"Kamusta naman dyan sa Australia Sandra?" Magkausap kami ni Gie sa messenger at nagkakamustahan. Ganto kami, kapag nakaalala ang kung sino man sa amin, bigla na lang kaming napapatawag. Para kaming magkapatid. Naging mas malapit na ang loob ko sa kaniya kahit malayo kami sa isat isa. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Sabi ko nga sa kaniya lagi - I wouldn't be here kung hindi dahil sa kaniya. Kaya patuloy pa din ang pasasalamat ko. "Heto okay naman, saktong pagod lang pero maayos naman ang mga kasama ko" tugon ko sa kaniya. Anim na buwan mula nang umalis ako sa pilipinas. Pagkatapos ng maraming kahaganapan ay nakatakas din ako sa gulong pinasok ko. Good thing at pinadalhan ako ni Lord ng Angels na tumulong sakin. Na-assign ako sa Quality Control department sa isang Milk Manufactu

