17

3348 Words
"oh bakit panget?" Tinignan ko lang naman siya habang nakikipag usap siya kung kanino sa kabilang linya. "Bakit? Ano ba meron? Ahh sige. Ihahatid ko lang si Kerley sa work. Sige sige." Sunod sunod na sagot niya sa kausap bago iyon ibaba at muling lumapit sa'kin. "Kaibigan ko. May pag uusapan daw sa bar e." Lagi siyang ganto. Every time na may tumawag bigla sa kanya habang mag kasama kami lagi niyang sinasabi sa'kin kung tungkol saan 'yon kahit hindi ako nag tatanong. Hindi naman big deal sa'kin kung di niya sasabihin kung sino o ano 'yon. As long as hindi ibang babae 'yon, goods ako don. "You should go na pala." I smiled. He just staring at me for almost a seconds bago ko siya tapikin at sabihin ulit na pumunta na siya lalo na't naihatid niya naman na ako sa company. Today was my first day to be a office worker. Hindi naman siya pumayag na siya ang unang aalis at iiwan lang ako don sa tapat. "sige na...pumasok kana. Goodluck, mahal!" He shouted ng buksan ko ang pintong babasagin sa harapan ko. Hindi ko naman pinansin ang mga taong nag pa palit palit ang tingin sa'ming dalawa dahil sa lakas ng pag kakasabi niya non dahil mukha namang baliwala lang din 'yon sa kanya. Muli ko siyang nilingon sa labas at ng matanaw na andon pa siya at nakatingin pa rin sa'kin muli ako kumaway bago pumasok sa Elevator. Pag sara ng pinto ng elevator ay don ko muling naramdaman ang kaba. Hindi ko to halos naramdaman kanina ng nasa tabi ko siya dahil paulit ulit niyang sinasabi na kaya ko at kakayanin ko. Na wala dapat akong ikatakot dahil magaling ako at ang pagkakamali sa opisina ay hindi talaga maiiwasan. Kesyo isa daw 'yon sa paraan ng pagkatuto. Naniwala naman ako sa kanya kanina dahil may punto siya, pero kahit na ganon natatakot parin akong mag kamali. Muli akong humugot ng malalim na hininga ng marinig ko ang hudyat na nasa tamang floor na ako. Pagbukas ng pinto ay abalang mga tao ang bumungad sa'kin. Lahat sila ay may kanya kanyang inaasikaso at pinag kakaabalahan. Ganto ang magiging araw araw na eksena sa lugar na 'to. Napalingon naman ako sa likod ko ng bumakas ang katabing pinto ng elevator na sinakyan ko at iniluwa non sila Tito. Agad akong sinalubong ng ngiti ni tita at sinuklian ko naman agad iyon. Ganon din si tito na kumaway pa sa'kin. "On time ha? 'yan ang gusto ko!" Turo pa sa'kin ni tito habang nakindat siya sa'kin. Natawa naman ako sa ginawa niya dahil ang energetic niya talagang tao. Siya yung tatay na siguradong mamahalin ng lahat oras na makasama at makilala nila ito. "Goodmorning po!" Bati ko sa kanilang mag asawa, bumati naman sila pabalik bago pumalakpak ng isang beses ang babaeng nasa tabi ni Tito. Sa tingin ko ay ito ang secretary niya. Mukha siyang bata at kasing edad ko lang at familiar sa'kin ang mukha niya. Pero hindi ko na napagtuunan ng pansin 'yon ng mag salita siya para ipakilala ako. "She's Kerley Dice. From this day she will work with all of you. Treat her sa paraan kung paano niyo tratuhin ang isa't isa." Tipid naman akong ngumiti sa mga taong na sa akin na ang atensyon ngayon. Mabuti na lang at nasabi sa'kin ni Ali ang kahalagahan ng pakikisama sa mga tao. Maski na rin kung paano gawin 'yon. "Ganto ah, makipag usap ka once na may gustong mag pakilala sa'yo but don't trust them agad. Be approachable lang. Mamaya may mga ipapakilala ako sa'yo. Hindi mo kailangang pilitin yung sarili mo na makasundo sila agad but don't be outsider again. I remember the first day that we met you're so anti-social. Swerte nga dahil kinausap mo ko, tinarayan naman." Natawa naman kami pareho ng maalala yung unang araw na mag kausap kami. "I already know your friends." Saad ko. "Oo nga kilala mo na sila kasi nakasama mo na sila ng halos dalawang beses ata. Pero halos wala namang nangyaring conversation sa pagitan niyo kasi iniiwasan mo sila." Nangiwi naman ako sa sinabi niya dahil alam kong totoo 'yon. Umiiwas talaga ako sa kanila dahil sobrang ingay nila at pakiramdam ko hindi naman ako dapat kasama non sa bonding nila. "Bakit gusto mong mapalapit ako sa kanila?" Kuryusong tanong ko. "Kasi gusto kong matuto kang makipaghalubilo. I don't want you to be an outsider once we start working. Maraming tao ang papasok sa buhay mo lalo na't mag uumpisa na tayong tahakin ang totoong mundo." "I can handle myself without anyone's help." May pagtanggi na agad sa boses ko. Hindi ko naman talagang kailangan ng tulong ng iba para lampasan ang mga pag subok ng buhay. Ilang beses ko ng na isalba ang sarili ko mula sa mga bagay na lumulunod sa'kin. "I know. You're so independent that sometimes na iisip ko na hindi mo kailangan. Pero kahit na! Dapat marunong ka parin makisama kasi kung hindi mas mahihirapan ka lang, mas maraming problema lang dadating." "Like what?" Hindi kumbisindo sa mga dahilan niya na tanong ko. "Once you enter at one industry if hindi mo kayang pakisamahan ang workmates mo at ilalayo mo ang sarili mo sa kanila do you think the project that assign to your department will be good without the teamwork? Pano kung may teamwork nga, tapos sila lang gumawa, hindi ka belong. Once your boss know that, 'YOU'RE FIRED!' kana agad." Umarte pa na parang boss na malakas na pag kakasabi niya sa 'you're fired.' Naiiling ko na lang siyang iniwasan ng tingin at napaisip sa mga sinabi niya. That's was also the day that I felt na in that circle of friends ay belong ako. After that in every person that we met or I met I really try my best na pakisamahan sila ng maayos dahil mas magaan pala sa pakiramdam ang pakikipag usap at hindi inilalayo ang sarili sa iba. But like what Ali said, I approach them but I don't trust them the way that I trust My Best friend and My boyfriend. Pero hindi porket mas magaan sa pakiramdam ay tama na. Kailangan ko paring lagyan ng limitasyon ang sarili ko sa pakikisama dahil hindi lahat ng pakitaan mo ng kabutihan ay kabutihan rin ang ipapakita sa'yo. Kailanman hindi nawala sa isipan ko na hindi patas ang mga tao. Nag tuloy tuloy naman ang magandang daloy ng trabaho ko. Lahat sila at magaan kausap at madaling pakisamahan, maganda din ang trato nila sa isa't isa kaya hindi naging mahirap para sa'kin na pakisamahan sila. Ilang linggo narin simula ng mag trabaho ako. Wala pa naman akong nagagawang pag kakamali dahil sinisuguro ko na maayos ang lahat ng gagawin ko. Hindi ko naman na nilingon o pinagtuunan ng pansin ng tumunog at bumukas ang pinto ng condo ko dahil sa pag pasok ng tao. Alam ko naman na si Ali 'yon dahil umalis siya kanina para mamili sa grocery dahil naubos na pala ang stuck ko ng di ko man lang napapansin. Nasa ginagawa ko lang ang paningin ko at pinapakiramdaman lang ang galaw niya. Narinig ko rin ang ilang matutunog niyang buntong hininga. Mula kanina pagbalik niya galing airport para ihatid ang isa sa mga kaibigan nila ay ganon na ang bigat ng pag buntong hininga niya. Hindi ko na inalam kung sino 'yon at hinayaan na lang siya na mag stay dito ngayong gabi tulad ng gusto niya. Natapos na lang siya mag luto ay hindi parin ako tapos sa pag gawa ng presentation para sa meeting bukas. "Love...you want some help?" Aniya pag kaupo niya rin sa blangket at sa tabi ko. "Nah. I can handle this." Tanggi ko dahil kaya ko naman talaga masyado lang talagang marami. "You sure?" Paninigurado niya pa. Tumango lang naman ako sa kanya. "The food is ready. Gusto mo dalhin ko na dito?" "Wag. Sa dinning tayo kakain." "Lalamig na 'yon kung aantayin kapang matapos. What if we eat first then rest kana, tapos ako na tatapos niyan? You need to have a enough sleep for tomorrow. Okay ba 'yon sa'yo?" Napahinga naman ako ng malalim bago tanggalin ag atensyon ko sa ginagawa at harapin na siya. "You look exhausted than me. Ako na tatapos nito, let's eat first and you go to sleep." Pagbabaliktad ko sa plano niya. Pero mukhang hindi siya sang ayon dahil rumebat pa. "Ya! Mas mukha ka kayang pagod kesa sa'kin! Look oh!" Turo niya sa mata ko. "Ang lulusog na ng eye bags mo. Hindi kana siguro nag papahinga ng maayo—" "Excuse me? Sino ba sa'tin 'tong kanina pang parang zombie gumalaw at kanina pa bumubuntong hininga?" "It's not like that! Hindi ako pagod, nag aalala ako!" "Oh ano naman 'yang ikinaaalala mo para mauntog ka sa cabinet sa kusina kanina pag ka galing mo sa airport ha?" Akala ko hindi na siya sasagot kapag pinaalala ko ang pagiging lutang niya kanina pero hindi parin pala siya mag papatalo mukhang na trigger pa siya lalo. "Eh kasi, pupunta siya ng ibang bansa! Hindi ako sigurado kung iisang bansa lang ang pupuntahan niya. Sa trabahong meron siya...maraming masamang bagay ang pwedeng mangyari sa kanya..." Natahimik naman na ako at hinayaan siya na mag salita. Kitang kita ko na nag aalala nga talaga siya. Umiigting pa ang panga niya na para bang may pumapasok sa isip niya na ikinagagalit niya. "Who is he?" Takang tanong ko. Nanatili naman ang tingin niya sa'kin ng ilang segundo bago niya 'yun bawiin at hindi na ako imikin. "Ali... Who ever he is, just trust him. Kung may iniwan siyang salita sa'yo o sa inyo panghawakan mo 'yon. Don't worry too much, he's gonna be find." "I do trust her... Sa lahat ng bagay sa mundo tiwala ang pinaka ninanais niya. Pero kahit na may tiwala ako sa kanya hindi ko maiwasan na hindi mag alala lalo na't nalayo siya sa amin..." Her... So it's a woman. I didn't know that he have a girl friends na mukhang sobrang malapit sa kanya. Well it's not a big deal. Natural lang naman na mag karoon siya ng kaibigan na babae. Hindi naman na ako sumagot at sinave na lang muna ang gawa ko bago isara ang laptop ko at tumayo. "Let's eat tapos magpahinga kana, okay?" Aya ko sa kaniya. "No. Ikaw ang magpapahinga after we eat." Napabuntong hininga naman ako bago maunang tumayo sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming pag talunan kung sino ang unang mag papahinga sa amin kaya hinayaan ko na lang siya don at nauna ng nag tungo sa kusina. Sumunod din naman siya agad. Tahimik naman kaming kumain dalawa. Walang umiimik o nag tatangkang mag salita sa'ming dalawa. "Mahal..." Basag niya sa katahimikan. "Hmmm?" "What if... Mag plano tayo ng vacation? For us to be able do have some full rest?" Napatingin naman ako sa kanya habang pinag iisapan ang balak niya. It's actually a good idea but... "One week pa lang ako sa work ko, love." Umawang naman ang labi niya at napakamot sa batok niya. "Oo nga pala noh... Maybe 2 months from now?" "San naman tayo pupunta kung sa kali?" "Maybe in Korea?" Hindi pa sigurado na sagot niya. Napamaang naman akong napatanong ulit sa kanya. "Are you serious? Korea, talaga?" "Yeah. I was thinking if gusto mo mag punta doon since I saw your BTS Album Collection. Most of the woman that I know is BTS fan girl at nangangarap sila makapunta sa Korea. So, gusto mo rin ba?" "you...saw my collection?" Gulat pa na tanong ko dahil sa pag kakaalala ko nakatago ang mga 'yon para hindi makita nila mommy once na mag visit sila dito. "Ahmmm...yeah? I'm sorry! Na- curious ako don sa laman ng last cabinet sa tabi ng study table mo kaya tinignan ko and I saw Albums...sorry..." Natatawa naman ako sa emosyon sa mukha niya. Halatang kinakabahan siya dahil na rin sa di niya mapakaling mga mata. "It's okay. So, you already know that I like Anime too?" Tinaasan ko siya ng kilay pag tingin niya sa'kin. "Yeah... I also saw in your Netflix, iyong mga unfinished watch mo. More on K-Drama and Anime na kita ko." Napatango tango na lang ako dahil pati pala 'yon ay nakita niya. Hindi naman bigdeal sa'kin na makita at malaman niya 'yong lahat dahil hindi ko naman talaga itinatago 'yon sa kanya o kahit na kanino. Sadyang nakatago lang sa cabinet yung mga Albums dahil ayokong nakalabas lang at baka masira. Natahimik naman kami at minuto minuto ata siyang tumitingin sa'kin. Nakikiramdam. Nang mag salubong ang tingin namin ay nag kunwari siyang abala sa pag kain. Nailing na lang ako dahil ramdam ko na hindi siya mapakali. Bumalik ako agad sa sala para tapusin ang presentation ko. Ako dapat ang mag huhugas dahil siya ang nag luto pero nag presinta siya na siya na lang daw kaya hinayaan ko siya. Hindi ko naman namalayan na tapos na siya sa pag huhugas kung hindi pa siya muntik na matumba habang nag lalakad palapit sa pwesto ko. "Anong ginagawa mo?" Pilit lang naman siyang ngumiti sa'kin at agad na tumayo ng tuwid sa muntikan niya ng pag katumba. "Ahmm...love? Galit kaba?" Nangunot naman ang noo ko sa tanong niya pero hindi siya tinapunan ng tingin. "Hindi. Bakit naman ako magagalit? Nambabae ka ba?" Nanlaki naman ang mga mata niya at agad na winagayway ang kamay niya para itanggi ang paratang ko. Pinipigilan ko naman ang sarili kong mapangisi. "Hindi ah! San mo naman nakuha 'yan, mahal!? Nag tatanong lang ako kung galit ka kasi pinakealamanan ko yung cabinet mo ng walang pasabi sa'yo." "Oh bat tumataas boses mo?" Naitikom niya naman agad ang bibig niya at nayayamot sa sarili na napakamot sa ulo niya. Nabalot naman kami ng katahimikan. Hindi ko tinanggal ang paningin ko sa kanya. Hanggang ngayon ay nakatayo lang siya don at nakayuko. Since nakaupo ako sa sahig ay kita ko parin ang mukha niya lalo na ang mag kasalubong na kilay niya. "Oh galit ka?" Basag ko sa katahimikan. Umiling naman siya. "We galit ka, eh!" Mapang asar na sabi ko na ikinasingkit naman ng mga mata niyang tumitig sa'kin. "Hindi nga ako galit. Bakit naman ako magagalit may nagawa ka bang mali?" "Wala. Pero bakit ganyan ka tumingin sa'kin? Galit ka e!" "Hindi nga sabi." Andon na ang inis sa boses niya pero kalmado pa rin ang itsura niya. Nakagat ko naman ang pang ibabang labi ko para pigilan ang sarili na mapangiti. "Kung di ka galit...kiss mo nga ako!" Nguso ko pa sa harapan niya. Mas lalo namang naningkit ang mata niya sa'kin. Parang pinag hihinalaan ang kinikilos ko. "Oh diba galit ka! Ayaw mo kong i kiss." Kunwaring nag tatampong arte ko at tinuon ang atensyon sa laptop sa harap ko. Ayoko na nga mang asar. Baka kung ano pa ibawi nito sa'kin pag na realize niya na inaasar ko lang siya. Wala sa sariling napanguso ako sa laptop ko dahil di ko matapos tapos 'tong presentation na 'to! Nagulat naman ako sa biglaang pag lapit ni Ali sa'kin. Agad niyang hinawakan ang baba ko para itingala ang mukha ko sa kanya. "Hindi nga ako galit." Bulong niya tsaka ko naramdaman ang pag lapat ng labi niya sa labi ko. Lumayo naman siya agad at mag lalakad na sana papasok sa kwarto ng mag salita ako ulit. "Galit ka! Sinasabi ko sayo, Galit ka!" Inilang hakbang niya ang pagitan namin at muli kong naramdaman ang mga labi niya. Nakangisi na siya sa akin pag bitaw niya sa halik. May munting ngiti naman na sa labi ko dahil nakuha ang gusto. "You being to clingy tonight, love..." He whispered. "Ayaw mo ba non?" Tanong ko. "No... I actually love it." Sabay halik niya sa noo ko tsaka siya tumayo ng maayos. "Halik ko lang pala gusto mo sana sinabi mo agad di ka na sana nag effort mang asar." Tawa niya pa. Muli naman akong nanghingi ng halik sa kanya bago siya maupo sa tabi ko at tulungan na akong tapusin yung presentation ko. Hindi niya lang 'yon basta tinapos. Bago pa ako tuluyang makatulog sa balikat niya ay nakita ko pa kung paano niya balikan ang mga slides para tignan lahat ng iyon. May naramdaman naman akong pag yugyog sa balikat ko. Dahan dahan ko namang minulat ang mata ko at mukha ni Ali sa bumungad sa akin. Ngumiti naman agad siya sa akin. "Finally, you're awake." Napabaling naman ako sa Alarm clock ko at saktong ala sais ng umaga niya ako ginising. Alam niya ang oras ng gising ko. "You're breakfast is ready. I need to go now." Nagkukusot pa ako ng mata ko na sabi niya. Natignan ko naman siya mula ulo hanggang paa. Nakabihis na nga siya at handa na sa pag alis. "Okay. Kumain ka ba muna?" Tumango na lang siya sa'kin sa salamin dahil don kami nakatingin sa isa't isa habang nag aayos siya. "Alis na ako. May aksidente daw sa site e." Paalam niya ulit sa'kin at halik sa noo ko bago nag mamadaling lumabas ng kwarto ko. Aksidente. Hindi magandang balita 'yon para sa umaga. Siguradong ma stre-stress na naman si Ali doon. Nangako pa naman siya kagabi na ihahatid niya ako sa opisina dahil tanghali pa ang punta niya sa site. Pero dahil may aksidente nga maaga siya napapunta don. Ayos lang, alangang unahin ko pa yung paghatid niya sa'kin kesa sa aksidenteng nangyari doon. Alam ko pa naman kung kailan at saan ako lulugar sa mga gantong pag kakataon. Bumuntong hininga ako at nag simula ng asikasuhin ang sarili para sa pag pasok. Pag pasok na pasok ko pa lang ay napatakbo ako agad sa Meeting Room dahil na reschedule daw ng mas maaga ang meeting. Nagulat pa ako ng makita si Cath sa tabi ng Daddy niya at naka busangot. Nag katinginan pa kami at nginusuan niya pa ako. Nag papaawa. Napatingin naman ako sa papa niya na tumikhim at nilahad ang kamay sa harapan. Gusto niya na akong mag umpisa. Kaya ginawa ko naman agad. Napakurap kurap naman ako ng mag iba ang Title ng presentation ko. About lang naman 'yon sa Sales Report pero yung title pang research paper. Alisander, anong ginawa mo? Hinayaan ko 'yon at nag patuloy sa pag rereport. Nagugulat na lang ako sa ibang nakikita ko sa presentation ko. Ayon sa pag kakatanda ko ay hindi iyon ang nilagay ko don at hindi ganon ka ganda ang pag kakagawa ko non pero sa mga nakikita ko ngayon sa mismong screen ko, hindi ko na lang alam ang sasabihin ko. Nagulat ako sa naging laman ng Presentation ko pero hindi naman ako gaanong kinabahan sa mga pag babago non dahil kanina sa kotse ay mag message sa'kin si Ali tungkol sa mga binago ay inayos niya. Ang maganda pa don may sinend siyang note sa'kin na may laman ng mga possible question na ibabato sa'kin once na hindi maayos ang pag kakapresent ko na inihanda niya. Basahin ko daw. Pero since binasa ko lahat ng sinend niya at alam ko na lahat 'yon ay mahalaga kaya binanggit ko na bago pa sila mag tanong. Kaya naging successful naman ang First Presentation ko. Agad akong nag tipa ng mensahe para kay Ali pag labas naman sa silid na 'yon para sabihin sa kanya ang kinalabasan. Hindi na ako nag expect na mag rereply siya agad dahil alam ko nga na may inaasikaso siya pero nagulat ako ng bago ko pa mailagay sa bulsa ko ang phone ko ay nag reply na siya. Nangiti naman akong bumalik sa mesa ko bago siya replyan ulit ng pasasalamat. Tahimik naman akong nag tratrabaho hanggang sa may mag lagay ng upuan sa tabi ko. Tiningala ko kung sino 'yon at isa 'yon sa staff ng maintenance. "Thankyou..." Walang buhay na pasasalamat niya sa staff bago pabagsak na na upo doon at tignan ako. "Bakit ka andito?" Tanong ko sa kanya bago ibalik ang atensyon ko sa ginagawa at hinayaan siyang mag salita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD