"Girl, you might wanna drop me off at Diego's Condo, can you?" Pautal utal na pakiusap ni Reena kay Amber. Dinala ni Amber ang kaniyang personal driver sapagkat sigurado itong hindi na naman niya maiuuwi ang kaniyang sarili. Magkatabi sila sa sasakyan na pareho nang medyo magulo ang buhok. Pareho silang nakasuot ng napaka ikling mini skirt at ang mga pantaas ng mga ito ay halos lumuwa na ang kanilang mga dibdib. Sa totoo niyan ay halos magkasing ugali itong si Amber at Reena. Pareho ding mga lumaki sa US. Mahilig silang magparty party. "You sure, Girl?" Tanong ni Amber na nakasandal na sa kaniyang balikat. Tinapik niya ang kaniyang personal driver sa kaniyang kanang balikat. "Manong, sa The Hive please" aniya. "Okay po, Ma'am" agad namang tugon ni manong driver. Ibinaba nila si Reena

