"Jeky. Come to mommy... Very good!"
Lumapit siya agad sa'kin kaya binitbit ko naman siya at pinaharap sa camera.
"Oh, picture na ah!" Sigaw ni Anthony na photographer namin ngayon dahil abala pa sa pagkain ang iba.
Pumulupot ang braso ni Ali sa bewang ko sabay hapit sa'kin palapit pa lalo sa kanya.
Naiilang ko namang nakagat ang labi ko dahil na sa'min pareho ang paningin ng kapatid at magulang niya. Pero kahit na ngayon ay natural akong ngumiti sa camera.
Nakailang take pa kami ng picture bago ko yayain sila Alexa na sumali. Game na game naman si Alexa at nag ayos pa ng buhok bago pwumesto sa tabi ko. Si Alex naman ay kampante lang na tumayo sa tabi ng kuya niya habang nakapamulsa.
Inaya naman ni Alexa sila tita para sumali. Balak ko sanang umalis para family picture muna sila pero hinatak ako pabalik ni Alexa at Ali kaya hindi ko na lang ginawa.
"Oh last one na po!" Anunsyo ni Anthony kaya umalis na talaga sa gitna nila.
"Ate Kerley!" Tawag sa'kin ni Alexa kaya umiling ako.
"Kayo naman muna. Para family picture." Tumango at ngumiti na lang sa'kin si Alexa bago tumingin sa mga kuya niya.
Tinignan ko naman si Ali at sinenyasan na ngumiti.
'Smile!' I mouthed at him at inginiti pa ang labi ko para gayahin niya.
Ginawa niya naman habang nakatingin sa camera. Hindi nabura ang mga ngiti sa labi ko habang tinitignan silang buong pamilya.
Atleast...kahit hindi sa pamilya ko. Sa pamilya naman ng taong mahal ko na halos kapareho ng sitwasyon ko nagawa ko ang pinapangarap ko na magkaroon ng family picture sa edad kong 'to.
Silang magkakaibigan naman ang nag picture-picture. Inihatid naman ni Tita at Alex si Tito sa kwarto para pagpahingahin dahil gabi narin naman.
"Kerley! Sali ka dito!" Inabot ko naman kay Alexa yung camera kaya siya na yung kumukuha ngayon sa'min ng litrato.
Hindi ko alam kung may maayos ba na litrato don dahil puro kalokohan ang pinag gagagawa nila. Lahat pa sila ay halos na mangha ng mapangiti namin ng wagas si Jeky. Mabuti na lang at nakuhaan iyon ni Alexa.
Nag tuloy tuloy naman ang kasiyahan hanggang sa matapos din silang mag ligpit at maglinis.
Pare-pareho naman kaming nag paalam kay Tita Lolita at kay tito na dinayo pa namin sa loob ng kwarto nila para mag paalam na aalis na.
"Mag iingat kayo, lalo na sa mga magmamaneho."
Nag si saladuhan naman sila kay Tito. Aalis na sana kami don ng paunahin niya sila Anthony at pinaiwan ako don.
Naupo naman ako sa gilid ng kama niya para hindi na siya mahirapang tumayo para lang mag karinigan kami.
"Bakit po tito?" Tanong ko pag upo ko ng palapitin niya ako sa kanya.
"Anak..." Iyon palang ang lumalabas sa bibig niya pero agad na namuo ang luha sa mga mata ko. "Maraming salamat ah..."
Tipid naman akong ngumiti sa kanya bago bahagyang yumuko at punasan ang luha kong hindi na nag papigil.
"Para saan po?" Maang na tanong ko kahit na may hinala naman na ako kung para saan iyon pero may parte sakin na gusto mismong marinig 'yon mula sa bibig ni Tito.
"Sa lahat... Mula sa pagdating mo sa buhay ng anak ko, sa ginawa mo ngayon at hanggang sa mga magagawa mo pa sa darating na mga panahon. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako mag tatagal sa mundo kaya mag papasalamat na ako ngayon sa'yo."
"Tito...wag niyo pong sabihin 'yan. Kapag narinig po nila Ali 'yan, sigurado pong masasaktan sila."
Pinilit niya namang maupo kaya agad ko siyang dinaluhan. Nag pasalamat siya sa'kin at ngumiti.
"Hindi ako perpektong ama. Marami akong pagkukulang at naging kasalanan sa kanila, lalo na kay Ali..." Panimula niya. Tinignan ko lang naman siya habang nakikinig sa kanya. "Maaga siyang nag pakatatay sa mga kapatid niya dahil wala ako dito. Yung mga dapat kong iparamdam sa kanila bilang ama siya ang nag paramdam non sa mga kapatid niya. Nagawa ko pang mang babae noon kahit hindi naman lingit sa kaalaman ko ang paghihirap nila." Ramdam ko ang pag sisisi sa boses ni Tito at kita rin 'yon sa mga mata niya kahit na iniiwas niya sa'kin ang tingin niya.
"Hindi ko siya nabigyan ng gantong klaseng selebrasyon ng kaarawan o kahit anong tagumpay ang makamtam niya dahil ang akala ko noon sapat na para sa kanya ang pera pero...nag kamali ako don. Sa nag daang taon, tuwing nag didiwang ng kaarawan si Alexa, pinagmamasdan ko siya. Kita ko ang saya at inggit sa mga mata niya. At yung inggit na 'yon? Kasalanan ko 'yon..." Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan kaya medyo nataranta naman ako dahil baka na tritrigger na 'yung sakit niya.
"K-kung noon ko pa sana na isip na hindi pera ang kailangan ng anak ko sa tuwing may achievement siya, sana... S-sana wala yung inggit na 'yon sa mga mata niya. Pamilya pala... suporta pala ng pamilya ang kailangan niya..."
"Tito tama na po..." Pagpapatigil ko sa kanya sa pag iyak dahil sa bawat salita niya mas lumalala ang pag iyak niya.
Bumibigat at humihirap na rin ang paghinga niya. Kaya kailangan ko na talaga siyang patahanin dahil baka bigla na lang siyang atakihin ng sakit niya sa puso at mapano pa siya hindi kakayanin ng konsensya ko 'yon.
Nagdadalawang isip naman ako na yakapin siya dahil baka hindi siya maging komportable doon at baka mahirapan lang siya sa pag hinga.
Magtatangka pa sana siya na mag patuloy sa paninisi sa sarili niya ng tuluyan ko na siyang yakapin. Nag babakasakali na pakalma ko siya sa ganong paraan.
"Maaari pong marami kayong pag kukulang. Pero hindi pa po huli ang lahat. May pagkakataon pa po kayong makabawi at punan 'yon. At sigurado naman pong walang sama ng loob si Ali sa inyo, tatay niyo po kayo. Sa pag kakakilala ko po kay Ali kahit anong masasakit na salita ang ibato niyo sa kanya... hindi niya po kayang..."
Isa isa namang nanumbalik sa ala ala ko lahat ng mga gabi na nag lalabas ng sakit si Ali sa'kin dahil sa hirap at pagod na nararamdaman niya.
"Mahal? Napupuno na naman ako..." Pigil ang pag kabasag ng boses na sabi niya.
[Gusto ko ng sumuko, love.] Rinig ko pa ang pagsinghap niya.
"Pagod na ako...pagod na pagod na." Nanginginig ang mga labi na saad niya habang nakaupong nakayuko sa harapan ko.
Mga katagang palagi niyang sinasabi sa'kin sa tuwing may hindi na tama sa nararamdaman niya. Sa tuwing nararamdaman niya na sasabog na siya.
"Pagod at nagsasawa lang ako pero—
"Hindi ka lang basta pagod at nag sasawa, mahal. Nahihirapan at nasasaktan kana rin." Putol ko sa sinasabi niya at masuyong hinawakan at tinitigan ang mukha niya.
Nagbaba naman siya ng tingin kasabay ng pag ngiti niya ng tipid. "Tama ka...at dahil 'yon sa kanila. Pero kahit kailan hindi ko magawang..."
"Mag tanim ng sama ng loob. Kaya po, kahit anong paraan po na gagawin niyo para makabawi sa mga anak niyo, asahan niyo po na tutulong ako sa abot ng makakaya ko."
Nanatili naman akong nakayakap sa kanya. Ganto pala ang pakiramdam...ang mayakap ang isang ama.
Hindi ko na matandan kung kailan ko huling nayakap ang tatay ko.
Hindi ko na rin matandaan kung kailan yung huling pagkakataon na nag kausap kami ng ganto ka emotional ng tatay ko o nakapag usap nga ba kami ng ganto?
Si Daddy kaya? Kailan kaya nila ma rerealize ni mommy na hindi pera ang gusto ko sa tuwing may nagagawa akong ikakatuwa nila?
Pamilya ang gusto ko. Sila mismo ni Mommy ang gusto kong makasama nung mga araw at pag kakataon na 'yon. Hindi yung pera nila.
Hindi naman sa hindi sapat yung pera, pero iba kasi ang pakiramdam kapag sila mismo yung andyan at ramdam mo na masaya talaga sila para sa nakamit mo.
Ngayon mas napatunayan ko 'yon sa sarili ko. Yung saya sa mga mata ni Ali kanina ang mas nag patunay sa'kin na hindi matutumbasan ng kahit magkanong halaga ng pera ang saya kapag pamilya mo ang kasama mong ipagdiwang ang espesyal na araw para sa'yo.
Masaya ako dahil kahit hindi ko naranasan, kahit hindi ako yung nakaramdaman sapat na sa'kin na nagawa ko 'yon para sa iba. Para sa lalaking mahal ko.
"Ate...inaantay ka na po nila kuya sa labas."
Dahan dahan naman akong bumitaw sa pagkakayakap kay tito at nilingon si Alexa.
"Susunod na ako." Tumango naman siya at sinulyapan ang papa niya bago kami iwan ulit don.
Binalingan ko naman ulit si Tito at nakaiwas ang tingin sa pintuan habang nagpupunas ng luha niya.
"Uuwi na po ako..." Halos kasing hina na ng bulong na paalam ko.
Tumingin naman siya sa'kin at tumango kasabay ng pag ngiti niya.
"Mag iingat ka sa pag uwi. May mag hahatid ba sa'yo?" Aniya.
"Meron po. Ihahatid daw po muna ako ni Berkley bago siya umuwi."
"Mabuti kung ganon. Salamat ulit, anak."
Ngumiti na lang ako bago tumayo at maglakad palabas ng kwarto ni tito. Muli ko siyang nilingon at kinawayan ng may ngiti sa mga labi ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto niya at mag tungo sa labas.
Naabutan ko naman silang nag kukumpulan sa tapat ng kotse ni Darrel. Sa lakas ng tawanan nila with matching hampas hampas pa sa hood ng kotse alam mo na agad na nagkakatuwaan sila don.
Napalingon naman ako sa paligid. Bawat taong dumadaan ay napapalingon sa kanila. Maski yung mga nakamotor ay naiiwan ang tingin sa kanila sa ingay na ginagawa nila.
Si Anthony ang unang nakapansin sa'kin kaya agad niya akong tinuro sa mga kaibigan niya.
Nag paalam lang naman kami ni Ali sa isa't isa bago ako tuluyang sumakay sa kotse ni Berkley at umuwi na.
Ilang araw na rin ang lumipas simula nung araw na 'yon. Yung araw na rin 'yon ay nakatanggap ng tawag si Ali mula sa Mama ni Darrel about sa trabaho niya. Pinapapasok na siya para makapag training habang inaantay ang result ng board exam. Yung Head Engineer ng Stain's Company ang mag su-supervise sa kanya ngayon don dahil mag re retirement na daw si Mr. Castro kaya kailangan na nila ng new Head Engineer.
Pero ang alam ko nung college ay don na nag OJT si Ali. Kaya inantay talaga si ni Mrs. Stains na makatapos para kunin bilang kapalit ni Mister Castro.
"HAHAHAHAHAH! Hindi naman ako masyadong umaasa na makakapasa agad ang anak ko sa board exam."
"Bakit? Matalino naman ang anak mong panganay ah?" Tanong ng kung sino man na kausap ni Tita Lolita ngayon sa iskinita papunta sa bahay nila.
Nasa bungad ka palang maririnig mo na agad ang pag kwekwentuhan nila.
"Oo nga matalino naman 'yang si Ali. Ayaw mo ba non? Kapag nakapasa siya edi may anak ka ng Engineer." Sabi ng isa sa kanila na nakasuot ng spaghetti strap at maong na shorts with matching red lipstick pa.
"Sana nga ay makapasa. Malaki ang pag dududa ko sa batang 'yon ngayon. Hindi nga ako sigurado kung nag review 'yon bago kumuha ng exam." Sagot ni Tita Lolita.
Napabuntong hininga na lang ako bago mag patuloy sa paglalakad. Napatingin sila sa'kin. Ngumiti na lang ako at tumango sa kanila. Lumapit naman ako kay Tita para mag mano bago dumeretso sa bahay nila.
Hindi na ako nagulat ng makita si Alisander sa pintuan nila. Alam kong kanina pa siya andon kaya narinig niya ang usapan ng mama niya at mga kumare nito.
Ngumiti naman siya sa'kin bago ako salubungin ng yakap.
"Tinignan mo na?" Umiling naman siya pag kapatong ng baba niya sa balikat ko. "Good."
"Sabi mo kasi wag e, dapat sabay tayo sabi mo pa."
Dumeretso naman kami sa kwarto niya at nasalubong pa namin si Alexa na bagong gising. Ngumiti lang naman siya samin bago bumati ng googmorning at mag lakad papunta sa banyo nila.
Binuksan naman agad ni Ali yung laptop niya. Nasa website na agad iyon at nakatype na agad ang student number at password niya. Log in na lang ang pipindutin para lumabas na ang results.
Nag katinginan pa kami. Halatang kinakabahan siya at nasa mga mata niya ang pag aalinlangan na pindutin ang Enter.
"Nakapasa ka...sigurado ako." Napabuntong hininga na lang siya bago ilipat ang tingin sa laptop niya.
Napapikit naman siya at ilang beses pang humugot ng malalim na hininga bago mag mulat.
Nakarinig naman ako ng nagmamadaling yabag na sa tingin ko ay papalapit dito.
"Alexa ano ba?" Masungit na boses ni Alex ang una kong narinig bago ang nag rereklamong boses ni Alexa.
"Ang bagal mo kasi kuya!"
"Ang aga-aga nag aaway na kayo agad." Sermon ni Ali sa dalawang kapatid na kakapasok lang ngayon sa kwarto niya.
"Si kuya Alex kasi napaka bagal mag lakad. Ang laki pang harang sa daan." Sinamaan niya pa ng tingin si Alex na napailing at napabuntong hininga na lang bago lumapit samin at maupo sa likuran ng kuya niya. Sumunod naman agad si Alexa.
"I enter mo na kuya!" Nababagot na sa pag aantay na dabog ni Alexa.
Ilang minuto na siguro kaming nag aantay kay Ali dahil pinapakalma niya pa ang sarili niya.
Mukhang sabik na sabik na si Alexa kaya siya na mismo ang pumindot ng enter kaya napa takip naman ng mata ang mag kakapatid.
Natatawa ko lang naman silang tinignan dahil sabay sabay pa nilang ginawa 'yon.
"Wala pa. I seselect pa natin yung Course Category niya." Saad ko kaya napatanggal naman agad sila ng takip sa mata.
Iniscroll ko naman 'yon pataas at hinanap ang Civil Engineering. Tinignan ko pa silang tatlo at pare pareho lang silang nag aantay sa susunod na galaw ko.
Dahan dahan ko namang inilapat ang daliri ko sa Enter kaya ayon nanaman sila sa pag tatakip nila ng mata.
Bumubungisngis ko yung pinindot at natigilan sa nakita. Kumikibot kibot ang mga labi kong hindi makapaniwala sa nakita ko.
Iniscroll ko pa 'yon at zinoom in para makasigurado.
"Oh...my...god..." May hinto lada salitang sambit ko.
"Ate bakit? Wala ba siya? Hindi nakapasa si kuya?" Kinakabang tanong ni Alex ni sa'kin.
Agad naman akong umalis sa pag kakaupo sa kama at binitbit ang laptop patalikod sa kanila.
"Okay...so, ganto ah, sabay sabay kayong mag tatanggal ng takip at mag mumulat ng mata para makita yung resulta, okay?" Tumango naman silang tatlo.
I'm still in shock pero basta grabe 'to...
"1...2...3...open your eyes siblings." Ginawa naman nila ng dahan dahan 'yon.
Mamalaki naman ang mga mata nilang inilapit pa ang mga pagmumukha sa screen ng laptop.
Inagaw pa sa'kin 'yon ni Alexa para mas ilapit sa kanya.
"Wow...95.69% Is this f*****g real? A-at top natcher kapa. Hindi lang basta basta top kasi...kasi pinaka top. Number one ka kuya. Walang halong biro...oh my god...oh my god...PAPA!? MAMA!?"
Muntik pang madapa sa pag baba ng kama si Alexa dahil sa pag mamadali. Kahit na nasa labas na siya ng kwarto ay rinig na rinig ko parin ang pag tawag niya sa mama nila.
Natatawa naman akong bumaling sa dalawa na pareho paring tulala at tahimik.
"Ya!" Pasigaw na tawag pansin ko sa kanila.
Pareho naman silang nagulat at natauhan bago mag katinginan.
Akala ko ay tinginan lang ang gagawin nila. Pero napaatras ako sa biglaang pag yayakapan nila habang tumatalon talon pa.
"Ang galing mo kuya!" Sigaw ni Alex habang nag tatalon talon parin silang mag kuya don.
Tahimik ko lang naman silang pinapanood na mag saya sa gilid. Hindi ko alam kung bakit pero may kung anong bagay na parang kumiliti sa'kin. Hindi ko maipaliwanag yung pakiramdam.
"Sure na, na mapag aaral kita sa college! Yes!" Napapasuntok pa sa hangin na malakas na sabi ni Ali.
"Hoy sali ako!" Nguso pa ni Alexa na nakabalik na pala.
Hindi pa pumapayag ang mga kuya niya pero agad siyang nakisali sa group hug nilang mag kakapatid at nag simula nanamang mag sitalunan in circular motion.
Nagulat naman ako ng bigla akong hatakin ni Alexa at Ali para isali sa ginagawa nila.
Wala namang kahit na anong lumabas sa bibig namin kundi ang pag tawa. Pare pareho kaming masaya sa pag pasa ni Ali sa Board exam. Hindi lang 'yon basta basta nakapasa dahil siya ang pinaka nakakaangat.
Bigla namang pumasok si Tita at Tito sa kwarto ni Ali at naabutan kami sa ganong eksena.
Tumigil naman kami at agad na sinugod ng mag kakapatid ang magulang nila para yakapin. Kahit na pasugod ang ginawa nila ay andon parin ang pag iingat nila lalo na sa pag yakap nila kay Tito.
Napaiwas naman ako ng tingin ng maramdaman ang pag agos ng mga luha ko habang pinapanood sila.
Pero kahit na anong punas ko ay hindi 'yon tumitigil kaya napatalikod na ako sa kanila.
Tumingala ako at ilang beses na humugot ng malalim na hininga habang pinapaypayan ang mga mata ko gamit ang kamay ko sa pagbabaka sakaling titigil ang luha ko sa ganong paraan.
Nagawa ko naman. Pero sana pala ay hindi na muna ako humarap agad dahil pare-pareho na silang emosyonal ngayon na nag yayakapan. Muling umagos ang mga luha ko.
Dahil siguro masaya ako o baka dahil sa inggit na nararamdaman ng puso ko.
Hindi ko na alam...
Tipid naman akong napangiti kay Tita Lolita ng mag tama ang tingin namin. Sinuklian niya naman 'yon.
Kanina lang ay iniisip niya pa na hindi makakapasa ang anak niya. Pinag duduhan niya pa ito pero ngayon ito siya at kitang kita ang saya sa buong mukha niya.
"Kerley, anak..." Tatlong beses naman akong napakurap bago maisipan na punasan ang mukha ko at nakangiting balingan si tito.
"P-po? Bakit po?" Parang may batong nakabara sa lalamunan ko.
"Halika..." Anyaya niya sabay bukas ng mga braso niya para sa'kin.
"H-ho? Nako...hindi na po. Wag na po. Ahmm...kayo kayo na lang po." Nahihiyang tangi ko at hindi alam kung kanino sa kanila titingin.
"Sige na ate! Tara na!" Pang hihikayat ni Alexa sa'kin.
Isa isa ko naman silang tinagnan. Nang dadapo na sana 'yon kay Ali ay nasa harapan ko na siya at hawak na ang kamay ko ngayon.
"Ayos lang 'yan." Ali said with his calm voice.
"Pero kasi..." Naibaba ko naman sa mga paa ko ang tingin ko. "Hindi naman ako parte ng pamil—" naitaas ko naman ang tingin ko kay tito ng putulin niya ang sasabihin ko.
"Ano bang pinag sasabi sabi mo anak? Parte ka namin, halika na dito kay papa. Hayaan mo kami na samahan ka umiyak hindi yung nag sosolo ka diyan."
Napakagat naman ako sa ibabang labi ko kasabay ng pamumuo muli ng mga luha sa mata ko.
Halika na dito kay papa...
Nag paulit ulit 'yon sa isipan ko. Ilang segundo ko ring natitigan si tito kaya hindi ko namalayan na sunod sunod na pala ang pag agos ng luha ko.
Bakit...? Bakit hindi ako nakaramdam ng gantong saya sa sarili kong pamilya?
Bakit hindi ko naranasan 'to sa puder ng sarili kong pamilya?
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Ali. Napansin niya naman 'yon kaya agad niya akong dinaluhan at inilapit kila tito.
Muli kong inikot ang paningin sa kanila. Lahat sila ay nakatingin sa'kin ng may ngiti sa mga labi nila.
"Family hug?" Maligayang tanong ni Alexa at nasa akin ang tingin.
Hindi pa man tuluyang nakakatango ay naramdaman ko na ang init ng mga katawan nila.
So, ganto ba ang pakiramdam ng yakap ng pamilya?
When? Kailan ko 'to mararamdaman at mararanasan sa mismong pamilya ko?