16

3111 Words
"Where exactly are you now? C'mon! Cath." Wala sa sariling tumawa siya sa kabilang linya kasabay ng pagsinghot singhot niya. Dis oras na ng gabi at hindi man lang nag sabi na mag iinom tapos ngayon tatawag tatawag. [Gurl! Ano ba! Andito lang ako oh! Sa...] Sinok niya pa. [San nga 'to kuya?] Napahilot na lang ako sa sintido ko bago ilapag sa powder table ko yung phone at i-loud speaker iyon bago mag tungo sa closet ko at kumuha ng damit don. [Ha? Ano? Saan?] Malabo naman ang pag kakasagot sa kanya nung lalaking pinagtatanungan niya dahil sa lakas ng tunog doon. [Ikaw na nga lang mag sabi! Oh!] Sakto namang tapos na ako mag bihis ng sabihin ni kuya kung saan 'yon. Kaya nag pasalamat na lang ako at binilin si Cath sa kanya bago umalis sa condo ko at mag tungo don. "Thanks!" Pagpapasalamat ko bar tender na nag bantay sa kaibigan ko. Ngumiti at tumango lang naman siya sa'kin bago ituon ang buong atensyon sa trabaho niya. Napabuntong hininga na lang bago lapitan si Cath sa counter na nakasubsob na ang mukha sa mga braso. "Wake up..." Yugyog ko pa sa balikat niya. Dahan dahan niya namang iniangat ang ulo niya. Nabuhayaan naman ang mukha niya. Nabigla naman ako sa biglang pagsukbit ng mga braso niya sa batok ko. "Kerley! My dearest friend! Iloveyou! Love you! Love you!" Nilayo ko naman agad ang mukha niya sa'kin ng mag balak siyang humalik. "Tumigil ka nga! Uuwi na tayo!" Pag kasabi ko non ay agad naman siyang bumitaw sa'kin at tinalikuran ako. "Ayaw pa! Iinom pa!" Parang batang nagrereklamo na tumatanggi na saad niya. Napabuntong hininga na lang ako bago siya iwan don at mag punta sa tahimik na parte ng bar para tawagan si Casper. [Ang pinaalam niya kila mommy is sa'yo siya ngayong gabi. I mean, sa condo mo daw siya mag papalipas ng gabi.] "Oh talaga? Sa condo ko o sa bar?" Tumawa lang naman si Casper sa kabilang linya kaya naiiling ko na lang siyang pinatayan ng tawag. Pagbalik ko sa counter ay bagsak na talaga si Cath. Naririnig ko na rin ang mahihinang pag hilik niya ng dumungaw ako sa kanya. Ginawa mo na ngang palusot yung pagtulog mo sa condo ko para mag pakalasing. Ngayon, mag papaalaga kapa sa'kin. Kung hindi lang kita kaibigan pababayaan kita dito e. "Wag kana nga malikot!" Saway ko sa kanya ng gumalaw galaw pa siya ng maipasok ko na siya sa kotse at kinakabitan na ng seatbelt. "A-ayaw pa..." Sinok niya pa. "Umuwi." Napatayo ako ng tuwid bago humakbang paatras at isara ang pinto bago mapabuntong hininga kasabay ng pag punas ng pawis ko. Tahimik naman ang naging byahe namin dahil mukhang mahimbing na ang pagkakatulog niya. Nag patugtog naman ako para hindi antukin sa byahe pauwi. Pero tama lang ang lakas non para ako lang ang makarinig at hindi maistorbo ang pagkakatulog niya. "Kerley..." Naihinto ko naman agad ang musika at humingi ng pasensya sa kanya dahil nagising siya. Nang lingunin ko siya saglit ay inaantok ang mga matang nakatingin siya sa labas ng bintana ng kotse. "Bakit ikaw ang swerte ng lovelife mo? Tignan mo!" Kita ko ang panglingon niya sa'kin mula sa gilid ng mga mata ko. Tinuro niya pa ang mukha ko. "Ang fresh mo kahit gabi na, nag blobloom ka kasi healthy yung relationship niyo." She take a deep breath. "Pero bakit ako...bakit ako sobrang malas ko?" May pait ang boses na tanong niya. "Ikaw masaya ka...ako sumaya man sandali lang, tapos balik sa gantong sitwasyon." Rinig ko ang mahinang pag tawa niya kasabay ng mga singhot niya. "Sabi ko kasi sa'yo...mag pahinga ka muna. Huminto ka na lang muna." Tumango tango naman siya sa sinabi ko. "Alam mo ba...hindi ako nag seseryoso. Hindi rin ako nag lalaro. Ewan ko basta parang nasa gitna lang ako. Napapagod na rin naman ko pero ewan ko ba bakit ayoko paring tumigil at subok parin ako ng subok. Hindi ba dapat kung hindi ako nag seseryoso hindi ako masasaktan ng ganto?" Wala naman akong naging tugon don at hinayaan lang siya na mag labas ng saloobin niya. Inihinto ko saglit ang sasakyan ko sa tapat ng convenience store na nadaanan namin para maayos siyang makausap. May namumuo naman ng mga luha sa mata niya habang ang tingin ay nasa harapan lang. "Ang sakit lang kasi... Pare-pareho nilang pinaparamdam sa'kin na hindi ako sapat. Na napakaraming kulang sa'kin. Na hanggang pampalipas oras lang ako. Na hanggang don lang ako. Hindi ba ako karapatdapat na mahalin kagaya mo?" "Hey! Tigilan mo 'yan ah! Bat mo ba kinukumpara yung sarili mo sa'kin? You know what, let's just look at the brighter side of your life. Ganto ah, maybe...that romantic love is still not meant for you now. But, look oh! You have your mom and dad that loves you the way that I wish that my parents could. Siguro, malas ka sa gantong klase ng pag mamahal pero...maswerte ka naman sa mga magulang na meron ka dahil napaparamdam nila sa'yo yung love na dapat mong maramdaman sa isang pamilya." "Psh. Pinatigil ako sa pag kumpara sa sarili ko sa kanya pero siya naman 'tong kinukumpara ang sarili sa'kin. Gaga." Natatawang nag kailingan na lang kami sa isa't isa. Sabay din kaming napabuntong hininga at tumingin sa bintanang nasa gilid namin. Pareho kaming hindi na nag salita. Parehong malalim ang iniisip. Nakakatulog kaya sila ng mahimbing kahit na hindi man lang ako nakakamusta? Last time that I visited there was the day that my older sister say na hindi na ako welcome don. Simula non hindi na ako bumalik. I didn't receive any phone call or text message naman from my mom or dad na gusto nila akong mag punta don. Nag aalala kaya sila sa'kin? Iniisip ba nila kung nakakakain ako lagi? Alam kaya nila mga pinag gagagawa ko sa buhay? May pake alam paba sila sa'kin? Meron parin naman siguro noh? Kasi kahit naman walang kahit anong phone call they still giving me the money that I need. Ilang beses naman akong napakurap kurap sa isiping 'yon. I'm not that independent parin kasi sa kanila parin ako umaasa for the money. Should I get a job na? Pero saang industry naman ako mag tratrabaho? Sa company namin? No...hindi pa 'to ang tamang oras para pumasok ako don. Baka mawala 'tong kalayaan na meron ako kung mag tratrabaho ako don. What if... "Cath, sa tingin mo tatanggapin ako ni tito sa company niyo?" Wala naman na akong ibang maisip na company na may chance na tatanggapin ako. Hindi sa wala akong tiwala sa kakayahan ko. Pero parang mas safe kasi kung don, hindi agad malalaman nila dad at mapapakiusapan ko pa si Tito na wag muna ipaalam kila daddy. "Ano? May balak ka na bang mag trabaho?" Gulat na tanong niya. Tumango tango naman ako sa kanya. Napaayos naman siya ng upo at tumikhim bago mapasuklay sa buhok niya. "Tssk. Wag kang mag alala, kung mag tratrabaho man ako sa inyo sigurado naman na hindi ka papagayahin ni tito sa'kin kung hindi mo pa gusto. Parang hindi mo naman alam na hindi ka pipilitin ni tito sa bagay na ayaw mo." Putol ko na agad sa pag aalala niya. "Hindi...hindi yun ang inaalala ko." Nangunot naman ang noo ko don. Kung hindi 'yon edi ano? "Bakit mag tratrabaho kana? Cutting ties na ba 'to?" "Gaga hindi! Gusto ko lang maranasan. Aishh! Tara na nga iuuwi na kita." Pinigilan niya naman ako bigla at sinabi na wag sa bahay nila siya iuwi. Don na lang daw kami sa condo ko umuwi. Wala naman na akong nagawa kundi sa condo ko mag drive pauwi. Ayaw niya sa kanila dahil pagagalitan daw siya ng mommy niya. Sinunod ko na lang ang gusto niya lalo na't may favor pa naman ako sa kanya. Kung mag tratrabaho man na ako, yung perang manggagaling kila Daddy iipunin ko na lang para incase na may biglaang emergency sa bahay o kila Ali may mailalabas ako kahit papano. Tsaka nasa edad naman na ako para mag trabaho. Hindi naman na ako nag aaral at wala na akong magawa sa buhay ko sa mga nakalipas na buwan. Samantalang si Ali todo kayod sa pagtratrabaho. Ilang buwan na since nung nakapasa siya. Simula non ay puro trabaho na talaga siya. Pag maagang nakakauwi galing sa trabaho dederetso siya sa Bar nila para mag part time. Minsan kapag naman pupunta siyang site at mapapadaan dito sa'min yung way binibisita niya ako pero hindi naman siya nag tatagal. Pero ayos lang naman 'yon dahil hindi naman ako demanding na babae. Basta alam ko na sa trabaho ang punta niya, panatag ako. "Oh uuwi kana? Mag agahan ka muna." Nahinto naman siya sa paglalakad at masama ang tingin na bumaling sa'kin. "Oh baket?" "May masama ka bang balak sa'kin? Ano nilagay mo sa mga pagkain na 'yan?" "Praning. Kumain ka kung kakain ka." Naupo naman siya sa katapat kong upuan bago mag sign of the cross at magdasal atsaka nag simula kumain. Ganon din naman ang ginawa ko. Matiwasay na sana ang oras ng kain namin kung hindi lang sa dami ng denedemand niya. "Bakit hindi ikaw kumuha?" Iritado ng sabi ko ng may pinapaabot na naman siya. "Eh mas malapit ka e!" Sagot niya pa. "Anong mas malapit? E pareho lang tayo ng layo don? Ang sabihin mo mas mahaba lang braso ko kesa sa'yo." "Oo na sige na! Ikaw na mas malaki, iabot mo na lang." Patukoy niya sa tinapay. Iniabot ko na lang para manahimik na siya at matapos na rin kami sa pag kain ng makalayas na siya. Nag usap pa kami tungkol don sa pagtratrabaho ko sa company nila bago siya tuluyang umuwi sa kanila. Siya na daw ang bahalang mag sabi kay tito about don. At mukha namang sinabi niya nga talaga dahil nung araw din na 'yon at tinawagan ako ni tito at iniimbitahan na mag punta sa kanila mamayang gabi at don mag dinner at pag uusapan din daw namin yung gusto kong mangyari. Kaya bago pa lumubog ang araw ay nag ayos na ako at nag handa. Alam ko kasi na habang lumulubog ang araw ay nag luluto na si Tita o yung mga kasambahay nila para sa dinner nila para pag saktong madilim na tsaka sila kakain. Tama naman sa oras ang pagpunta ko. Nakaipag beso at nakipag kamustahan muna ako kay Tita dahil wala pa daw si tito at nasa byahe palang pa uwi. "Malapit naman na daw siya. Sandali lang Kerley, ipapatawag ko lang yung dalawa." Paalam ni tita bago mag punta sa kusina nila. Nakita ko naman ang pag akyat ng isa sa mga kasambahay nila. Sabay namang bumaba ang mag kapatid at mukhang nag sasagutan na naman dahil sa tensyong nararamdaman ko sa kanila. "Pagpasensyahan mo na at ganyan parin talaga sila." Bulong ni Tita sa tabi ko. Ngumiti ako sa kanya bago bumulong pabalik. "Wala naman pong bago." "I'm home!" Pare-pareho naman kaming bumaling sa main door ng pumasok si Tito doon at ianunsyo ang pagdating niya. Don lang natigil sa pag aaway ang dalawa at sabay na lumapit sa Daddy nila. Si tito naman ang kusang lumapit kay tita na nasa tabi ko at hinalikan ito sa noo bago ngumiti at batiin ako. "Kamusta, Kerley? Paganda ka ng pagandang bata ka." "Sus! Si tito bolero parin." Nag katawanan lang naman kaming dalawa bago siya mag aya na mag tungo na sa dinning. "Enjoy the food." Sabi niya pa pag katapos naming mag dasal lahat at nasa akin ang tingin. Ngumiti at tumango lang naman ako bago mag simulang kumain. Sa tuwing dito ako nag hahapunan or naimbitahan ako nila Tito na dito kumain sa kanila lagi nilang kinakamusta ang araw ng isa't isa. Na siyang kinaiinggitan ko sa pamilyan 'to noon. "Nothing's special dad. I just stay in my room whole day." Sagot ni cath ng siya na ang tanungin ng papa niya. "Sana sinabi mo na lang na nag buhay señora ka." Patago naman kaming nag high five ni Casper dahil sa sinabi niya. Masamang tinging agad ang pinukol ni Cath sa kapatid niya na nag patuloy lang sa pagkain. Ganon din naman ako, nag kukunwari na walang narinig. Tumikhim naman si tito kaya nailipat na ang tingin ni Cath sa kanya. "Kumain na lang tayo at baka mag away pa kayo." Nagkatinginan naman kami ni Casper sa huling pag kakataon bago sundin si Tito. Pag tapos ng hapunan ay pinasunod agad ako ni Tito sa opisina niya dahil don daw kami mag uusap. Kaya sumunod naman ako agad kasabay si Tita. Pareho kaming naupo sa katapat na sofa ng inuupuan ni tito. "Kerley, bakit sa amin mo gustong mag trabaho at hindi sa company ng daddy mo?" Yun agad ang tanong ni Tito sa'kin. Inexpect ko naman na 'yon kaya may nakahanda akong sagot. Deretso ang titig sa kanya na nag salita ako. "Natatakot po kasi ako na pumasok agad sa company namin. I don't want to cause something bad. Ayoko pong mapahiya sila mommy once na mag kamali ako. Alam ko po na hindi ma iiwasan 'yon but I want to experience din po kasi na sa ibang company mag start, hindi po agad kay Daddy." Hindi naman ako nahirapang ipaliwanag 'yon sa kanila lalo na't hindi naman kasinungalingan 'yon. Tumango tango naman si Tito sa'kin bago sila magkatinginan ni Tita. "Pero bakit ayaw mo ipaalam sa daddy mo? Natatakot kaba na baka hindi niya maintindihan?" Si tita naman ngayon ang tanong sa'kin. Naibaba ko naman ang tingin ko sa kamay ko at bahagyang napaisip. Natatakot nga ba ako na baka hindi niya ako maintindihan? O iba ang kinakatakutan ko. "Hindi po. Hindi po 'yun ang inaalala ko." "Kung ganon ay ano?" Natatakot ako na baka maging katapusan na 'yon ng kalayaan na pinaparanas nila sa'kin ngayon. Pinili kong mag sinungaling sa kanila. Pilit akong ngumiti sa kanila bago muling sumagot. "Hindi ko rin po alam Tita. May pumapasok sa isip ko na dahilan pero nahihirapan po akong ipaliwanag 'yon. Parang hindi rin po ako sigurado kung bakit ayokong malaman nila." May pag intindi akong tinitigan ni Tita bago bahagyang haplusin ang buhok ko. Nang tignan ko si Tito ay ganon din ang paraan ng pagtingin niya sakin. Hindi lang ako basta swerte sa kaibigan. Swerte din ako sa pamilyang meron siya na hindi iba ang turing sa'kin. Tanda ko pa non kung paano ako I-welcome ni Tita dito sa kanila nung unang beses na punta ko dito. Napang abutan ko si Tito non na bagong uwi galing trabaho dahil ang tagal dumating ng sundo ko kaya nag karoon kami ng pagkakataon na makilala ang isa't isa. Noon pa man ay magaan na ang loob ko sa pamilyang 'to. Mas gusto ko pa ngang mag punta dito kesa umuwi sa'min noon. Sa tuwing may hindi tama sa nararamdaman ko, dito ako nag pupunta. Naging takbuhan ko ang pamilya na 'to sa tuwing nag iisa ako. Kaya ganon na lang kalaki ang utang na loob ko sa kanila. At hindi ko alam kung paano masusuklian 'yon. Umuwi din naman ako pagkatapos ng pag uusap na 'yon. Inihatid nila ako hanggang sa garahe nila. Nang muli ko silang tanawin mula sa side mirror ng kotse ko ay lahat sila ay nakatanaw parin sa'kin kahit na nalalayo na ako sa bahay nila. Napangiti naman ako dahil don. Habang nag mamaneho pauwi sakto namang napataway si Ali. Sinagot ko agad 'yon at ipinatong sa dash board. "Hello?" Sagot ko sa tawag. [Hey! Where are you? Nasa condo mo ko ngayon pero wala ka.] Napangiwi naman ako don bago kabigin ang manebela. "Sorry! Hindi ako nakapag paalam. Pauwi na ako galing sa bahay ng Best friend ko." Tugon ko. [Okay. Take care! Antayin kita dito! You already take your dinner na ba?] "Yes. Pinakain ako ni tita sa kanila e." [That's good! Oh sige na, ingat ah? Mag aantay ako sa'yo dito.] Narinig ko pa ang paghikab niya bago niya tuluyang patayin ang tawag. Hinintay ko naman na mag go signal bago mag manahi ulit. Hindi naman ganon kalayo ang bahay ng mga Zuñiga sa condo ko kaya hindi ako natagalan sa pag mamaneho pauwi. Bago tuluyang lumabas sa kotse ay sinilip ko muna mula sa rear view mirror at sa side mirror ko kung nag aantay ba siya dito sa parking lot. Nang masigurong wala siya ay tsaka lang ako bumaba at nag tungo sa elevator. Habang nag lalakad sa hallway ay hindi ko mapigilan ang sarili na isipin kung anong ginagawa niya ngayon sa loob ng condo ko. Agad kong tinipa ang passcode ko at bumukas naman ang pinto. Nagtungo ako sa sala para tignan kung andon siya. Andon nga siya at nakahiga sa sofa, natutulog. Mukhang pagod na pagod. Pumunta muna ako sa kwarto ko at kumuha ng blanket at lumabas din ng bitbit 'yon. Hinubad ko muna ang sapatos at medyas na suot niya at iginilid 'yon bago ayusin ang pwesto ng hita niya dahil mahuhulog na siya. Sinunod ko naman ang necktie niya. Tinanggal ko lang iyon at itinabi. Kung kailan binabalak ko na na kumutan siya ay don naman na siya nag mulat mg mata. "Nagising ba kita?" Pabulong na natanong ko dahil magkalapit lang naman kami sa isa't isa. "Your smell wake me up. Yan yung amoy na miss na miss ko na." Sabay ayos niya ng tayo at pulupot ng braso niya sa bewang ko. "nakauwi rin sa wakas..." Nakadikit ang pisngi sa tiyan ko na inaantok na sabi niya. Nakangiti ko namang masuyong sinuklay ang buhok niya habang nasa ganon kaming posisyon. Hinayaan ko lang siya na yakapin ako. Wala ng nag salita sa'min kaya inakala ko na tulog na siya. Sinubukan ko kumalas sa yakap niya pero humigpit lang lalo 'yon. "Love..." Tawag ko sa kanya. "Hmmm?" "I got a job." Don naman siya napatingala sa'kin. "Really?" Gulat na tanong niya. Nakangiting tumango naman ako. "Really." Napatili naman ako ng bigla niya akong buhatin at iikot ikot sa ere. Wala akong ibang nagawa kundi ang ngumiti at tumitig sa kanya habang ginagawa niya 'yon. Mas masaya pa siya kesa sa'kin. Kitang kita ko 'yun sa mata niya. Yung kanina na gusto ng pumikit na mga mata punong puno ng kasiyahan ngayon. Napagod din naman siya sa ginagawa kaya ibinaba niya na ako at don pinuno ng halik ang mukha ko. Tumigil naman siya at pinagdikit ang noo namin. "I'm so proud of you..." Yun lang ang sinabi niya pero nag uumapaw na emosyon ang nararamdaman ko na naging dahilan para may mamuong luha sa mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD