Tita Karla's POV "Sabel. Amiga! Kamusta?" Sinalubong ko ng beso beso si Ysabel na ina ni Reena. "Karla, Hi! All good Amiga. All good. See? Nangyayari na ang matagal nating pinakahihintay - ang pagkakaisang dibdib ng aming Unica Ija at ang iyong tagapagmana na si Diego" tugon ni Ysabel tsaka niya kami sinamahan maglakad papasok sa kanilang sala. Araw ng pormal na papamanhikan namin ngayon sa mga Tiongco. Dito na pag uusapan ang magiging detalye ng kanilang kasal at iba pang kakailangan sa kanilang pagkaka isang dibdib. Nakasabit ang aking kanang kamay sa siko ni Diego habang naglalakad kami ng dahan dahan patungong sala. "Wala ka bang mas magandang suit? Hindi ka man lang naghanda para sa mga magiging byenan mo. Look at you!" Mahinang wika ko kay Diego na parang gusto ko itong kurutin

