"How you holding up, Sandra?" Tanong ni Ms.Gie. Schedule ng one on one namin ngayon. Ewan ko basta na lang siya ng send ng invite at short notice pa ito. Nasa loob kami ng kaniyang silid. Ibinaba niya ang kaniyang window blinds na nakaharap sa production floor. Ginagawa niya ito kung may pag uusapan kayong confidential. Kaya medyo masama na naman ang kutob ko. "Sandra, I"ll be straight with you. I just received an incident report against you" malumanay na saad nito. "P-po?" Tanong kong napanganga pa sa gulat. Tama ba ang pagkakarinig ko? Incident report? "Immediate termination Sandra stating - having an affair with the commited man. Marereceived mo din ito pagkatapos kong iacknowledge". Dito pa lang tila gumuho na ang mundo ko. Ramdam ko ding tila hinahabol ko na ang aking paghinga su

