12

3292 Words
Maingay at mailaw na lugar ang nabugaran ko. Nasa loob palang ng tricycle kanina ay natatanaw ko na'yon. Kita ko na ang mga ilaw na 'yon. Pero ngayon na nasa entrance na kami nito ay hindi ko maiwasang mapangiwi dahil sa dami ng tao. Maingay at parang nag sisiksikan na sila sa loob. Dito palang sa labas ay marami ng tao at nag sisikain dahil maraming food stalls dito. Puro sigawan, tawanan at tilian naman ang maririnig mo sa loob dahil sa mga nag sisigawan habang nasa rides. Mukhang enjoyable naman ang mga rides dito. Kahit na nag sisigawan na sa takot yung iba. Lalo na doon sa rides na tinatawag nilang octopus. Puro bata at mga nag lalabingan na mag jowa naman ang natanaw ko sa carousel. Cute ng mga kabayo! "Gusto mo bang kumain muna?" Agad naman akong umiling kay Ali. "Kung sasakay tayo sa mga rides na 'yan pagtapos kumain, wag na lang. Sumakay na lang tayo agad." Natatawa naman siyang tumango tango sa'kin bago ako hawakan sa kamay at hatakin papasok. "Hawak ka lang. Baka mawala ka dito." Kusa niya namang isinabit sa braso niya ang kamay ko para roon ako humawak. Naglakad lakad naman kami muna sa loob. Nanood ng mga naglalaro sa mga card games at arcades. Sumubok din naman kami ni Ali don sa game na dapat sa pagbato namin ng piso ay don sa pinaka gitna lalanding. Bawat kahon ay may nakasulat na premyo. Halimbawa na lang nung medyo may kalakihang box na may nakasulat na 'Chips'. May iba na maliit lang yung box at 'sorry' ang nakasulat. Ilang beses na bumagsak sa sorry ang mga pisong binabato ko. Nag aya naman na akong umalis dahil ang hirap naman kasing makuha nung jackpot. At kanina pa ko pinag tatawanan ni Ali dahil nauubos lang daw yung barya namin sa wala. Kaya lumipat naman kami don sa color game. Habang nag aantay na huminto ang picker machine ng kulay ay tahimik ko hinihiling na sana kulay ng nilagyan ko ng pusta ang mahintuan non. "Oo nga pala..." Saglit niya naman akong tinignan at agad din 'yon binalik sa harapan namin. "Anong lugar to?" "Antipolo nga." Sagot niya. "Oo antipolo nga to. Itong mismong lugar kung nasan tayo, anong tawag nila dito?" Paglilinaw ko dahil alam ko naman na nasa Antipolo nga namin. "Ah...Ynares tawag nila dito. Parang peryahan 'to ganon." Nilabas ko naman agad ang phone ko at tinext kay Cath kung nasan kami dahil kanina pa 'yon nag tatanong kung nasan na daw ako. Agad ko rin naman 'yong ibinalik sa tot bag na dala ni Ali. Maski sling bag na dala ko ay andon sa tot bag niya. Siya naman ang may gusto non para maiwasan daw namin na manakawan. Marami ata siyang tot bag. Kasi ilang beses ko na siyang nakita na yun ang bag na gamit pero iba iba ang style at design kaya ko nasabi na marami. May tot bag rin naman ako pero ginagamit ko lang kung babagay ba siya sa outfit ko. Pero siya bagay naman sa sinusuot niya yung mga bag na dinadala niya. Tulad ngayon. Naka oversized shirt and trouser siya na pinarteran niya ng white airmax niya with his Tot bag. May mga accessories pa siyang suot like necklace, glasses and watch na bumagay sa kanya. Simple lang siyang manamit pero malakas ang dating. Minsan napagkakamalan pa siyang korean lalo na pag nakaface mask pa siya. Tuwang tuwa naman siya pag ganon. Tulad ngayon... "Nice one kuyang korean! Do you understand tagalog ba?" Muntik na kong matawa kay kuya na pinagkamalang koryano tong kasama ko at pinipilit niya talaga na mag english. "Hindi siya korean, kuya. Kaya naiintindihan ka niya." Kinurot naman ako agad ni Ali sa tagiliran kaya pinanlakihan ko siya ng mata. "Bakit mo naman sinabi? Dinadama ko pa e." Bulong niya habang pinalalakihan rin ako ng mata at sabay baling kay manong at ngiti. Natatawa ko na lang siyang inantay dahil kinukuha niya pa yung napalanunan niya kahit sabi niya ay wag na. Gusto ng umalis agad don kasi nakaramdam daw siya ng kahihiyan. "Oh pretzel mo! Eat well." Isinuot niya tuloy ulit yung face mask niya at yuyuko yukong naglakad paalis don habang hawak ang kamay ko. "Can you please stop laughing at me, babe?" Tinikom ko naman ang bibig ko para sundin siya pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Sumama naman ang tingin niya sa'kin. "Okay. Okay. Hihinto na. Ikaw naman kasi, nakakatawa talaga kung paano tumaas yung confident mo tuwing napagkakamalan kang korean tapos pag nalaman na nila na hindi pala lagapak ka. Yung pag ka dismaya sa mukha mo nag tatagal." Tatawa tawang sabi ko. Bumuntong hininga lang naman siya at hinayaan akong tumawa. "If you happy on that, then bahala kang kabagin kakatawa." Nag aya naman siyang sumakay don sa Caterpillar Rides. Well, I expect na medyo mabagal bagal lang 'yon dahil caterpillar nga pero mali pala ako. Sinunod naman namin yung Horror Boot nila. Natatawa naman ako sa tuwing umaarte siyang hindi nagugulat sa bawat pang gugulat samin sa loob pero yung balikat niya ay angat ng angat sa gulat at humihigpit ang hawak niya sa kamay ko sa tuwing namamatay yung mga ilaw. Dahan dahan namang bumagal yung takbo ng sinasakyan namin kaya pareho kaming nakahinga ng maluwag dahil tapos na. Bumukas na rin ang mga ilaw kaya akala namin ay tapos na pero hindi agad huminto yung sinasakyan namin. Doon ako nakaramdam ng kakaiba. "AHHHHHH?!" "WAAAAH!?" "AY PUTANGINA MO!?" "HOY GAGO!?" "MAAAAAMAAAA!?" "MOOOOMMY!?" Napayakap naman kami sa isa't isa dahil sa gulat sa biglang pagkamatay ng ilaw at may kumapit pa bigla sa paa ko. Pati ang mga kasabayan namin ay napasigaw sa gulat at takot. Sabi ko na nga ba hindi pa tapos to e!! Tubig ang agad na hinanap namin ni Ali paglabas doon, pareho ata kaming natuyuan ng laway kakasigaw sa gulat e. Nakailang hugot pa kami ng hininga bago magkatinginan at matawa. "Grabe 'yon...akala ko talaga tapos na." "Nag hinala na talaga ako na may mangyayari pa o baka may problema lang pero di ko talaga ineexpect yung biglaang pag patay nila sa ilaw tapos may kakapit pa sa paa mo, sa iba nga may mga yumakap pa." Tatawa tawa naman siyang tumango bago humugot ulit ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili bago ako yayain sa next and last ride na itratry namin. "Kaya mo ba 'yan, Kerley? Baka nasa pila palang umatras kana?" Napangiwi naman ako sa kanya dahil mukhang ganon nga ang mangyayari. "Ikaw kaya mo?" Taas noo naman siyang ngumisi sa'kin. "Ako pa? Ilang beses na 'kong sumakay diyan kaya...kaya ko na 'yan. Sanay na ako diyan. Tignan mo sisigaw ako ng nakataas pa dalawang kamay. Ikaw lang naman tong inaalala ko na baka lantang gulay na na bumaba diyan." Tumingin na lang ako sa rides na 'yon na humugot ng malalim na hininga. Pilit na pinapatapang ang sarili kahit ramdam ko na ang panginginig ng tuhod ko. Habang nasa pila ay nag uusap lang kami about sa kakainin namin pag katapos. Marami pa namang pwedeng itry dito kaso baka anong oras na kami makauwi at pareho pa kaming hanapin sa kanya kanya naming bahay kaya tatlo lang daw muna sa ngayon, babalik na lang daw kami sa susunod para yung iba naman ang masubukan. Kinakabahan ko namang inihakbang papasok ang mga paa ko at naupo sa loob. Habang sinesecure ni kuya yung lock o kung ano mang tawag nila don ay tahimik na akong nag dadasal. Kanina ay ilang tao ang nakita kong hilo hilong bumaba sa rides na to. May iba pa na tumumba at nag suka. May marinig pa ako na nag sisigaw ng dasal. Meron pa na isinisigaw din na ayaw niya pa daw mamatay at mahal niya pa ang buhay niya. Tatawa tawa lang ako kanina sa kanila pero ngayon maski ako ay natatakot na para sa buhay ko. Napabaling naman ako kay Ali na nag sa sign of the cross na ngayon habang nakapikit sabay kapit ng mahigpit sa bakal na nakaharang sa mga katawan namin. Ayan pala yung sanay na ah? Ito na...yung octopus ride na sinasabi nilang literal na iikot ang mundo mo. Nagsimula naman ng umikot yung rides, medyo chill pa siya kaya wala pa kong nararamdaman. Pero ilang segundo palang ang lumilipas ay nag umpisa ng umikot ang mismong kinauupuan namin kasabay ng pag-ikot ng mga masasabi kong galamay ng octopus. Napatili naman ako ng pagkalakas lakas ng biglang bumilis ang takbo at ikot nito. Ganon rin ang katabi ko na ang higpit na ng pag kakakapit sa bakla. Natatawa naman akong sumigaw dahil sa itusra't mga sinasabi niya. "Lord! Lord! Ayoko na! Ayoko na! Promise, mamahalin ko pa po lalo buhay ko!? Promise!? Promise!? Ayoko pa pong mamatay! Lord! Ihinto niyo na 'to please! Susumbong ko kayo sa bestie ko!? Ayoko naaaaaaaaaa!" Hindi daw siya sisigaw pero halos siya nga tong mas maingay pa kesa sa'kin. At ni hindi niya nga ma iangat ni isa sa kamay niya. Halos pagapang na siyang naglakad pababa. Nakahawak naman ako sa ulo ko na nag lakad palabas don. Hindi na ulit ako sasakay don... Kinuha ko agad ang tubig na nasa Tot bag ni Ali at inimon 'yon at sumandal muna sandali sa bakal na nakita ko sa malapit. Mahina naman akong natawa ng makita si Ali na gegewang gewang at patumba tumba na naglalakad palapit sa'kin. Umayos naman ako ng tayo at inalalayan siyang maupo sa lupa kahit na marumi. Wala rin naman siyang pake. "Oh tubig..." Inagaw niya naman agad 'yon sa kamay ko at inubos ang laman non. "Ano ka diyan ah? Lantang gulay pala ako na baba don ah? Tssk...tssk..." Kumuha naman ako ng panyo sa sling bag ko at pinunasan ang pawis niya bago suklayin ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. "Ayos ka na ba? Kaya mo na bang tumayo?" Pangangamusta ko agad sa kanya pagkadilat ng mga mata niya. Simula kasi pag- upo niya ay nakapikit na siya. Hinayaan ko naman siya dahil baka 'yun yung way niya para mawala ang hilong nararamdaman niya. Tumango naman siya at agad na tumayo. Kumain naman kami agad. Tapos ay nag aya na akong umuwi. He looks exhausted na kasi. Kaso habang inaantay si Ali sa tapat ng isang stall ay may nakabangga pa sa'kin. Halatang nag mamadali ito pero nasalo niya pa ang phone ko bago iyon tuluyang mahulog. "Pasensya na..." Hindi niya naman na akong inantay na sumagot at malalaki ang hakbang na naglakad. Yung boses na 'yon...medyo familiar pero hindi ko lang matandaan kung saan ko na rinig. "Sino 'yon?" Pareho naman kaming nakatingin sa dereksyon na dinaanan nung babae. "Ewan ko rin e." Pagkikibit balikat ko pa at niyaya na siyang umalis. Pumara naman ako ng tricycle at agad siyang pinasakay. Pero since di ko naman alam kung saan dapat mag punta kaya siya parin ang nag sabi kung san kami ibababa. "Ginagawa mo?" He look busy kasi sa phone niya. Nagtataka lang naman ako kasi bigla siyang natahimik at tutok na tutok lang sa phone niya. "Basta. Malalaman mo mamaya." Hinayaan ko na lang siya at itinutok na lang ang antensyon sa langit. Maraming bituin ngayon at maliwanag rin ang buwan. Mas lalo akong napasaya at napakalma non. Isa na 'to sa pinaka masaya at naenjoy kong araw. Sana hindi ito ang huli. "Last na sakay na 'to?" Tumango naman siya at inayos ang pagkakabitbit sa Tot bag niya. "Last mo na pero ako hindi pa. Isang jeep pa ulit tapos dalawang tricycle." Inalalayan niya naman akong sumakay. Ayun nanaman siya sa paghawak sa bewang at ulo ko. Nang makaupo sa tabi ko ay nilagay niya sa harapan niya ang bag at tsaka muling pinatong ang braso sa hita ko bago kumapit sa bakal. May lalaki namang na ngongolekta ng bayad. Bago pa man makalapit 'yon sa'min ay kinuha ko na ang wallet ko at nag prisintang ako na ang magbabayad. Hindi naman nag tagal ang byahe dahil hindi naman traffic. Bago makarating sa babaan ng pasahero ay kinuha ko na sa kanya ang mga gamit ko. "Ihahatid naman kita muna hanggang sa inyo e." "Wag na. Hanggang diyan na lang sa babaan tapos dumeretso sakay kana ulit. Malapit na lang naman don yung bahay e. Ikaw malayo pa, tatlong sakay kapa ulit." Labag naman sa loob na tumango siya. Kaya pag kahinto ng jeep ay bumaba kami agad. "I-text mo ko kapag nasa bahay kana, ingat ka pa uwi." Bilin ko sa kanya bago siya yakapin at halikan. "Kita na lang ulit tayo sa susunod." Ngiti ko pa. Humalik naman siya muna ulit bago sumakay sa Jeep. Inantay ko lang na mapuno 'yon at umalis bago ako tuluyang umuwi. Kumaway naman ako sa kanya ng ianunsyo nung lalaki na aalis na. Bago matulog ay nakatanggap ako ng mensahe galing sa kanya na ligtas siyang nakauwi. Lumipas ang mga araw na hindi kami nag kikita. Hinayaan ko siyang mag focus sa pagrereview niya. Hindi ko naman alam kung kailan talaga ang schedule ng board exam nila pero alam kong kailangan niya ng ituon ang buong atensyon niya don para hindi naman siya gaanong mahirapan sa exam. Tumatawag naman siya palagi tuwing bago siya matulog. Ina update niya rin ako kung may pupuntahan siyang library. O kung sino ang kasama niyang mag review. Okay na sakin yun, yung nag a-update siya kesa naman sa wala diba? From: My Ali 1:53 PM I'm with my bestie again. Nag re-review lang din siya for board exam. And she's a girl but don't be jealous, okay? We're just reviewing, that's all. I miss you, love. Well, ilang beses niya na atang nasabi sa'kin na kasama niyang mag review yung girl na 'yon. At yun din pala dapat yung kikitain namin sa antipolo nung nakaraan. Siya yung malutong mag mura. I don't feel jealous naman, pero minsan may inggit. Kasi syempre nakakasama niya si Ali mag review, while me I'm just with this f*****g b***h na broken hearted na naman. "Can you imagine that Kerley? I thought he's cheating on me, but he was cheating with me. Damn it! I'm so bobo para hindi maisip na pamilyado na siya, e lagi siyang nang hihingi sa'kin ng pera at kakausapin at mag papakita lang siya sa'kin pag kailangan niya ng pera. Kerley, ang tanga ko ba?" Hindi ko alam kung maawa o tatawanan ko siya kahit na may namumuo ng luha sa mga mata niya. "To be honest...yes. Hindi na dapat tinatanong 'yon, dapat alam mo na sa sarili mo na ganon ka nga. But well, it's not your f-" "Waaaaaaaaah!? Huhuhuhuhu! Tanga talaga ako? But my mommy said I'm genius daw? Pero para sayo tanga ako..." Bigla naman siyang umatungal at tumutulo na ang sipon niya na yumakap sa'kin. "Ang ibig sabihin ng mommy don ay matalino ka sa acad pero sa Love? Tanga ka don." Mas umiyak naman siya kaya wala na akong ibang sinabi at hinagod ko na lang ang likod niya. "Break down now, pokpok ulit bukas." "Kerley!" Natatawa ko na lang siyang iniwan don at nagtungo sa kusina para mag luto ng hapunan naming dalawa. Hindi nga ako nag kamali. Pagka gising na pag kagising ko kaninang umaga ay naka- recieve ako ng text galing kay Cath. May kikitain daw siya, ka blind date niya. See? Break down, break down kapa, eh alam naman nating dalawa na kinabukasan lalandi kana ulit. Ang babaeng walang kasawaan... To: My Ali 11:03 AM Punta lang ako mall. Bored e. Study well, My Future Engineer! Hindi ko naman na inantay na mag reply siya kaya umalis na ako agad. Nabasa ko lang ang reply niya pagbaba ko ng kotse. Nag ikot ikot lang naman ako muna sa mall. Hindi ko kasi alam kung anong gusto kong bilhin kaya naisipan ko na mag lunch muna. Pagtapos mag lunch ay nag ikot ikot na ulit ako. Nag punta ako sa depatment store na nakita ko. Nagtingin tingin sa mga damit, sapatos, bags at alahas na nakita ko. Pero wala talaga akong magustuhan kaya nag ikot pa ako ulit hanggang sa makarating ako sa Man's apparel. Doon lang ako nakakita ng gusto kong bilhin. Isa 'yong sweater na siguradong babagay kay Ali. Mahilig siya sa ganto, at kahit mainit ay nag susuot siya ng ganto minsan. Wala e ganon ang style niya. Dalawa naman ang kinuha ko para sa'kin ang isa. Pero bago pa makapunta sa counter para makapag bayad ay may isa pang bagay na nakaagaw ng atensyon ko at nag paalala sa kanya sa'kin. Wala ng pagdadalawang isip na kinuha ko 'yon at binayaran. [Hey, My LOML! How's your weekend?] Tawag niya ng isang gabi pagtapos niyang magsabi na nakauwi na siya at gusto niyang marinig ang boses ko. "Fine. Ano yung LOML?" kuryosong tanong ko. Alam ko namang another endearment niya 'yon sa'kin pero anong meaning non? [Love Of My Life.] Napatango naman ako kahit na wala siya sa harapan ko. [Oo nga pala, I call kasi may gusto akong sabihin sa'yo.] "Oh...okay. Ano 'yon?" Bumangon naman ako mula sa pag kakahiga at naupo sa dulo ng kama ko habang nasa labas ng veranda ko ang paningin. It's been a week since the last time na nakapag usap kami ng matagal. Tumatawag siya gabi gabi pero hindi kami nag kakaroon ng oras na makapag kwentuhan or makapag rant sa isa't isa dahil nakakatulog siya agad sa pagod. [So...the exam will be on Wednesday, this week. Pero pakiramdam ko love hindi pa 'ko ready. Feeling ko kulang pa yung review ko, feeling ko may kulang pa e. Wag kaya muna akong mag take? Natatakot kasi ako baka...ma- disappoint ko lang si mama. Kung next exam na lang kaya para may time pa ako para mag review ulit at maihanda ang sarili ko? Sa susunod na la-] "Love...it's now or never." Saad ko nakapag patigil sa kanya sa pagsasalita. "You're ready for it. Almost two or three months ka ng nag rereview. Don't be scared na ma di- disappoint mo si mama mo, trust yourself please? Kung feeling mo talaga kulang kapa sa review then tomorrow and after tomorrow mag review ka ulit. Or if you want...I can help you. Just like before, mag review tayo ng sabay kahit hindi naman ako mag tetake ng boards." [You sure? Gusto mong samahan akong mag review tomorrow and then next day?] "Yes I'm sure. Want me to come there tomorrow for your review or ikaw na ang pupunta dito?" [You? Which one you prefer?] Napaisip naman ako kung ako ang pupunta sa kanila o siya ang pupunta dito. In our past meet ups lagi na lang na siya ang pumupunta dito. Siya ang laging byumabyahe. Diba dapat ako naman? Tsaka namimiss ko na rin si Jeky. Antagal na since ng last na nakita ko siya. Makita ko naman siya sa pictures lang an sinesend ni Ali sa'kin. Busy kasi ang daddy niya para madala siya sa'kin. "Ako na. Ako na lang pupunta diyan. Just send me your address. Mag papahatid na lang ako sa Best friend ko." [You sure?] Paninigurado niya pa. "I want to see jeky na rin kasi in person." [Okay. Send ko sa'yo address.] Doon naman natapos ang phone call namin. Nag paalam rin siya agad na mag papahinga na dahil inaantok na daw siya. Ganon rin naman ako. So tomorrow pupunta ako sa kanila. Ngayon ko lang na isip na makikita ko roon ang mama at papa niya. I just hope na sana maging smooth lang ang araw na 'yon para sa'ming lahat. Should i prepare my clothes now since I think bukas na rin ay ipapakilala na ako ng Ali sa pamilya niya. Fuck s**t! Hindi pa ako ready!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD