Para akong sinaksak ng sampung beses sa dibdib ng marinig ko ang masamang balita na galing kay Gie. Tila binagsakan ako ng langit kung kaya feeling ko ay parang gumuho na ang aking mundo. Mabilis na dumaloy ang aking luha mula sa aking mga mata. Nag init ang buo kong katawan at agad na nanlumo ang aking mga tuhod. "Gie, balik na ako sa loob. Tawagan na lang kita ha. Bye" mabilis kong paalam kay Gie kasabay nang pagpigil ko sa aking pag iyak. Nawalan na ako ng focus at ganang bumalik sa trabaho. Gusto ko na sanang umuwi ng boarding house para doon humagulgol ngunit hindi ito maaari. Bumalik ako sa aking pwesto ng may bakas ng kalungkutan at lumbay. Sumisinghot singhot dahil sa katatapos ko lang binuhos ang ang pag iyak. "Ma-ma'am okay lang po kayo?" Tanong ni Dom nang mapansin niya ang

