Hudyat

1214 Words

Flashback "Positive! Buntis ako" sambit ko sa aking sarili tsaka ako humagulgol sa loob ng rest room. Hindi ko alam kung saan ako hahawak dahil tila matutumba na ako sapagkat ramdam ko ang panlulumo ng aking mga tuhod. Para akong binagsakan ng langit sa mga oras na ito dahil ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi. Nakaharap ako sa salamin at tinitignan ko ang aking sarili. Diyos ko! Napakabata ko pa para dito. Paano ko na maipagpapatuloy ang aking mga pangarap? Paano na si Lola Agnes na sinira ko ang kaniyang tiwala? Paano ko ito palalakihin. Ni hindi pa ako nakapagsimulang magtrabaho. Kawawa naman ang Lola na magkanda ugaga na sa pagpapalaki sa akin. Ngayon dadagdagan ko pa ang kaniyang pasan. Ayaw kong magaya sa aking ina na basta na lang ako iniwan. Alam ko ang pakiramdam nang n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD