Flashback Natapos na ang pagsasanay namin sa Maynila at nakauwi na kaming tatlo sa probinsya. Pagkatapos nang pangyayaring iyon ay agad akong nag ansibalutan pauwi sa probinsya. Nagpaalam ako sa HR na hindi ko na matatapos ang huling araw dahil may emergency. Buti na lang at pumayag naman sila. Iniwan at tinakasan ko na sila Miguel at Mika at nauna na akong bumyahe pauwi ng probinsya.... 3 weeks later... Tatlong linggo matapos ang gabing yun ay lagi akong nakakaramdam ng pagkahilo nitong nakaraang araw. Panay panay ang pagsakit ng aking ulo. Marahil siguro na din sa sunod sunod na puyat sa Maynila at ngayon lang ako nakakabawi sa tulog. Graduation na nga din pala sa susunod na linggo kaya makakabawi na din ng pahinga pagkatapos. Sa ngayon ay abala ako sa mga papers at pag aasikaso ng m

