"Hi! Sino po hanap mo ate?"
Lapit sa'kin ng isang babaeng na sa tingin ko ay highschool student pa lang dahil masyado pang bata ang mukha niya para sa'kin.
Tipid naman akong ngumiti sa kanya. Nakita niya siguro na kanina pa ako palinga linga dito sa labas ng iskinita.
"Ah...may kilala ka bang A—"
"Alexa! Hinahanap ka na ni mama! Mag asikaso kana daw, papasok kapa!" Sabay naman kaming napalingon ng batang babae na katabi ko sa lalaking nag susuot pa ng T-shirt habang sinisigawan ang kapatid niya.
Mukhang hindi niya naman napansin ang presensya ko dahil nag patuloy lang siya sa panenermon. Kapatid niya pala tong lumapit sa'kin kaya pala medyo may pagkahawig sila sa isa't isa.
"Dalian mo na...mahahigh blood nanaman 'yon sa'yo tapos sa'kin nanaman mapupunta sermon. Ano? tatayo ka lang diy—"
"Ali..." Napalingon naman siya agad sa'kin at napakurap kurap pa bago makapag react.
"K-kerley! Andito kana pala. Gago, gagi...sorry. sorry." Hindi niya naman malaman kung anong unang aayusin niya sa sarili niya kaya pinagtawanan siya ni Alexa.
"Nako...nako...siya pala yung Kerley na mommy ni Jeky ah... Umayos ka nga kuya! Nakakahiya kilos mo. Mag linis kana muna ng kamay mo sa bahay!"
"Ahh...oo tama, tama. Hugas muna kasi marumi." Tumakbo naman agad siya pabalik sa bahay nila. Muntik pa nga siyang madapa dahil sa pag mamadali.
"Ikaw pu pala si ate Kerley. Hi po! Alexa, little sister ni kuya Sander." Nakangiti niya namang nilahad ang kamay niya sa harap ko kaya agad ko na tinanggap 'yon.
"Nice to meet you. Ikaw pala yung nag aalaga kay Jeky habang nag rereview si Ali." Tumango naman siya habang hindi tinatanggal ang tingin sa mukha ko.
Na conscious tuloy ako sa itsura ko. Baka may dumi o kung ano sa mukha ko kaya ganon siya makatingin.
"Ang ganda mo ate..." Pinamulahan naman ako ng pisngi sa sinabi.
"S-salamat." Nahihiya ko pang ngiti sa kanya. Binitawan niya naman na yung kamay ko pero nakatitig parin siya sa'kin.
"Pero bakit si Kuya naging boyfriend mo?" Napapatiskuhan naman akong napatitig sa kanya pabalik.
"Hindi mo ba ako gusto para sa...kuya mo?" 'yon kasi ang dating sakin ng tanong niya.
Bigla naman siyang tumawa. "Gusto. Si kuya ang hindi ko gusto para sa'yo. Masyado kang maganda para sa tulad niya. Tara, punta na tayo sa bahay." Hinawakan niya naman ako agad sa kamay at hinatak.
Mag kapatid nga sila. Mahilig manghatak.
"Ma! Girlfriend ni kuya andito!" Nakarinig naman ako ng mga pagbukas ng pinto at bintaan. May mga yabag pa ng mga paa na halatang nagmamadali.
"Ganda ah."
"Diba iba yung dati? Edi bago na naman to?"
"Mas maganda 'to kesa don sa isa."
"Nakasungkit nanaman ang anak ni Lolita."
"Oo, iba na 'yan. Yung isa medyo pabox yung shape ng mukha diba? Tapos maarte? Eh ito iba yung hugis ng mukha e. Mas maganda siya kesa don sa nakaraan. Pang model ang katawan at mukha e."
"Rojo! Lumabas ka dito dali!"
"Bagong jowa na naman ni Sander!"
"Alexa! Bakit mo naman sinigaw habang andiyan pa kayo sa labas? Sana pumasok muna kayo diba?" Batok pa ni Ali sa kapatid niya.
Dahil kasi sa pag sigaw niya ay nag silabasan ang iba nilang kapitbahay at mukhang mga handa ng maki chismis.
"Aray ko naman kuya! Sorry na, na excite lang e." Pasiring na inialis ni Ali ang tingin sa kapatid bago agawin ang kamay ko sa kapatid niya.
Pinaupo niya naman ako agad sa sofa sa bahay nila bago siya mag paalam na hahanapin lang ang isa niya pang kapatid.
Nag karoon naman ako ng pag kakataon na ilipag yung pagkaing dala ko sa center table nila.
Bago pa siya makalabas ulit ay sinalubong siya ng mama niya.
"Ay ma, Si Kerley po." Napatayo naman ako agad at bahagyang yumuko at nag pakilala.
"Hello po, Misis. Miller. I'm Kerley Dice, po. Nice meeting you po!" Hindi naman siya sumagot o ngumiti man lang. Pinagmamasdan niya lang talaga ako kaya ng bumaba sa mga kamay ko ang tingin niya ay agad kong naitago 'yon sa likod ko dahil ramdam ko ang panginginig non.
Sinulyapan ko naman si Ali na nakatayo lang sa tabi ng Mama niya na sinusuri parin ako. Nakangisi lang ang gago.
"Bago mo?" Turo niya sa'kin kay Ali. Tumango lang naman si Ali sa kanya.
Bumalik naman agad sa'kin ang tingin niya. Bigla naman siyang nag lakad palapit sa'kin kaya mas kinabahan ako lalo na tuwing nagsasalubong ang mga mata namin.
"Bakit siya?" Natigilan naman ako sa tanong niya.
A-anong bakit ako?
"Ma..." May babalang tawag ni Ali sa nanay niya.
Hindi naman siya nito nilingon basta sinaway lang siya. "Manahimik ka. Hindi ikaw kinakausap ko." Naitikom naman ni Ali ang bibig at nag lakad na lang palapit sa'kin.
Hahawakan niya na sana ako sa kamay ng pareho kaming matigilan sa sunod na sinabi ng mama niya.
"Iha...bakit siya? Sa gandang mo 'yang bakit anak ko jinowa mo?" Naiwan naman sa ere ang kamay ni Ali.
Tatlong beses naman akong kumarap bago pilit na tumawa at ngumiti sa kanya. "Ah...parang ganyan rin ho ang ibig sabihin ng sinabi ni Alexa sa'kin kanina."
Sa gilid ng mata ko ay nakita kong umayos ng tayo si Ali at bahagyang ipinilig ang ulo habang nakamaang ang mga labi niya.
"Sa ganda mo kasing 'yan at kinis ng balat mo hindi ka lang dapat basta bastang nag jojowa ng kung sino sino sa tabi-tabi." Dagdag niya pa.
Nakurot ko naman ang sarili kong palad habang nakatago 'yon sa likuran ko para pigilan ang sarili kong sumagot. Hindi ko kasi alam kung nag bibiro ba siya o minamaliit ni si Ali sa harap ko.
Ayoko na lang na mag tanong kung ano ba 'yon para sa kanya dahil baka hindi ko lang magustuhan ang isagot niya at masagot ko rin siya.
"Oh siya... Ali ang mga kapatid mo na hanap mo na ba?" Doon lang naman humarap si Ali sa mama niya at sasagot ma sana ng may makauna sa kanya.
"Andito na kami ma. Pag reviewhin mo na si kuya. Mauna ka ng maligo kuya Alex." Sumunod naman agad si Alex kay Alexa at umalis agad don sa tabi.
Ibinalik naman ni Alexa ang tingin samin. Sandali siyang tumingin sa'kin bago sa Mama niya at nanatili kay Ali 'yon.
Napansin ko naman ang pagtitigan nilang mag kapatid. Ngumiti at tumango lang si Ali kay Alexa ng tangkang mag sasalita pa ito.
Nagbaba ng tingin at napabuntong hininga na lang si Alexa bago umalis don at magtungo kung saan.
Nagpaalam din naman ang mama niya na lalabas muna at inutusan si Ali na mag review na.
Nag aya naman si Ali na mag punta sa kwarto niya. Dinala ko naman ang isang Box ng Macarons na dala ko sa kwarto niya at iniwan ang isa doon.
Nanatili naman naka bukas ang pinto kahit na nasa loob na kami. Pinanood ko lang ang bawat kilos at galaw niya habang nakaupo sa kama niya.
"Kanina ka pa nakatingin sa'kin. Baka matunaw ako niyan." Pukaw niya sa pagmamasid ko sa kilos niya.
Naupo naman muna ako sa sapin na nilatag niya sa paligid ng maliit na mesang malapit sa kama niya bago siya deretso ulit na titigan.
Gusto kong salubungin niya ang titig ko. Gusto kong makita ang totoong nararamdaman niya. Oo at nakakapag biro at nakaka ngiti siya pero kahit na kailangan...hindi makakapag sinungaling ang mga mata niya.
"Are you okay babe?" Labas ang gilagid na ngumiti naman siya sa'kin.
Pero hindi umabot ang mga ngiti na 'yon sa mga mata niya.
"Oo naman, kung tungkol to sa sinabi ni mama kanina. Wala 'yon, nag bibiro lang 'yon." Pagsisinungaling niya.
Yung mga titig ni Alexa sa kuya niya alam ko na narinig niya lahat ng sinabi ng mama niya. At alam ko rin na alam nila hindi biro ang dating sa'min ng sinabi ng mama nila.
Minsan ko ng narinig kung paano maliitin at husgahan ng mama nila si Ali. Isang beses ng makalimutan ni Ali na patayin ang phone call bago puntahan ang mama niya.
Hindi ko alam kung san niya na iwan ang phone niya non pero malinaw lahat sa'kin. Rinig na rinig ko kung paano niya sermonan at maliitin si Ali. Pati mga kaibigan nito ay nadamay ng mama niya.
Pero yung kanina kung paano siya titigan ni Alexa at kung paano niya 'to tanguan at ngitian. Alam kong nag ka intindihan na silang dalawa agad dahil lang don. Sa mata palang ni Alexa ay alam ko na nag aalala siya sa kuya niya. At sa pag buntong hininga niya kasabay ng pag kuyom ng kamao niya alam kong nag pipigil siya.
"Wag ka ngang tumingin ng ganyan sa'kin."takip niya pa sa mata ko na agad niya rin namang tinanggal. "Okay nga lang ako. Sanay naman na ako sa mga biro ni mama. Tulungan mo na lang akong mag review."
Hinuli ko naman ang kamay niya at hinalikan ang likod non ng hindi tinatanggal ang titig sa kanya. "Mahal kita..." bulong na sabi ko.
Ngumiti naman siya at sa pagkakataon na 'to hindi niya na 'yon pinilit at kusa 'yong ginawa ng mga labi at mata niya.
Sasagot na sana siya ng biglang may magsalita sa likod namin.
"Kuya, maliligo na ako. Iwan ko na si Jeky dito." Tumango naman si Ali kay Alexa bago kunin si Jeky sa kamay nito.
Hindi naman na nagtagal ni Alexa at lumabas rin agad.
"Junior Highschool student palang si Alexa?" Hinayaan niya naman na mag lakad lakad ang pusa sa kwarto niya.
"Yes. Si Alex Senior High—Jeky! Wag ka diyan, mag kakalat ka lang ng dumi mo diyan e." Inilang hakbang niya lang ang layo nila ni Jeky para mapigilan ito sa tangkang paglusot sa ilalim ng kama niya.
"Amin na. Ako na muna hahawak sa kanya, mag review kana."
Nag umpisa naman na siyang mag basa basa kaya nanahimik kami pareho ni Jeky. Kumain na lang ako habang pinapanood siya at nakatulog naman si Jeky sa gilid ko kaya mukhang nakakapag focus naman siya.
Kalaunan ay ibinigay niya sa'kin ang reviewer niya na mga mga possible questions daw sa board. Kaya nag simula na akong mag ask.
Nasasagot naman niya ng tama halos lahat. Binibigyan ko siya ng oras para makapag isip muna. Ganon lang ang ginawa namin hanggang sa pumasok sa kwarto ang papa niya.
Hindi naman ako gaanong kinabahan sa papa niya dahil pag pasok palang nito ay ngumiti na ito sa'kin. Niyaya niya lang kami na mag tanghalian na.
Tinanong pa nga ni Ali kung kumain na ba ang mama niya. Kumain naman na daw sabi ng papa niya at nasa labas na daw ulit.
Nag tanghalian naman muna kami at nag hugas pa siya ng plato. Nag prisinta ako na ako na kaso sabi ng papa niya wag na daw dahil bisita ako.
Inantay ko lang siyang matapos bago sabay kaming bumalik sa kwarto niya at mag review na ulit.
Ibang mga questioners naman ang binigay niya sa'kin. Binasa ko naman ang iba don at binago ang pag kakatanong hindi katulad ng nakasulat doon. Syempre para mas ma challenge siya. Hindi ko rin sinunod sunod.
"Wala bang price kada tamang sagot? Nag eexpect ako..." Ali pouted.
Natatawa ko namang pinang gigilan ang pango niyang ilong. "Oo sige mamaya meron na. Kaya mag basa basa kana ulit diyan."
Sinuot niya naman ulit ang specs niya at agad na nag basa. Minsan ay pinapakagat kagat ko siya sa macarons na kinakain ko para hindi lang ako yung kumakain. Binigyan ko rin ng cat food na dala ko si Jeky par kumakain rin siya.
"Pitik pag mali, kiss pag tama."
"G!"
Unang tanong palang ay syempre tama na agad kaya hinalikan ko siya sa noo. Sunod sunod naman ang tama niya kaya sunod sunod rin ang halik ko sa kanya mukha namang ginanahan siya dahil don. Mabibilang lang kasi sa darili ang mali niya.
Kaya ng matapos kami don ay may inaral nanaman siyang isa. Parang wala siyang kapaguran kahit na kanina pa siya basa ng basa. Buti pumapasok sa isip niya 'yon lahat.
Minsan ay tinatawag siya ng papa o mama niya dahil may iuutos. Since parehong wala ang kapatid niya siya lang ang na uutusan dito.
Isa to sa dahilan kung bakit hindi rin siya nakakapag review ng maayos sa bahay nila dahil syempre kailangan niyang sunurin ang inuutos ng magulang niya.
Kaya doble doble na lang siguro ang pagod niya araw araw dahil kahit na sa labas siya mag aral may trabaho parin siyang pinapasukan, kung dito naman sa bahay, may mga gawain siyang kailangang tugunan.
Alam ko 'yon noon pa kaya kahit isang beses hindi ako nag demand sa kanya ng oras. Naiintindihan ko ang sitwasyon niya kahit na madalas gusto ko ng mag tampo pero pinipili kong wag na lang, dahil makakadagdag lang ako sa isipin at pagod niya. At ayokong mapagod siya...pati sa'kin.
Kalaunan ay inutusan niya ako na lumipat sa tabi niya. Agad naman na sumunod si Jeky sa'kin at naglalamabing na inilingkis ang ulo niya sa kamay ko. Kaya ipinatong ko na lang siya sa hita ko at hinimas himas ang ulo niya kaya nahiga naman siya agad.
Hinawakan naman ni Ali ang kabila kong kamay at inilagay rin sa ulo niya. Nakaharap naman sakin ang mukha niya ng ipatong niya ang mukha niya sa libro at ginawa itong unan.
"Ako rin...himas din." Halata ang pagod sa boses at mga mata niya kaya ginawa ko ang gusto niya.
Kaya pareho ko na ngayong pinaglalaruan ang buhok at balahibo nila. Natahimik naman kaming tatlo dahil pareho na silang nakapikit.
Bigla namang gumalaw si Ali at mas nilapit ang sarili sa'kin. Pero hindi siya na kontento don kaya ipinulupot niya na ang braso niya sa bewang ko at balikat ko na ang ginawang unan.
Natigilan naman ako sa biglaang kilos niya kaya naiwan na nakataas sa ere ang kamay ko. Kinuha niya naman 'yon at ibinalik sa buhok niya.
"Finally, pahinga ko..." Bulong niya na ikinangiti ko na lang kahit sobra sobra ang epekto non sa katawan ko.
Dahil sa pag galaw niya ay nagambala si Jeky. Nagising ito at pilit na inaakyat ang balikat ko.
"Meow..." Naawa naman ako dahil sa itsura niya kaya ako na ang kusang nag angat sa kanya.
Nang masigurong ayos na ang posisyon ni Jeky sa kabila kong balikat ay ibinalik ko ang atensyon kay Ali.
"Pagod kana?" Naramdaman ko naman ang pagtaas ng mga balahibo ko dahil sa pag Hmm niya. "Bukas na lang ba natin ituloy? May bukas pa naman..."
Hindi naman siya sumagot kaya nanahimik na lang din ako ay pinagpatuloy ang masuyong pagsuklay sa buhok niya.
Napangiti naman ako ng makalipas ang ilang minutong pananahimik ko ay naramdaman ko ang pag bigat ng hininga niya kasabay ng mahihina niyang hilik.
Pagod na nga talaga siya...
Hinayaan ko naman sila na matulog sa balikat ko kahit na medyo nangangawit na ako. Mag iisang oras na rin kaming ganon ang posisyon.
Naabutan pa nga kami ni Alexa na kakauwi lang galing eskwelahan na ganon ang eksena e.
"May kailangan kaba sa kuya mo?" I smiled.
Umiling lang naman siya bago tahimik na nag lakad palapit sa'min. Kinuha niya naman si Jeky sa kabilang balikat ko at inihiga ito sa hita niya bago bumaling sa'kin.
"Tulog siya?" Tumango naman ako. "Hindi kapa nangangawit ate?"
"Ngawit na. Pero okay lang, hayaan na lang muna natin na matulog siya." Tinignan niya naman ang kuya niya na mukhang mahimbing ng natutulog at napabuntong hininga na lang.
"Isang araw na lang...exam niya na. May tiwala naman ako na papasa siya, Na magiging License Engineer na siya at mag kakaroon ng magandang trabaho sa kompanyang nag aabang sa kanya. Pero madalas, ate...hindi ko mapigilan na mapaisip kung pagkatapos ba non hindi na siya mamaliitin ni mama o mababawasan man lang ba?
"Wala atang araw na lilipas na hindi siya susumbatan, mamaliitin, sesermonan, huhusgahan at sasabihan ng walang kwenta ni mama." Naitigil ko naman ang ginagawa kong pag haplos sa buhok ni Ali dahil sa sinasabi ng kapatid niya.
So, lahat ng 'yon naranasan niya sa mama niya. Does his mom even think how can those words and treatments could affect her son's mentality?
"Simula nung maka-graduate si kuya, tapos andito siya sa bahay palagi na lang na bago ako pumasok sinesermonan siya hanggang pag uwi ko ganon parin naaabutan ko." Ibinaling niya ang tingin sa'kin at tipid na ngumiti bago mag patuloy.
"Kaya minsan mas gusto ko na lang na nasa labas si kuya. Doon na lang siya sa bestie niya makireview o sa milktea bar nila. Kaso tuwing uuwi naman siya palagi siyang pagod dahil imbis na magreview nag trabaho siya para may maidagdag sa sahod niya. Pagod na nga pag uwi niya maaabutan niya pang nag aaway sila mama o kaya galit si mama kay papa at sa kanya naibubuntong yung galit." May awa naman akong nakita sa mga mata nita habang nakatingin siya sa kuya niyang natutulog parin.
Nangingiti naman na siyang tumingin sa'kin at sa kuya niya.
"Ngayon ko lang naabutan na tulog si kuya pag uwi ko. Ngayon ko lang siya nakitang nagpapahinga sa gantong oras. Thankyou ate ah..."
"For what?"
"Sa pagdating mo sa buhay ng kuya ko. Hindi siya dating ganyan sa mga past relationships niya e. Isa pa yung mga babae na 'yon nakakapag dagdag lang sa problema niya. Imbis na makapag pahinga siya sa mga oras na libre siya tatawag pa mga dati niyang jowa noon para puntahan sila ni kuya. Tapos pagkapunta doon mag aaway lang naman sila." Nagtataray pa na kwento niya.
Ilang beses siguro siyang umiring kada banggit niya sa mga nangyari sa kuya at mga ex nito.
Pero pagtingin niya ulit sa'kin ay nakangiti na siya ulit.
"Pero ikaw...nakikita kong di ka ganon. Kasi ilang beses ko ng naabutan si kuya na pinipilit na mag punta sa'yo pero alam kong di ka pumayag kasi natulog siya agad sa kwarto niya e. Tapos isang beses pumayag kana diba? Tuwang tuwa si kuya non. Yung pagod na nakikita ko sa mukha niya non nawala, sumigla siya non kahit na halata parin naman na gusto na ng katawan niya ng pahinga.
"Pipigilan ko pa nga sana siya at pipilitin na lang na matulog sa kwarto niya at wag na umalis kaso sinagot niya lang ako ng 'sa pupuntahan ko, andon ang pahinga ko.' kaya hinayaan ko na lang siya. Mukha nga lang nasobrahan sa pahinga dahil hindi umuwi."
Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa paraan ng pagkakasabi niya sa na andon ang pahinga ni Ali. Alam ko naman na ako 'yon pero yung pagkakasabi niya kasi nangangasar na may inggit.
"Bakit may inggit? Naiinggit kaba na merong homie ang kuya mo?" Hindi ko na napigilan na mag tanong dahil kitang kita ki talaga sa mata niya 'yon.
Tumawa naman siya bago sumagot.
"May pahinga naman ako ate. May tahanan din akong matatawag... Si kuya. Siya ang pahinga namin ni kuya Alex. Tuwing andiyan si kuya naayos lahat, gumagaan lahat. Matatawag ko rin na siya ang tahanan namin ni Kuya Alex at hindi ang bahay na 'to kasi...mula sa salitang 'tahanan' andon din ang salitang 'tahan'. Sa tuwing may problema andiyan si kuya para sa'min. Tuwing malungkot kami at pagod na andiyan siya.
"Tanda ko pa nung umiiyak si Kuya Alex kasi niloko siya ng girlfriend niya, andon si Kuya Ali kahit na kinabukasan exam niya na binantayan niya parin si kuya. Sinamahan niya si Kuya Alex sa kwarto hanggang sa tumigil sa kakaiyak at makatulog. Ganon din siya sa'kin nung nag away kami ni mama, umiyak ako kasi nasagot ko si mama. Andon siya yakap niya lang ako sa kwarto ko hanggang sa tumahan ako, hanggang pagtulog ko andon siya." Napangiti naman akong buming kay Ali dahil ganong klaseng kuya pala siya.
Handa siyang magpuyat kahit na may exam kinabukasan masamahan lang ang kapatid niya. Para lang iparamdam dito na hindi sila nag iisa at andiyan siya para sa kanila.
How I wish na may kapatid din akong kagaya mo...
Eh kung gawin na lang kaya kitang kuya at wag na boyfriend noh?
Nangiwi naman ako sa isipin na 'yon. Siguradong hindi niya 'yun magugustuhan.
Natigilan naman ako sa sunod na sinabi ni Alexa.
"Naiinggit lang ako kasi ikaw yung pahinga niya hindi ako. Hindi kami."
Titignan ko sana siya ng maramdaman ko ang pagpisil ni Ali sa kamay ko.
Narinig niya... siguradong narinig niya.
Kailan pa siya gising? Kanina paba?
Hahawakan ko sana ang mukha ni Ali para iangat at masilip kung gising na siya pero natigilan lang ulit ako dahil sa pagsasalita ni Alexa.
"Minsan...tinatanong ko 'yung sarili ko. Andiyan si kuya para sa'min palagi pero...kami...andoon ba kami palagi sa para sa kanya? Andoon ba kami tuwing kailangan niya ng makakausap? Isa lang naman isinasagot ng sarili ko sa'kin...wala kami don. Wala kami don tuwing nahihirapan siya. Wala kami don tuwing umiiyak siya..." Gusto ko naman siyang patigilin sa pagsasalita nung una pero kalaunan sa tingin ko dapat lang na mailabas niya 'yon. At marinig ng kuya niya ang nararamdaman niya.
Nakaiwas ang tingin na nanginginig na kumuyom ang kamao niya pero kahit na tinatago niya sa'kin ang mukha niya alam kong nagpipigil lang siya na wag umiyak sa harapan ko. Ayaw niya lang ipakita sa'kin ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.
"Wala kami tuwing napapagod na siya, tuwing gusto niya ng sumuko. Ni isang beses wala pang problema si kuya na sinasabi niya sa'min. Lagi niyang sinasabi sa'kin na okay lang siya, na ayos lang lahat. Pero alam kong hindi." A bitter smile crept in her tremble lips before she looked down in her hands and continue talking again.
"Mabuti pa nga yung mga kaibigan niya alam kung anong nararamdaman niya. Alam nila kung anong dinadala ni kuya pero ako? Ako na mismong kapatid niya...wala akong alam dahil ayaw naman ni kuyang mag sabi sa'kin. Nakakasama ng loob kasi feeling ko wala siyang tiwa—"
"Hindi. Hindi 'yon ganon..." Mabilis pa sa alas kwatro na napalingon kami sa katabi ko na nakaayos na ng tayo ngayon at seryosong nakatingin sa kapatid niya.
"K-kuya..." Nagkatinginan pa kami bago sabay na nag iwas ng tingin sa isa't isa.
"Wag mong iisipin na wala akong tiwala sa'yo dahil hindi 'yon ganon. Hindi 'yon magiging ganon. " Buntong hininga niya pa na para bang naiinis siya sa iniisip ng kapatid niya.
Bumuka buka naman ang bibig ni Alexa. Sumusubok na mag salita pero walang lumalabas na kahit na anong salita sa bibig niya kaya itinikom niya na lang 'yon.
Naiusog ko naman ang sarili ko para hindi makaharang sa kanilang dalawa dahil pinaggigitnaan nila ako.
"Marami kana ring dinadala. Alam ni kuya 'yon kahit hindi mo sabihin. Kaya..." deretso niyang tinitigan ang kapatid na may nagbabadya nanamang mga luha sa mga mata. "Bakit ko pa dadagdagan diba? Kaya ko naman e. Ayoko lang na dumagdag pa sa isipin mo, Alexa. Bata kapa masyado para magdala ng sangkatutak na isipin. Nag aaral pa kayo pareho ni Alex, marami pa kayong kailangang unahin kesa sa mga dinadala ko kaya hindi ako nag sasabi sa inyo. Pero kayo pwedeng pwede kayo mag sabi kay kuya kahit kailan niyo gusto."
Sumunggab naman agad ng yakap si Alexa sa kuya niya habang umiiyak na. Hindi niya na napigilan e.
Nakangiti ko lang naman silang pinanood na mag kapatid. Nasisiyahan sa nakikita dahil ang ganda ng samahang meron sila. Hindi tulad ng sa'min ang ate ko na parehong malayo ang loob namin sa isa't isa.
'Hindi kana welcome...'
Mariin ko namang naipikit at napilig ang ulo ko para waksiin 'yon sa isipan ko.
"Tumahan ka na nga. Kung makaiyak naman 'to!"
"Eh ikaw kasi! Lagi na lang kami inuuna mo. Bakit puro kami? May sarili ka naman na dapat alagaan at alalahanin pero kami parin lagi. Napakaselfless mo kuya. Naiinis ako sa'yo!" Napaigtad naman si Ali sa sakit ng paghampas ni Alexa sa likod niya.
Natatawa niyang sinuklay ang buhok ng kapatid niyang nakayakap parin sa kanya at umiiyak sa balikat niya.
"Basta...wag mong iisipin na nagiging pabigat ka sa'kin. Wag mong iisipin na nakakadagdag lang ng problema ko yung problema mo. Kuya mo ko...ang laban mo ay laban ko rin." Mas lumakas naman ang pag iyak ni Alexa habang tumatango tangonsa kuya niya.
Nagkatinginan naman kami ni Ali at sabay na nginitian ang isat isa.
Kalaunan habang tumatahan na si Alexa ay tinatalian naman ni Ali ang buhok nitong unat na medyo makapal na mahaba dahil na bwi-bwusit daw siya sa itsura ng buhok nito.
"Nag hapunan ka na ba?" Umiling lang si Alexa habang nag pupunas ng mukha. "Ayusin mo na 'yang mukha mo, magluluto lang ako. Iwan ko muna kayo." Humalik pa siya sa'kin sa noo bago umalis ng kwarto niya.
"Tahan ka na diyan..." Alo ko kay Alexa dahil sinisinok sinok pa siya.
Namumugto ang mata na humarap siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. "Ate...kakapalan ko mukha ko ah..."
Tinignan ko lang naman siya at nag antay ng sasabihin niya.
"Wag mo po sanang hahayaan si kuya na mag isa tuwing nahihirapan at napapagod na siya. Sana intindihin mo siya kahit na napaka komplikado niya na."
"Kahit hindi mo sabihin...Kahit hindi mo hilingin, gagawin ko."