My phone beep... Isang sms message mula sa unknown number. "Can we talk?" Nakasaad dito. Ilang sandali ay may sumunod na mensahe sa parehong numero "This is Tita Karla, I'll see you at Alejandro Cafe near you at 7pm sharp". Saad pa nito. Ang Alejandro Cafe ay malapit at pwede lakarin from the office. Isang sosyal na lugar na kahit ako ay hindi ko pa ito nasusubukan. Damn! Sa awra ng Tita niya nung nakaraan ay parang hindi ko gugustuhin ang mangyayari kapag nagkita kami mamaya. Inaanticipate ko na baka maliitin niya ako or what... I am still undecided. Dalawang oras na lang ay mag uuwian na. I was also thinking about Diego dahil hatid sundo ako nito. Ano kaya ang idadahilan ko kung magkikipagkita ako sa Tita Karla niya. Nag aalangan din akong ipaalam sa kaniya at baka lalo lang sila

