na nang makarating ako sa office. 9AM ang oras ng shift ko. Usually dumadating ako sa office ng pasado alas syete. Sinasadya ko talagang mag maaga para mas mamanage ko ang work ko the whole day. Dito na din ako nagkakape at ako lagi ang pinakamaaga sa team. Never pa akong nalate at never pang may nakauna sa akin sa pagpasok. Kaya binansagan akong taga-open ng office and I"m really used to
It.
Nang marating ko na ang aking work station, laking gulat ko nang may nadatnan akong starbucks hot coffee sa table ko at may nakasulat na "Sands" na may heart sa dulo. Pagkapa ko mejo mainit init pa. Halatang kakalagay lang not later than 10 minutes. And surprisingly, ito ang paborito ko sa menu ni SB; ang Hot white chocolate mocha.
Dali dali kong nilingon ang paligid ngunit wala pa ni isa sa team ang pumapasok.
Then my phone beep.. isang sms message from unknown number saying "nandito lang ako sa parking sands, gusto mo magbreakfast nearby?. Maaga pa naman"..
Alam ko na agad na si Diego ito. Pero ang nakapagtataka saan niya nakuha ang mobile number ko? Sa messenger lang naman ang communication namin with the team. Hmmmp!
Pagkatapos ng ilang minuto, nagtext ulit siya ng "else, mgtake out na lang ako kain tayo jan sa pantry? Hehehe"
Hindi ko alam kung maiinis ako, kakabahan or matutuwa sa mga oras na 'to. He is bluffing me. Com'on Sandra!
Kapag kakain sa labas, so iisipin niya ineentertain ko siya. Pag kakain naman mismo sa office, mas malala naman ang sitwasyon. So what now?!Wahhhh Sandra! Ano ba kasi tong pinasok mong babaita ka.
Sa inis ko nirepyan ko sya ng "LEAVE ME ALONE!!!" dahil ayaw kong pumili sa kahit anong gusto niya.
Nilagay ko na sa bag ang cellphone ko at flinight mode ko pa.
And I start working. Pagkatapos ng mahigit isang oras, nagsidatingan na din ang iba kong ka-team. Saktong papasimula na ang aming shift.
Isa isa na din ang mga naha-hi hello.
Nasa pinakadulo akong cubicle. Katabi ko si Lanie; isang momshie din na may dalawang anak. Siya ang pinakaclose ko sa team. Maingay siya sakto sa tandem namin na extrovert and introvert.
To be honest, I prefer to be kind of isolated.
Yeah I know, introvert nga. I seldom eat lunch together with the team. Nasanay na. I just don't feel chatting. And I am not good with a small talk either.
Kahit nga si Diego bibihira lang kami mag interact, kapag may icocoordinate lang.
Pagkalipas ng ilang sandali, may dumaan sa likod ko sabay sabing "hey boss!". Kilala ko ang boses. Nagmaang mangan na lang ako. Hindi ko siya nilingon. Binaling ko ang focus ko sa monitor at nagpatuloy sa work.
Then here comes the Lunch time... Hindi na talaga ako niyayaya ni Lanie mag lunch kasi lagi ko naman siya tinatanggihan. I seldom took a lunch break din kasi mas gusto kong nakamudmod lang sa trabaho.
Sa mga oras na iyon, ako ang nagyaya kay Lanie ng Lunch. Ito lang ang chance para makaiwas ako sa pangungulit nung isa.
"San ka maglunch mommy, sama ako".. alok ko.
"Aba! Himala".. "are you sick" biro ni Lanie sabay tawa.
"Miss lang kita kasabay kumain no" lambing kong ganon.
Nawala sa isip ko na minsan magkakasama sila nila Diego kumain sa baba. May kinakainan silang karinderya malapit sa office.
"Tara Diego kain" sabi ni Lanie kay Diego nang dumaan kami sa tapat niya.
Di ko siya nililingon. Syempre sasama ito!.. sa isip isip ko. At sumama nga!
"Game! Saan sa dati?" Tanong niya.
"Kaso baka di naman kumakain si Sandra dun" tanong niya ulit.
Nag iisip na ako ng idadahilan para umatras. Girl, It's a wrong move! Aniya ko sa sarili. Hindi na ako nakapalag nang agad na hinawakan ni Lanie ang kamay ko sabay lakad.
Kita sa mukha ni Diego ang saya na para bang nagtagumpay. Samantalang patay malisya nalang ako at chinika si Lanie habang naglalakad kami patungo sa karinderya.
Tatlo kami sa table.. Magkatabi kami syempre ni Lanie.
Habang nag oorder si Lanie. Tatangkain ko sanang tumayo at magCR nang mag initiate ng conversation tong si Diego.
"Masarap ang luto nila dito, lalo yung caldereta paborito ko yon" panimula niya na may halong ngiti. Ngiti na halos matunaw na ako. Shocksss!
Tumango lang ako ng bahagya sabay baling ng tingin sa cellphone ko para di na masundan ang convo.
Maya maya habang wala pa si Lanie sa upuan, hinawakan nya bigla ang kamay kong isa. Nagulat ako at agad ko itong binawi at iniwas.
Di ako makapagsalita sa kaba, kaya ang ginawa ko lumayo ako ng konti.
Halatang napahiya si Diego na para bang nakaramdam ng lungkot.
"Excuse me".. sabi ko sabay tayo papunta kay Lanie upang tulungan itong hawakan ang pagkain na inorder namin.
Habang kumakain kaming tatlo, hindi pa din mawala sa isipan ko ang naging reaksyon ni Diego kanina sa biglaan kong pag ilag. Yung tipong gusto kong bumawi sa kaniya ngunit nagpipigil ako sa kagagahan ko.
Hanggang sa bumalik na kami sa office nang hindi pa din siya kumikibo.
Madaldal si Diego kapag magkasama sila ni Lanie or kaya nang iba naming ka-team. Sa mga oras lang yon ko siya nakitang seryoso.