"Dad's bring me here. Kesa daw mag mukmok ako sa kwarto ko, why not sumama ako sa kanya sa opisina? Ano namang gagawin ko dito? Pinatambay niya lang naman ako sa opisina niya, edi ganon din! Parang nag mukmok lang din ako, sa ibang kwarto lang! Tssk!" Tuloy tuloy na pag rereklamo niya.
"So, bat ka ba kasi nag mumukmok?" Kuryosong tanong ko dahil tinawagan ako ni Tita kanina at pinapadalaw sa kanila dahil hindi nga daw lumalabas ng kwarto si Cath at baka daw pag nalaman na andon ako ay lumabas.
"Selos." Tuluyan na akong napabaling sa kanya.
Nag palinga linga pa ako sa paligid para tignan kung may nakatingin ba sa amin lalo na yung Head. Pero nakita ko naman na sarado ang opisina niya kaya kinausap ko na si Cath.
"Nag seselos ka, kaya ka nag mumukmok?" Tumango naman siya habang nakaiwas ang tingin sa'kin. Nahihiya. "Sino naman yang pinagseselosan mo?"
Pasiring niya naman akong tinignan. "Mga babae niya. Te, isipin mo 'to ah? Natural ba na hindi ka niya mailagay sa story niya pero yung mga past girls niya na ilalagay niya? Kesyo he wants private relationship daw. Okay, private relationship. Sa sobrang private itinatanggi niya na ako. Samantalang noon, pinagmalaki niya pa Ex- Girlfriend niya sa kakilala ko. Like what the hell? Joke ba 'to? Mukha ba akong joke?" Hindi talaga siya maaawat sa pagsasalita once na naiinis siya at gusto niyang mag reklamo.
"Bakit ka naman magiging joke...binato kaba ng comedian?" Nawalan naman ng emosyon ang buong mukha niya at tinitigan ako na para bang isa akong malaking tanga bago bumuntong hininga at winagayway ang kamay sa harapan ko.
"By the way... Pa seminar nga ako, pano di maging selosa? Wala ka pang na kwekwento sa'kin na malaking away niyo ng shota mo na 'yan o kahit na pinagseselosan mong babae, wala." Nagmamalaki ko naman siyang nginitian dahilan para masira mood niya.
Ngumisi pa ako na nag yayabang para mas mainis siya bago sumagot. "Boyfriend hindi shota, di ko naman siya pinulot sa lansangan. Pero...bakit ako mag seselos kung laging may assurance? Tsaka every time na may pupuntahan siya he always updating me about sa whereabouts niy—" nahinto naman ako sa pag sasalita ng tumunog ang phone ko dahil sa pumasok na text. "Oh! Like this oh!" Pakita ko sa kanya sa message ni Ali sa akin.
" 'Hey love, I'm just here in my office. Katatapos lang ng meeting namin about sa aksidente sa site kanina. Me and Mr. Cruz, our company attorney will have another meeting. Eat your lunch, okay? I love you, My Only'... Oh edi sana lahat! Ikaw na swerte sa jowa! Share your luck naman diyan! Dasal reveal, te!" Mapait na pagkakabasa niya sa message at medyo napalakas ang pagkakabasa niya dahil naiinis na talaga siya kaya may mga kalapit na mesa na napabaling sa'ming dalawa.
"Ano lang te, ulit ulitin mo lang ng anim na beses Ama namin remix. Anim na beses na kordero ng diyos bass boosted." Pareho naman kaming natawa.
"Gago ka! Minus points na naman tayo sa langit!"
"May points paba tayo sa langit?" Natigilan naman siya at nagkunwaring nag iisip.
"Meron pa nga ba?" Tanong niya sa akin.
Naiiling ko na lang na binalingan ang trinatrabaho ko dahil biglang bumukas yung pinto ng opisina ng Head namin.
Hindi talaga ako sigurado kung may points pa kami sa langit. Sa dami ng mga loko at makasalanan na bagay na nasabi at nagawa namin tuwing mag kasama kaming dalawa, sa tingin ko ay naubos na. Pero sabi nag papatawad daw ang diyos. Napatawad niya naman siguro kami...
Nagpatuloy ako sa pagtratrabaho habang dumadada ang babaeng nasa tabi ko hanggang sa lumapit sa amin ang secretary ng Daddy niya para sabihin na pinapatawag siya ni tito sa opisina niya. Narinig ko pa ang may inis na buntong hininga niya bago sumunod.
Hindi naman nag tagal at ako ang sunod na pinatawag ni Mr. Zuñiga sa opisina niya.
Binuksan ng sekretarya niya ang pinto para sa'kin. Tipid ko naman siyang nginitian bago pumasok. Ngumiti din ako kay Tito bago tumabi ng tayo sa anak niya sa harap ng mesa niya.
"Pinapatawag niyo daw po ako?" Tumango si tito at sumandal sa likod ng upuan niya.
"Pwede mo ba siyang samahan, Kerley?" Napatingin naman ako kay Cath na tahimik lang na nakatingin sa papa niya, mukhang wala siyang balak na salubungin ang tingin ko kaya bumaling ulit ako kay Tito.
"Saan po? May trabaho pa po akong kailangan gawin, Sir." Bumuntong hininga siya bago mag salong baba sa ibabaw ng mesa niya.
"Ipapaalam ko sa Head niyo na pina early out kita." Tumango ako at pasimpleng tumingin sa gilid ko ng marinig ang mahinang yes ng babaeng 'to.
"Ano pu ba gagawin, sir? Saan ko po sasamahan si Miss Cathereina?" I emphasized her name para matuto siyang makaramdam.
"Just go with her and bring her home at exactly ten o'clock."
Marami pang ibinilin si tito sa'kin bago niya ako palabasin sa opisina niya. Nauna si Cath na pinalabas kaya nakita ko na siya sa Table ko at bitbit na ang bag ko.
Nang matanaw niya ako ay agad agad siyang lumapit sa'kin at hinatak ako pasakay sa elevator.
"Saan mo ba kasi balak mag punta?" Kuryosong tanong ko paglabas namin sa elevator at dumeretso sa kotse niya.
"Hindi ko rin alam. Basta gusto ko lang makaalis sa gusaling 'to." Sagot niya sabay bukas ng pinto ng kotse niya at inutusan akong pumasok.
Ginawa ko na lang at hinayaan siyang dalhin ako kung saan.
Huminto kami sa tapat ng isang kilalang mall. Mukhang mapapagastos ako ngayong araw dahil sa babaeng 'to.
Sumunod lang ako sa kanya papasok. Sakto namang sa entrance pa lang ay may namimigay na ng kung anong flier. Kahit hindi naman ako interesado ay tinanggap ko 'yon, ganon din naman si Cath.
"Buti naman at natuto ka ng tumanggap ng mga ganyan kahit hindi mo naman kakailanganin." Sabi ko.
"Hmm-mm... Nalaman ko kasi sa isa sa member ng Pinoy Boy Group dito sa pinas na sabi niya dapat tinatanggap 'yung mga ganon, kasi pag naubos na nila 'yon, makakauwi na sila. Simpleng tulong na lang 'yon." Sabay ngiti niya sa akin bago ako hatakin papasok sa isa sa boutique.
Nag simula na siyang mag ikot sa loob ng boutique na 'yon. Nanatili akong nakatayo at pinapanood lang siya. Alam kong si Pablo ng SB19 ang tinutukoy niya don. Kailan pa siya nanood ng mga videos ng mga boy band? As far as I know she hates Boy bands, huh? Kahit k-pop nga ay inaayawan niya, pinoy-pop pa kaya?
"Why looking at me like that?" Hindi ko na pansin na nakapag bayad na pala siya at nakalapit na pabalik sa akin.
"Do you like boy band now?" Wala sa sariling tanong ko pero hindi ko naman pinag sisihan.
"No. But I like K-Dramas now. Ahh... Alam ko na bat mo na tanong 'yan! Nasabi ko lang naman 'yon kanina kasi naalala ko 'yon tsaka napanood ko lang 'yung video na 'yon sa t****k kaya nalaman ko." Nakinig lang ako sa kanya at hindi na nag komento at nauna ng lumabas sa boutique na 'yon.
Naglakad lakad lang kami sa Mall at mag hahatakan kapag may shop na gustong pasukin pero mas maraming hatak ang nagawa niya sa akin dahil mas marami siyang gustong pasukin. Sa mga pinasukan niya ay may binili talaga siya. Ayaw niya kasi na may papasukan siyang store tapos wala siyang ilalabasa na product nila kaya lagi siyang maraming nabibili.
Huli naman naming pinasukan ang make up store. Alam kong tiwala na siya sa mga product dito kaya sa tuwing mamimili siya ng mga pang kolarete niya ay dito niya ako niyayaya kapag nasa pinas siya.
Wala sana akong balak na mamili dahil marami pa naman ako sa bahay pero pinilit niya ako kesa naman daw mag mukha akong tanga na nakatayo lang sa tabi niya at pinapanood lang siya. Kaya nag libot na rin ako at namili ng gusto ko at binayaran 'yon.
Nag punta na rin sa counter si Cath para mag bayad pero iniwan niya 'yon doon at may pinuntahan. Mukhang may nakalimutan. Kaso napansin ko na tapos na i total ng cashier ang mga pinamili niya pero hindi pa siya bumabalik.
Napalinga linga naman ako para hanapin siya. At nang matanaw siya ay sinenyasan ko siyang lumapit.
"Oh! Sorry! Here." Pag hingi niya ng tawad sa babae dahil inaantay siya nito kanina pa na bumalik tumitingin na nga sa akin kanina na para bang gusto niyang ako na ang mag bayad non.
Nauna namang mag lakad palabas si Cath kaya nag karoon ako ng pagkakataon na pag masdan siya. Parang bigla siya nawala sa sarili niya. Tulala siyang nag lalakad papunta sa exit ng store na 'to. Tinitigan ko lang siya hanggang sa may napansin akong hawak hawak niya.
Sinabayan ko siya sa paglalakad niya bago hawakan ang braso niya para patigilin sa pag lalakad at bumulong sa kanya. "Hoy girl! Ano yang hawak mo? Binayaran mo ba 'yan?"
Napatingin naman siya sa kamay niya na may hawak hawak na Lipstick. Mukhang pati siya ay hindi alam na hawak hawak niya 'yon kaya inilapag niya na lang 'yon sa nakita niyang lalagyan sa loob ng store na 'yon bago ako hatakin palabas.
"Akala ko nanakawin mo e. Iiwan sana kita kase baka idamay mo pa ako. Bat mo ba kasi hawak hawak 'yon? At mukhang nawala pa sa isip mo na hawak mo 'yon ah?" Natatawang saad ko bago maupo sa kaharap ng upuan niya dito sa resto na napili niyang kakainan namin.
"Nawala talaga sa isip ko." Saad niya bago mapasuklay sa buhok niya. "May nakita kasi ako sa loob ng store na 'yon kaya nag tago ako. Nung tinawag mo ko para lumapit doon, nag mamadali ako na nakalimutan ko na na may hawak pala ako." Nakinig lang naman ako sa kanya at hindi muna inatupag ang pagpili ng pagkain.
"Sino naman yung nakita mo?" Nakita ko naman ang pagdadalawang isip sa mga mata niya ng sinalubong niya ang tingin ko.
Napaiwas muna siya bago mapabuntong hininga. Hindi na ako nag expect na sasabihin niya sa akin kung sino 'yon, pero may hinala naman na ako kung sino.
"Tawagin na lang natin siya sa pangalan na Hayop." Napangisi naman ako kasabay ng pag angat ng dalawang kilay ko at muling nakinig sa kanya. "Yung hayop na 'yon, mas kasama ring isa pang hayop. Kaya pala hindi ako ma ipost sa social media dahil dalawa kami...hindi...hindi ako sigurado kung dalawa nga lang kami." Sabi ko na nga ba.
Magaan naman kasi ang mood niya kanina nung dalawa lang kami sa loob ng store na 'yon pero ng pumasok yung dalawang mag kalampungan ay don siya nagsimulang lumutang at mawala sa sarili.
"You should break up with him now." Nakipagtitigan siya sa akin. "Hindi mo kaya? Ang alam ko malas ka sa pag ibig pero wag ka naman ng mag pakatanga. You can't?" Nakita ko ang pag kuyom ng kamao niyang nakapatong sa lamesa namin kaya mas ginanahan ako na demonyohin siya.
"Do it now, Cath. Habang nakikipag date siya sa babaeng 'yon. You know... I know that girl. Hindi gaanong kilala ang pamilyang kinabibilangan niya kaya sigurado ako na big catch ka para don sa lalaki. Once you break up with him now... Siguradong ma momoblema 'yon dahil mawawala ka. Nakalaya kana sa hayop, nasira mo pa araw niya." Hindi sa minamaliit ko yung babae na kasama nung Hayop. Kailangan ko lang talagang gisingin ang utak nito para makapag desisyon ng maayos.
Mukhang epiktibo naman dahil wala ng pagdadalawang isip sa mga mata niya at agad agad na tinawagan ang lalaki na 'yon. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagpili sa menu pero ang pandinig ay nasa kanya. Hindi ko man marinig ang sinasabi ng lalaki pero sa sagutan ni Cath may hinala na ako kung ano man ang isinasagot ng lalaki sa kabilang linya.
Natapos din naman 'yon at nakapikit pa na humugot ng malalim na hininga si Cath bago umorder ng pagkain niya. Hindi naman kami naging tahimik sa pag kain dahil nag lalabas siya ng sama ng loob niya. Nag aya pa siyang uminom pero sabi ko ay hindi na pwede dahil kailangan ko siyang maiuwi ng alas diyes ng gabi dahil kung hindi alam kong ipapahanap kami agad agad ni Tito sa mga tauhan niya.
Pero mapilit siya kaya umorder siya ng isang bote ng wine. Uubusin lang daw namin 'yon tapos uuwi na. Mabuti na lang at hindi kami tinamaan dahil wine nga lang iyon kaya nayaya ko pa siyang mag punta sa bookstore pagtapos namin don sa resto.
Nahanap ko naman agad ang libro na gusto kong bilhin. Kaya nang balingan ko siya para sana yayain na na magbayad ay nakita kong tumitingin tingin rin siya ng mga libro. Tinanong ko siya kung bibili ba siya, nag kibit balikat lang siya pero pag dating naman sa counter ay may dalawang bitbit siyang libro.
"You think maganda to?" Tanong niya habang nasa biyahe na kami pauwi sa kanila.
Saglit ko naman siyang tinignan bago ibalik agad sa kalsada ang tingin dahil ako ang nag mamaneho.
"Oo, nabasa ko na yung isa diyan. Maganda siya, maraming lesson in life. Yung isa hindi pa, nasa shelf ko pa at nakakalimutan na basahin." Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko ang pagtango niya.
Mukhang naisipan niya lang bilhin yung libro para may pagkaabalahan ay mawala sa isipan niya yung nangyari.
Napabuntong hininga na lang ako at nag patuloy sa pagmamaneho.
Maaga ko naman siyang na iuwi sa oras na sinabi ni Tito. Gusto sana nila na mag stay ako don for this night pero hindi ako pumayag at nag pumilit na umuwi. Pero hindi sila pumayag na ako ang mag mamaneho ng sasakyan kaya hinayaan ko si Manong Carl na mag drive.
Nag paalam lang ako sa kanya at nag pasalamat ng makababa na ako sa sasakyan. Nag prisinta siya na tutulungan akong mag akyat ng mga gamit na pinamili ko pero sabi ko ay wag na, na ako na lang dahil kaya ko naman. Buti na lang at hinayaan niya ako.
Sakto namang pagbaba ko sa mesa ng mga shopping bag ay tumunog ang phone ko dahil may tumatawag. Nang tignan ko kung sino ay nakita ko ang pangalan ni Ali sa caller name kaya sinagot ko agad.
Hindi ako agad nakatugon sa binato niyang tanong matapos naming batiin at kamustahin ang isa't isa.
"Yeah... I'm with the daughter of CEO of our company 'cause his father told me to be with her today. Kaya sinamahan ko siya sa mall and we also have a dinner in that resto." Pagkwekwento ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nag sisinungaling parin ako sa kanya kahit iyon naman ang totoong rason.
[Looks like both of you already close to each other.]
"We're not that close. It's just like pinakikisamahan ko lang siya maayos 'cause iyon ang itunuro at sinabi mo sa akin." Napapikit naman ako pagkasabi ko non.
Hindi lang basta pakikisama 'yon. We know each other since Highschool and we're best of friends kaya anong we're not that close, huh?
Kailan pa ako nagsimulang maging sinungaling?
Bakit ba takot na takot akong malaman niya ang totoo?
Dahil baka iwan niya ako.
Alam kong haharapin ko balang araw lahat ng consequences ng mga naging desisyon ko. Hindi ko alam kung ano 'yon pero ang alam ko lang na oras na malaman niya lahat ng itinago ko sa kanya, lahat ng pagsisinungaling ko sa kanya...siguro iyon na ang magiging katapusan.
[Okay love, I'll hang up now. Take a rest na tayo, okay? Goodnight! Iloveyou!]