"kinakabahan talaga ako, love..."
Andito na kami sa tapat ng establesyamento na papasukan niya para sa magaganap na exam. At nasa sasakyan palang kami nila Berkley ay paulit ulit niya na 'yong sinasabi.
Nababadtrip na nga sa kanya si Berkley kaya pag baba na pag baba sa kotse binatukan siya nito.
"It's okay, love. Wag mong masyadong pasinin yung kaba mo, baka ayan na lang maging laman ng isip mo at mawala yung mga inaral mo." Napapikit naman siya kasabay ng pag hugot niya ng malalim na hininga.
Tumango tango pa siya sa harap ko bago iisang hakbang ang distansya naming dalawa at hapitin ako palapit sa kanya.
"Tangina, gusto lang pala ng yakap ang dami pang inarte." Berkley whispered.
Nalingon ko naman siya and both of the raising their middle finger to each other.
"Pag inggit, talikod sabay pikit." Umamba ng suntok si Berkley sa kanya bago padabog na pumasok sa kotse niya at sinara 'yon.
Natatawa na bumitaw ako ng yakap sa kanya.
"Sige na, pumasok kana. Malapit na kayong mag umpisa. Kaya mo 'yan. Naniniwala akong paglabas mo diyan..." Turo ko sa likod niya kung nasan ang entrance at exit. "Nakapasa ka. Mag kakaroon na ako ng jowang Engineer." Panggigil ko pa sa pisngi niya.
"Psh. Mahal mo lang ata ako kasi Engineer ako e. Pero hindi umiigting panga ko, okay lang ba 'yon sa'yo?" Ali pouted.
"Ay! Hindi mo sure 'yan." Pareho naman kaming natawa.
"Hoy! Tama na harutan! Pumasok kana! Ikaw, tara na dito! Pasok!" Singhal ni Berkley sa'min mula sa loob ng kotse niya.
"Sige na. Antayin ka lang namin dito hanggang sa matapos ka. Goodluck! Fighting!" Humahakbang patalikod na paalam ko.
Kumaway naman siya pabalik sa'kin kaya tuluyan ko ng iniharap ang likod ko sa kanya at nag lakad palapit sa kotse ni Berkley.
Magtataka na sana akong pumasok sa loob ng may biglang pumihit sa'kin paharap sa kanya. Agad ko namang naramdaman ang paglapat ng labi namin sa isa't isa.
Mababaw lang 'yon at may pag iingat. Tulad lang ng paraan ng paghalik niya sa'kin tuwing may pagkakataon siya.
"Parusa ko ata 'to. Dapat hindi na lang ikaw sinundo ko, kung ganito naman pala ipaparanas mo sa'kin. Pipikit na lang ako. Tatahimik na lang ako. Kakain na lang ako lugaw plain mamaya para nag LP rin ako." Rinig kong kausap ni Berkley sa sarili niya dahil kanina pa naman nakabukas yung bintana ng kotse niya.
Muli namang pinatakan ni Ali ng halik sa labi ko bago niya punuin ng halik ang buong mukha ko.
"Goodluck kiss lang." Bulong niya pa.
"Andami namang goodluck kiss non."
"Ganon talaga." Tawa niya pa.
"Ayan..." Pareho naman kaming napatingin kay Berkley ng mag salita nanaman ito. "Ayan na sila...Lagot ka, andiyan na sila."
Nagmamadali namang humalik ulit sa'kin si Ali at dali-daling pumasok.
What happened? Who's already here?
"Hoy pasok na dali!" Natataranta naman akong pumasok sa sasakyan ni Berkley.
"Bakit ba? Sino ba yung mga tinutukoy mo?" Iritadong tanong ko dahil pati sa pag seseatbelt ay pinag mamadali niya ako.
"Grupo ng unggoy. Nag kakagulo kasi yung mga 'yon pag naka kita ng pogi." Maang naman akong napatingin sa kanya.
Tumawa lang naman siya bago paandarin paalis don ang sasakyan niya.
Muli akong bumaling sa parking lot. Grupo ng kalalakihan ang nakita kong nag sibabaan sa sasakyan.
Pamilyar na sa'kin ang iba dahil sila yung kasama nila Darrel sa university noong graduation.
Huminto ang sasakyan ni Berkley sa harap ng isang pampublikong kainan. Parang food court lang din.
Nasa malayo palang ay rinig ko na ang ingay na nagmumula sa loob. Maaga pa naman kaya siguradong hindi pa ganon karami ang tao sa loob.
Napangiwi na lang ako sa likod ni Berkley ng makita kung san nag mula yung malalakas na tawanan at kwentuhan na 'yon.
Iilan lang sila pero daig pa nila isang buong grupo ng tanod sa ingay nila.
"Oy pare, Shawty!" Kunwaring lasing na turo sa'kin ni Anthony.
"Hi Kerley! Bakit kasama mo si Berkley. Oy rhyme 'yun ah, rhyme 'yon! Ako'y isang makata. Panis!"
Natatawa na lang ako naupo sa tabi ni Berkley dahil 'yon ang malapit. At 'yon din ang nakita kong libreng upuan.
"Tangina mo! Wag kang feeling! Alam na'tin pare-pareho na walang may future sa'tin sa pagiging makata." paninira ng trip ni Foalan kay Alastair.
"wala man akong future sa pagiging makata, atleast...ako ang future niya." Hindi naman na tuluyang nakatawa si Anthony ng supalpalan ng pagkain ni Konstantinos ang bunganga niya.
"Putangina mo. Dami mong alam." Mura niya pa sabay baling ang atensyon sa pagkain niya.
Hindi naman na bago sa'kin ang gantong bardagulan nila. Tuwing nakakasama naman ako sa kanila palaging may gantong eksena.
Madalas dahil pa sa kanila kaya ako may natututunan na bagong salita na hindi ko alam na nag eexist pala. Tulad ng 'Bardagulan.' sa kanila ko lang nalaman 'yon. Maski ang iba pang pagmumura sa kanila ko natutunan.
Pero mas dahil naman sa kanila kaya na kaya kong makipag socialize. Marami naman akong natutunan at naranasan ng dahil sa kanila. Lalo na kay Ali.
"Kamusta? May naihi ba?" Tanong ni Foalan kila Darrel pag abot nito sa kanya ng susi ng kotse.
"Wala naman, nanginginig lang 'yung dalawa." Sagot ni Marcellus sabay baling sa'kin. "Hi! Bakit ka sumasama sa mga lalaki na kagaya ng mga 'to. Mapapariwara buhay mo kung di ka lalayo sa mga 'to."
Sunod sunod na kaltok sa ulo ang natanggap niya sa mga kaibigan niya kahit na ibinulong niya lang 'yon sa'kin pag upo niya sa tabi ko.
Naiilag ko pa ang sarili ko dahil baka mag kamali sila ng hampas at ulo ko ang matamaan nila. Pero halata naman sa kanila na iniiwasan talaga nilang mahampas ako.
"Tangina mo ah, ikaw nga 'tong sumisira sa buhay namin." Puro daing at mura lang din ang lumalabas sa bibig ni Marcellus habang takip takip ang ulo niya.
Hindi ko alam kung seryoso ba don si Foalan sa sinabi niya na sinisira ni Marcellus ang buhay nila. Pero ayon sa pag kakakilala ko sa kanila, biro lang siguro 'yon.
"Papadala kita sa marawi iuutos ko kay general ng don ka madistinong gago ka." Foalan threatened Marcellus.
"Hindi ko narinig pero makikihampas na rin ako." Ani ni Konstantinos bago lagapakan ng palad niya ang ulo ni Marcellus.
"Aray! Putangina ninyo!"
Kahit anong mura at pigil ni Marcellus sa mga kaibigan niya ay hindi siya nito tinatanan. Pinausog pa nga nila ako bago sila mag kumpulan don at gumawa pa talaga ng beat sa pag hampas kay Marcellus.
"Bakit ba natin siya hinahampas?" Pare pareho naman kaming natigilan at napatingin kay Anthony.
Kanina pa siya nakikihampas tapos hindi niya pala alam kung bat nila ginagawa 'yon?
Nagkanya kanyang mura at singhap naman sila. Napahilamos pa sa sarili niyang palad si Marcellus bago maangas na tumayo at pinatayan ang taas ni Anthony na nagtataka lang na nakatingin sa kanila.
Nakapamewang na si Marcellus bago humugot ng malalim na hininga sabay pagpag at ayos sa kwelyo ng polong suot ng kaibigan niya.
"Ikaw...sasakay kana sa barko sa susunod na linggo diba?" Pilit na ngiti pa ni Marcellus.
Inosente namang tumango si Anthony sa kanya.
"Mabuti naman kung ganon. Mag iingat ka don ah?" Tinapik niya pa ang ulo ni Anthony ng nakangiti. Unti unti namang nawala 'yon. "Kasi putangina mo baka hanggang sa barko ganyan ka; baka sakali naman sa barko umayos 'yang utak mo!"
"Aray ko! Aray! Aray! Ouch! Masakit puta! Tama na!" Sunod sunod na daing niya ng siya naman ang pagbabatukan ng mga kaibigan niya.
I think they always doing that to reach. Hitting and punching each other is bonding lang ata sa kanila.
Because before everytime Ali called me and he's with his friends laging murahan at sagutan ang naririnig ko sa kabilang linya. And pag naka facetime at magkakasama sila kitang kita ko kung pano nila batukan ang isa't isa.
And I think natural na talaga 'yon sa kanila. Ayon sa pag kakaalam ko since High School is magkakaibigan na sila kaya siguro sanay na silang saktan ang isa't isa.
Tinigilan din naman nila si Anthony at nag kanya kanyang bili na ng pagkain. Hindi naman na nila ako pinatayo at pinagastos para sa pagkain ko dahil sila na ang bumili at nag bayad ng pagkain ko.
Ilang beses akong tumanggi at nagpumilit na ako na lang dahil pagkain ko naman 'yon pero sila naman 'tong todo sabi ng wag na na sila na lang daw kaya sumuko na lang ako at hinayaan sila.
Natapos naman ang araw na 'yon ng maayos kahit maingay. Ilang oras din kaming tumambay don pero kahit saglit ay hindi ako nakaramdam ng pag ka bored at pag ka out of place.
Nang dumating ang oras na susunduin na namin sila Ali dahil tapos na daw sila ay nag kanya kanya silang pili kung kanino sasabay dahil iilan lang naman sa kanila ang may sasakyan.
Lumipas ang mga araw at buwan ng sobrang bilis. Sa nakalipas na mga linggo ay itinutok ni Ali ang mga oras niya sa pag tratrabaho. Kaya parang halos gabi gabi nakakatanggap ako ng apology letter galing sa kanya.
Wala naman akong naging ibang tugon na ayos lang na naiintindihan ko.
Dahil 'yon naman talaga ang totoo. Naiintindihan ko naman talaga. Hindi naman kami mag kapareho. Nagpapanggap lang naman ako na katulad lang nila ako, na kunwari hindi kilala ang pamilya ko, na kunwari wala rin ako. Pero ang totoo lahat ng 'yon ay kabaliktaran ako.
Kilala ang pamilya ko. Kasama ang pamilya ko sa listahan ng matataas ang estado sa buhay. Pero pamilya ko 'yon, hindi ako mismo. Pero kahit anong gawin ko parte parin nila ako, kasama parin ako. Meron ako, nakukuha ko lahat ng gusto ko. Kahit hindi ako mag trabaho nagkakapera ako. Buwan buwan may pumapasok na pera sa bank account.
Pero siya? Ni hindi nga ako sigurado kung nalalagyan niya pa ng pera yung bank account niya. Hindi ako sigurado kung nag tatagal ba ang perang kinikita niya sa kamay niya o nauubos rin 'yun agad dahil sa dami ng gastusin sa bahay nila.
Gusto ko. Gustong gusto ko siyang tulungan pero sa tuwing sinusubukan ko wala naman siyang ibang ginagawa kundi tanggihan ako. Kaya kahit na gusto kong ipilit ng ipilit hindi ko na lang ginagawa dahil baka ikagalit niya pa.
"Tao po..."
December four ngayon. Birthday niya at alam kong wala siya ngayon sa bahay nila dahil abala siya sa negosyong tinayo nilang mag kakaibigan. Yung milktea bar.
Nag kunwari ako kaninang umaga na wala akong naaalala na okasyon ngayong araw kaya sigurado na masama ang loob na pumasok siya sa trabaho niya ngayon.
Si Alexa naman ang nagbukas ng pinto para sa'kin. Ngumiti siya agad sa'kin at niyaya akong pumasok.
"Wala si kuya ngayon, nasa trabaho." Imporma ni Alexa sa'kin pag upo namin sa sala nila.
Nakakalat pa ang ibang gamit niya pag eskwela sa lapag at mesa. Mukhang na istorbo ko siya sa pag aaral niya.
"Oo, alam ko. Nag punta ako dito dahil sa'yo." Nangunot naman agad ang noo niya sa sinabi ko.
Kaya sinabi ko na rin sa kanya kung anong dahilan ng pag punta ko dito. Dahil parang kinabahan siya bigla.
Sumang ayon naman siya sa plano ko at agad na hinanap ang mama nila para ipaalam 'yon dahil baka daw magulat sa makita mamaya.
Maaga pa naman kaya hinayaan ko muna siya na tapusin yung ginagawa niya para wala na siyang gawin mamaya. Wala parin naman yung mga gagamitin kaya tinulungan ko siya sa ginagawa niya.
Dumating naman si Alex bigla mukhang kagagaling lang sa training o laro na mismo dahil may bitbit pa siyang duffle bag at sa kabilang kamay niya ay Stephen Curry five high cut basketball shoes.
Nag tama naman ang tingin namin at sabay na nag kangitian sa isa't isa habang nag lalakad siya palapit sa pwesto namin.
"Training or may laban ka kanina?" Hindi ko talaga napigilan na nag tanong dahil curious talaga ako.
Natigilan naman siya saglit bago huminto sa tapat namin at sagutin ako. "Training lang po."
Napatango na lang naman ako kaya duemretso siya kay Alexa at may inabot dito.
"Bigay mo kay kuya pag uwi." Sabay lapag niya ng paperbag na galing sa loob ng bag niya.
"Ako nanaman? Bakit hindi kaya ikaw mag bigay?" Hindi naman niya pinansin si Alexa at nag dere-deretsong lakad lang.
Napailing na lang si Alexa at napabuntong hininga bago itabi sa gilid niya yung binigay ng kuya niya.
Regalo siguro 'yon para sa kuya niya. Nahihiya lang ata siyang ibigay 'yon personally.
Nagulat naman ako sa biglang pagtayo ni Alexa at pagtakbo pasunod sa kuya niya.
"Nyare do—"
"Kuya! Teka! Wag mo I-chat si kuya Ali ah!"
Hindi ko alam kung bakit pero natawa ako dahil don. Kitang kita ang pagkataranta at kaba sa kilos at boses ni Alexa habang sinisigaw niya 'yon sa kuya niya.
Nag antay lang naman ako sa sala nila hanggang sa bumalik na siya. At mag simula na ulit sa ginagawa niya.
"Ahmm...ate, may delivery po sa labas." Naitigil ko naman ang pag aayos at napabaling kay Alex.
Naglakad naman ako agad palabas kaya nadaan ko pa siya. Bago siya lampasan ay nanghingi ako ng pabor.
"Pwede mo ba akong tulungan mag bitbit? Medyo marami-rami kasi 'yon."
Alex smile and nodded at me kaya sabay kaming lumabas at kumuha nung mga pagkain.
"Patong mo na lang diyan. Salamat!" Hindi naman siya nakinig at inayos na lang sa mesa yung mga pagkain na dala niya.
Hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy na lang din sa pag aayos. Habang si Alexa ay nag liligpit na mga kalat.
Parepareho naman kaming na pahugot ng hininga ng matapos sa pag aayos at pag lilinis. Ilang segundo pa kaming binalot ng katahimikan bago 'yon basagin ni Tito dahil sa pag labas niya ng kwarto at sa biglaang pag sasalita niya.
"Para ba talaga kay Sander lahat ng 'yan?"
"Oo nga, ate? Para kay kuya talaga lahat ng 'to?"
Nilingon ko naman silang mag ama ng parehong emosyonal nilang tanungin 'yon sa'kin. Dinaluhan ko naman agad si Tito.
"Uy! Hala...bat kayo na iiyak? Tito, wag kang umiyak baka mapasama pa po sa inyo."
"Buong buhay ko, ate, hindi ko pa nakikita na maghanda si kuya para sa birthday niya. Hindi na siya pinag hahandaan nila mama dahil matanda na daw siya at kapos din sa pera. Ngayon lang 'to..." Alexa's voice broke.
Hindi ko naman kung sino ang uunahin ko aluin sa kanilang tatlo dahil sabay sabay na silang nagiging emosyonal.
Wala akong nagawa kundi ngumiti ng patago habang emosyonal parin nilang pinagmamasdan at paulit ulit na binabasa ni Tito ang pangalan ng anak niya nakadikit sa pader.
Simple lang naman ang ginawa ko. Hindi ganon ka bongga dahil kami kami lang naman at tsaka baka masobrahan siya kung bonggang birthday party ang ginawa ko.
Hindi naman kami nag antay ng matagal dahil maaga na umuwi si Ali. Kasabay niya pa si Tita na pumasok sa bahay nila.
"Sinara kasi nila ng maaga yung shop, mama."
Mukhang hindi niya naman napansin ang presensya namin pag pasok niya dahil abala siya sa pakikipag usap sa mama niya.
"Anong shop ba 'yon? Sino may ari?" Nanahimik lang naman kaming tatlo at inantay na matapos silang mag usap.
"Kaming mag kakaibigan. Milktea bar 'yon, ma. Nag seserve ako don, dagdag kita na rin."
Ilang taon na siyang nag tratrabaho don pero hindi 'yon alam ng mama niya? Ngayon lang siguro siya tinanong ng mama niya.
"Ate...hindi paba tayo mag paparamdam?" Bulong ni Alexa sa tabi ko.
Sinenyasan ko lang naman siya ng sandaling oras pa at mag antay lang.
May hinihintay pa kasi akong mga tao na darating. Hindi pa naman niya napapansin na may kung ano sa dining area nila dahil nasa sala lang sila ni Tita.
"Anong ginagawa niyo dito?"
Ayon na.
Sumenyas naman agad ako kay Alexa at Alex na lumabas na. Hindi naman na namin kasama si Tito dahil pinagpahinga muna nila Alex sa kwarto.
Lumabas naman sila ng sabay pero hindi ako sumunod. Hindi 'to planado. Hindi nga alam ng mga kaibigan niya na may inihanda ako basta sabi ko lang sa kanila pauwi ng maaga si Ali at samahan sa bahay pag uwi. Pero hindi ko inakala na papaunahin nila pauwiin si Ali bago sila mag si puntahan. Naka kutob siguro sila.
"Tol! Happy birthday! Regalo nanamin yung pagsara ng maaga ng shop para sa'yo." Rinig kong bati ni Berkley.
Isa isa naman na nilang binati si Ali hanggang sa mag aya si Alexa na magpunta kung nasan ako para daw kumain.
Sinulyapan ko naman yung mga pagkain na nakahanda. Hindi naman sila nilalangaw dahil mga nakatakip pa at may sealed.
"Witwiw..."
"Kaya pala."
"Ay gago, sana ol!"
"Hi! Ahmm... Happy 22nd birthday, Love!"
Mas nagreact naman ang mga kaibigan niya kesa sa kanya na parang na estatwa sa kinatatayuan niya. Habang siya ay natulala parang mga sprem na hindi naman mapakali ang mga kaibigan niya sa likod habang nag sisigawan pa.
Tumili tili pa sila Anthony na parang kilig na kilig. Habang si Alexa ay panay ang asar at siko sa kuya niya. Si Alex naman ay pangiti ngiti lang na nakatingin sa kuya niya.
"Hoy! Salita naman diyan!" Alog pa sa kanya ni Marcellus pero wala talagang kahit anong reaksyon si Ali.
Binalot tuloy ng kaba ang katawan ko dahil baka hindi niya na gustuhan ang nagawa ko. Napayuko ako kasabay ng pagkagat ko sa ibabang labi ko.
Pano kung ayaw niya na may ganto? Baka hindi niya nagustuhan? Nagalit kaya siya?
"Uy kuya, umiiyak ka..." natigil naman lahat sa pag iingay maski si Alastair na sumisilip na sa mga pagkain ay natigilan at napalingon kay Ali.
Naiwang nakaparte ang labi ko ng bigla na lang lumakas ang paghikbi ni Ali at tinakbo ang pagitan namin at yakapin ako bigla ng maghigpit.
"H-hindi mo ba na gustuhan...?" Kabadong tanong ko.
Idinistansya niya naman ang katawan niya sa katawan ko at pinagkatitigan ako habang nakakulong ang mukha ko sa magkabilang palad niya. Patuloy naman sa agos ang luha niya.
"Ano bang klaseng tanong 'yan, mahal? Gusto ko 'to...gustong gusto ko 'to. Alam mo ba na hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nakaranas ng ganto sa sobrang tagal na non? Kung wala pang babati sa'kin hindi ko maaalala na birthday ko. Salamat..." Nanginginig ang boses na sabi niya. Lumuluha man siya pero nakikita ko sa mga mata niya ang saya at sa labi niya na hindi nawala ang ngiti kahit nag kadi utal utal na siya sa kakasalita.
Hindi ko alam na magiging ganto siya ka emosyonal. Kanina ko lang din naman nalaman na hindi niya na naranasan na mapaghandaan tuwing birthday niya.
Hindi ako nag kamali na ginawa ko 'to. Ngayon na niniwala na talaga ako sa sinasabi nila na ang mga gantong klaseng tao talaga ang pinaka makaka appreciate sa bagay na gagawin at iibigay mo sa kanila maliit man 'yon o malaki. Magarbo man 'yom o napaka simple.
"s-salamat para dito. Na appreciate ko 'to sobra. Sobrang swerte ko sa'yo. Ano bang ginawa ko sa nakaraang buhay ko para ibigay ka ng langit sa'kin?"
Nagkatawanan na lang naman kaming dalawa bago niya ako yakapin ulit at dampian ng halik sa noo sabay bulong niya ng "maraming maraming salamat, mahal ko..."
It makes my heart pump so fast na para bang may karera 'tong hinahabol.
I don't know why, but before for me I find those call sign like 'mahal' 'baby' and so on na so cringed pero ngayon kahit ano pang call sign gamitin niya it always makes me feel the butterflies—no. The whole jungle to be exact.
Parang kagaya ngayon pakiramdam ko ay nasa kagubatan ako at napapalibutan ng mga hayop dahil para silang mga hayop na kakalabas lang sa hawla kung mag sisigawan sa isa't isa at mag kagulo sa pagkain.
Nagkatinginan naman kami ni Ali at ganon na lang ang lalim ng hinugot niyang hininga na para bang namomoblema siya sa ginagawa ng mga kaibigan niya.
Pero kabaliktaran pala non ang nararamdaman niya. Dahil tulad ng mga kaibigan niya kasama na siya sa ngayon sa magulo.
Kaya ako 'tong na momoblema sa kanila dahil baka kulangin yung pagkain sa dami ng pinagkukuha nila. Ang lalakas pala nilang mag sikain.
Oorder na ba ako ulit? Wala na atang natira...?