"Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Sandra. Nagpunta sila sa isang mahaba at wala gaanong taong kalsada. Nagtataka itong si Sandra dahil maaga niya itong sinundo. Alas kwatro yata kanina ay nasa tapat na ng bording house niya itong si Diego. Sinabi niyang gusto lang nito mag breakfast somewhere. "Tuturuan kitang magdrive ng sasakyan" tugon ni Diego na nakangiti kay Sandra. "Ha? Ano ka ba. Sure ka dyan? Mamaya mabangga ko pa tong pinakamamahal mong sasakyan eh. Wala akong pambayad" aburidong sambit niya. "Okay lang!" Matapang na hamon ni Diego. "Tsaka hindi mo naman maibabangga toh kasi madali lang naman magdrive. Ano G ka?" Tanong niya sabay kindat at nakangiti kay Sandra. "Ikaw, ang hilig hilig mo talagang mang corner. Yung tipong hindi na ako makaka hindi. Hmmmm!" Nag aalangan at

