Chapter 5. Lanie Knows

891 Words
Sa ramdom moment sa office habang busy kami ni Lanie. Lumapit siya ng upo sakin sabay bulong. "Girl, kayo ba ni D?". Nagpantig ang aking pandinig sa narinig kon iyon. Na para bang may bumagsak na eroplano sa tapat ko. Agad agad akong namula at na-tense. Ang inaasahan ko ay isang work related question. Ako ang naging buddy or back up ni Lanie sa team. Although, mas nauna siya sakin ng tatlong taon sa company. "Oh bawal magdeny, kabisado na kita". Pasunod na pabulong niya. Na kulang na lang ay kurutin niya ako sa tagiliran. "Mi, you know?" Tanong kong may pag aalinlangan. "Hmmm! Pero wala kaming label". Pagkumpirma ko. "Ay! Finally! Lumandi din ang gaga!" Malakas niyang sabi sabay halaklak. Tumayo at pumalakpak pa nga ang babaita. Agad ko siyang inawat at kinuyog paupo. "Shhhh! Ang ingay mo mi, rinig ka na sa buong floor". pag-awat ko. "Mare, sa tagal tagal na nating magkasama never kita nakitaan ng kalandian".. masaya niyang pabulong ulit. "Pero wait! Aware ka naman di ba?" pagkumpirma niya. Hindi ko alam kung ano ang gustong tumbukin ni Lanie. About what? About Diego's status?. First of all, hindi naman kami. Pangalawa, nagsabi ba siya? Umamin ba siya? Oh wait! Chukchakan lang pala. Walang kayo Sandra! Aniya ko sa sarili. "Hmmm!" Pabuntong hininga kong sagot kay Lanie. "Hayaan mo na! Hindi kami, walang namamagitan samin". Pagkumpirma ko sa kaniya. "Ano yan girl? f**k buddy lang ganern!" Kantyaw niya sakin. Hindi na ako umimik sa pagkasabing ganon ni Lanie. Para akong nahimasmasan sa pagkakadinig ko. Para akong sinabuyan ng nagyeyelong tubig. Gising na gising na! Pagkatapos nang ilang sandali ay pinutol na namin ang conversation at bumalik na sa kaniya kaniyang work. Hindi pa din mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Lanie. I know she's in favor. But, it can't be. Maya maya ay ngchat na sa teams itong si D. "Sabay tayo uwi!" Sabi niya. Agad kong nireplyan ng "Nope, uuwi ako sa Probinsya". Palusot kong ganon. "Eh di hatid na kita" mensahe niya ulit. Seriously? Nasabi ko lang iyon para maiwasan ko siya. Mukhang seseryosohin na naman ng loko. Minarked at unread ko ang message niya sabay update ng status to DND (Do not disturb). Nahalata ni Lanie ang naging reaksyon ko at ngumingiti ngiti lang siya na para bang nang iinsulto. Laking gulat ko nang biglang lumapit itong si D sa station namin ni Lanie. Nakatayo na pala siya sa likod. "Uy Diego, ano sa'tin?" Sambit ni Lanie sa kaniya, "Ah wala nag-uubos oras lang malapit na end of shift" sagot niya. Eto na naman at bakit natetense na naman ako. Hindi naman ako ang kinakausap niya. Nag-chikahan na sila ni Lanie hanggang uwian. Isasadiya kong magpalate ng uwi nang hindi niya ako antayin. Nang mapansin kong nag ansibalutan na sila pauwi. Binilisan ko na din ang paggayak at nagpaalam na ako kay Ms.Gie. Dadaan ako sa fire exit then lalabas ako sa 2nd Floor which is connected palabas patungong grocery store sa building ng office. This is the best way para matakasan ko siya. Paglabas ko sa grocery store.. "Hayyy! Salamat" na para ba akong nakatakas sa kulungan. Away from Diego. This is the best feeling ever. Maya maya ay sumakay na ako ng jeep. Dalawang sakay ako pauwi sa bording house. Minsan kapag ramdam ko ang pagod ko nagbobook ako ng angkas para mas mabilis. Di na ako ngcheck ng phone. Ayaw kong mabasa ng message. It's about to 8PM nang makarating ako ng bording house. Dumaan pa kasi ako saglit sa drug store kasi medyo masakit ang ulo ko. Pagbukas ko ng gate, may bumusinang blue pick-up. Hindi ko ito pinansin agad dahil baka napadaan lang at patuloy akong pumasok sa loob. Hindi naman siguro si D yon. Black na SUV ang sasakyan niya. Aniya ko sa sarili. After a while, tumunog ang cellphone ko. Hinanap ko ito sa bag at nakita ko agad sa notification ang message ni Diego. "Sands, labas ka pls!". Oh why! Akala ko natakasan ko na siya. Agad akong lumabas at nakita ko ang blue na pick-up. Nang mapansin niyang nasa labas na ako. Agad siyang nagmessage "come! Get inside the car". Then nagbukas siya ng ilaw na tamang kita ko saglit ang mukha niya. Naglakad ako patungo sa sasakyan at binuksan ang kaniyang pinto tsaka naupo sa tabi niya. "Di ba I told you na wag na wag mo akong pupuntahan dito?" Sabi ko na medyo pagalit. "I know, sino bang tumakas?" Sagot niya. "Been trying to call you para ihatid sana" paliwanag niya. Then maya maya nilakasan ko ang loob ko at kinumpronta ko siya. "Hindi naman tayo dba?". Sabi ko. "Tsaka may alam na si Lanie" sambit ko ulit. "And so what kung alam niya, edi totohanin na natin". matapang niyang sagot. "Gusto kita Sandra!" Sambit niya. "I think I'm already fallen" mahina niyang sabi sabay yuko. I"m so speechless at this moment. I don't know how to react. Do I need to answer him back? Oh girl, come'on. Nakatulala lang ako sa harapan ng bigla niyang linapit ang mukha niya sakin sabay kiss sa pisngi ko. "I know you're not ready for this". "It's okay if you won't answer me back". "Bsta nasabi ko na ang feelings ko sayo Sands, sapat na yun" palinawag nito. "Makakatulog na ako ng mahimbing" pabiro nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD