Mag one week na kami ni Diego since I officially answered him. Araw araw hatid sundo niya ako. Hindi ko naman ito hinihiling subalit napakapersistent talaga niya. During Lunch bumababa kami para kumain together at dumadayo sa karinderya. Kung hindi naman ay nagyayaya siya sa parking tuwing small breaks. Ang dating nilulunod ang sarili sa trabaho, ngayon nakakapag chill out na din kahit papaano dahil kay Diego. Naalala ko pa nung nakaraan pinagbaon niya ako ng sinigang na baboy. Sa parking kami kumain. Tuwang tuwa ako kasi paborito ko nga ito. Dinalhan din niya ako ng patis at kalamansi. Grabe kuhang kuha talaga niya ang kiliti ko. Kahapon nga bigla ba naman ako chinat ng "pinapatawag ka ni Gie sa conference room". Ako naman agad naman akong pumunta. Nang binuksan ko ang pintuan, agad

