11

4192 Words
'...kaya sana sa tuwing sinasabi ko na pupuntahan kita, wag mo na sana ulit ako tanggihan at pilitin na mag pahinga na lang sa bahay kesa makita ka. Ikaw yung pahinga ko, mahal. Kaya sa tuwing napapagod ako gusto ko laging naririnig ang boses mo at ganto...gusto ko maramdaman ang yakap mo.' Matunog akong napabuntong hininga ng pumasok nanaman sa isip ko yung mga sinabi niya. Sa mga nalaman at narinig ko sa kanya nung gabing 'yon hanggang ngayon ay nag papaulit ulit sa isipan ko. Ngayon alam ko na kung bakit lagi siyang nag pupumilit na puntahan ako kahit na pagod na siya. Ako ang pahinga niya. Ang yakap ko ang napapagaan ng loob niya... Bakit hindi ko na isip 'yon noon? Palagi pa naman naming pinag aawayan yun sa tuwing nag pupumilit siya. Ilang beses pa siyang nag tampo sakin non. Tanga ko naman! "Kanina kapa buntong ng buntong hininga diyan. Kambing ka ba?" Catheriena uttered. Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya at kinausap siya tungkol sa ibang bagay. "Pusa..." Tawag ko sa kanya dahil abala siya sa pakikipag chat kung kanino nanaman sa phone niya. She just hmed to me. "It is possible na pwede mo palang maging pahinga ang isang tao kahit na hindi naman siya kama na mahihigaan at kumot na mag paparamdaman sa kanya ng init na kailangan ng katawan niya?" I asked. That's what my Ali told me that night e. Na ako daw ang pahinga niya. Gusto ko sana na sa kanya itanong to dahil wala naman akong alam sa mga romantic poetic thoughts. Kung yun man ang tawag don. "Well...yeah. Minsan nga pwede kapang maging tahanan nila. You know that a home will make you feel the comfortness that you need. Makakapag pahinga ka dito. Magiging masaya ka sa loob ng bahay mo. At syempre mararamdaman mo na di ka nag iisa. You can be someone Homie if when they embrace you and make them feel the comfort, the peacefulness and happiness." "So... I can be his home..." Napapatango tangong bulong ko sa sarili ko. Napangiti naman ako sa isipin na iyon. It's possible pala. Well...after all, love is really make people weird. "Yes. You can be his homie noh? Ano kaba!? Ganyan kaba talaga ka inosente sa mga ganyang bagay? You reading romantic novels naman ah!? Dapat you have a idea na about that e." "Well...ayon sa 'paniniwala ko' mag kaiba ang nasa nobela at sa totoong buhay. I don't want to base in novel about love noh or my perspective about those things. "And again, This was my first ever relationship. Kahit kailan hindi ako nag ka crush kahit kanino. I don't why. Alam mo naman 'yon. Basta, ewan ko kung bakit ganon kabilis kay Ali." "Ganon talaga pag pinana ni kupido. Love at first sight ba 'yan, ha?" Tinutusok tusok ang tagiliran ko na asar niya. "Ano ba! Tigil nga!" Tumigil naman siya pero nang aasar parin ang tingin niya sa'kin. "Ewan ko kung love at first sight to. E nung una naman kaming nag kita badtrip ako sa kanya kasi inapakan niya sapatos ko." "Ayos na meet up 'yon ah? Naapakan lang ang sapatos, nag ka jowa kana. Tapos graduated pa ng Bachelor of science Major in Civil Engineering. Ay, bongga! Ako kaya kailan kaya ako makakahanap ng engineer ko?" Nangangarap na aniya with beautiful eyes pa habang nakatingala at magkasiklop ang mga kamay. Sisirain ko pa sana ang pangangarap niya ng biglang tumunog yung phone ko nasa side table. Taka ko namang sinagot 'yung tawag mula kay manang na kasambahay sa mansyon. "Yes po? Napatawag po k—" [Ma'am! Pwede puba kayo mag punta dito agad? Si sir po kasi, baka po mapagbuhatan niya nanaman po ng kamay ang ate niyo.]Ramdam ko ang pangamba at pag aalala sa boses niya. "Teka teka, you mean nag aaway si Dad at a—" [Sapphire I said Enough!?] Dumaungdong ang malakas na sigaw ni daddy sa kabilang linya dahilan para mapatayo ako agad at mapatakbo sa sala para kunin ang susi ng kotse ko bago patayan ng tawag si manang. Nagmamadali kong pinaandar ang sasakyan ko. Sinubukan kong tawagan si Mom para alamin kung nasan siya at hinahayaan niya lang na pagbuhatan ng kamay ni Daddy si Ate Sapphire. Pero wala man lang sumagot! "Tangina!" Mura ko kasabay ng pagdiin ko ng apak sa gas para paharurutin tong sasakyan ko. Ilang sasakyan rin ang na over takekan ko. Tanging pagsigaw na lang ng 'Sorry' ang nagawa ko. Wala namang sumalubong sakin pag pasok ko ng gate. Pero wala akong pake don ngayon. Dumerederetso pasok ako sa bahay dahil napupuno na ng mga tanong ang isip ko. At mas lumalakas na ang kabog ng puso ko sa kaba. "Kanina pa Sapphire!? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wag kang mangealam sa mga desisyon namin, Huh!?" Isang napakalutong na sampal ang ibinigay niya kay ate dahilan para matumba 'to sa kinatatayuan niya habang nakahawak sa pisngi niyang tinamaan ng palad ni Dad. "DADDY!?" Pasigaw na tawag ko sa kanya. Halata namang nagulat siya sa biglang pagdating ko pero agad ring sumama ang tingin niya sa'kin. "Kausapin mo yang ate mo na tumigil na sa kakapigil sakin. Baka hindi lang 'yan ang magawa ko sa kanya." Muli niya pang tinapunan ng masamang tingin si ate bago siya tuluyang umalis ng bahay. Hindi ko naman siya inintindi at agad na dinaluhan sa Ate. "ate, come on. Tayo na diyan." Hinawakan ko naman siya sa braso para tulungang tumayo at maiupo siya sa sofa bago mang hingi ng tubig ka manang. "Here...drink this first." Ininom niya naman 'yon bago punasan ang mga luha niya. Tumingin naman siya sa'kin bago mapahilamos sa sarili niyang mga kamay. Bago walang sabi sabi akong tinalikuran at nilampasan. So that's it? Yun lang ba ang inipunta ko dito? Ang makitang sampalin siya ng ama namin at pareho nila akong layasan basta. "Sino nag papunta sayo dito?" Malamig ang boses na tanong niya. Sasagot na sana ako ng magsalita siya ulit dahilan para matigilan ako. "Hindi bale. Sa susunod kahit sinong tumawag sayo mula sa pamamahay na 'to, wag na wag ka ng pupunta. Kahit ano pang dahilan non, kahit sila mom pa ang magpatawag sa'yo. Wag kang pupunta. Dahil...hindi kana welcome sa pamamahay na 'to." Nanlamig naman ang buong katawan ko sa narinig ko. Parang may mga matutulis na bagay na tumurutok sa puso ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Para akong tinotorture ng mga salita niya. 'Hindi kana welcome sa pamamahay na 'to...' Kahit kailan naman ay hindi ko na naramdaman na welcome ako sa bahay na 'to pero bakit masakit parin na marinig sa mismo kong kapatid na hindi na nga talaga? Hindi ko naman na gustong mag punta dito. Dahil sa tuwing nag pupunta ako wala namang nangyayaring maganda. Pero bakit ganto ang epekto sa'kin ng mga sinabi niya na noon pa man ay tinanggap ko na? Dahil ba nag eexpect parin ako na kahit si Ate na lang maintindihan ako dahil pareho lang naman kami dinanas sa mga magulang namin? Nag expect nga ba talaga ako sa kanya? Naikuyom ko na lang ang kamao kasabay ng pagpikit ko dahil sa paglandas ng luha sa mata ko. Dahan dahan naman akong humugot ng hininga at walang sabi sabi at lingon lingon na nilisan ang bahay na 'yon. Maybe...just maybe nag expect nga talaga ako. Pero bakit? Anong pinang hahawakan ko para mag expect sa kanya? May nagawa ba siya para mag expect ako sa kanya? Meron... When she buys me a condo unit. Ang inisip ko non ay siguron gusto niya rin na wala ako sa bahay namin dahil nung sinamahan niya kong mag lipat ay sinabi niyang masaya siya dahil kahit papano ay malayo sakin sila Mommy. Pero totoo nga bang masaya siya non at 'yon ang dahilan? Siguro nga ay nakalayo ako sa kontrol ng mga magulang ko. Siguro nga naging malaya ako. Siguro nga sumaya ako. Siguro nga nagustuhan ko ang mapag isa. Pero hindi naman 'yon ang gusto ko. Buo kami pero bakit parang ang layo namin sa isa't isa? Tuwing nakakakita ako ng buo ang pamilya at masaya sila hindi ko maiwasang mainggit. Hindi ko maiwasang kwestyunin ang sarili ko kung bakit kami hindi naging ganon? Bakit kami na kumpleto ay hindi man lang magawang kumain ng sabay sabay ng hapunan? Bakit yung ibang hindi buo ang pamilya ay nagiging masaya pa rin? Bakit kami na may pera, magandang bahay, masasarap na pag kain, magagarang sasakyan at kumpleto pero hindi ko nakita ang saya na nakita ko sa iba? Sa bawat araw at gabi na lumilipas na wala man lang ako natatanggap na pangangamusta mula sa mga magulang ko, unti unti ako nung dinudurog. Unti unti akong na uubos sa bawat gabi na puro katanungan tungkol sa pamilyang meron ako ang nagpapanatili sakin ng gising. Bakit ganto? Bakit kailangang maging ganto? My mom and dad being strict to us. Bakit kailangan nilang maging mahigpit ng ganon? Bakita nila kailangan kontrolin ang buhay namin ni ate? Nakakasakal na. Puro nalang gusto nila ang dapat masusunod dahil 'yun daw ang tama, 'yun daw ang dapat. Pano naging tama ang pag trato nila samin na para kaming mga robot? Ang pag kontrol nila sa mga gagawin, desisyon at buhay namin. Kahit kailan hindi magiging tama ang bagay na nakakasakal. Na nakakasakit. Na nakakaubos. Na nakaka durog. Kung hindi na ko welcome sa bahay na 'yan. Edi mabuti. "Hey! Umiyak ka? Namumugto mata mo. Wag kang mag sinungaling sa 'kin. Anong nangyari?" Agad akong hinataka papasok ni Cath sa bahay ko at sapilitang inupo sa sofa. "I'm not welcome anymore in their house, cath." Sarkatisko pang tawa ko kahit ramdam ko nanaman ang pamumuo ng luha sa mga mata ko kasabay ng pag bigat muli ng puso ko. "What!? Why?!" Gulantang saad niya. "I-I don't know. Can we just stop talking about this? I need to go somewhere. Maybe let's talk again another time." Tumayo naman ako agad at nag lakad papasok sa kwarto ko para makaligo at makaalis na agad. Hindi naman siya tumugon pero ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya sa'kin. "Please, tell me the exact place when you already arrived there. So that pag di mo sinagot ang mga phone calls ko, alam ko kung san kapupuntahan, okay?" Natigil naman ako sa balak ng pag bukas ko ng pinto ng bigla siyang nag bilin. "Yes, 'mom' i will." I emphasized. Umiling nalang naman siya bago ibalik ang atensyon sa binabasa niya. "Hi, bebeloves ko! Andito kana. Akala ko di ka pupunta e." Napangiwi na lang ako sa kanya dahil iba nanaman ang tawag niya sa 'kin ngayon. Kada araw ata ay paiba iba ang tawag niya sa'kin. Ngayon mukhang bebeloves ang nasa schedule niya. "Saan ba tayo pupunta? Baka di tugma sa place yung suot ko." Hinawakan niya naman muna ang kamay ko at inalalayan akong sumakay sa jeep na kakahinto lang sa tapat namin bago sumagot. Nang makaupo na kami ng maayos sa loob ng jeep ay don lang siya sumagot. "may kikitain lang tayo ngayon." "Sino? Ikaw ah! Baka ibebenta mo ko sa sindikato!" Mahina naman siyang natawa sa sinabi ko pero agad ding tumigil at seryoso ng tumingin sa'kin. Kinabahan naman ako sa tingin na 'yon. "Oo, ibebenta kita." Pinanlakihan ko naman siya ng mata kasabay ng pag palo ko sa braso niya. "Ali ah!?" Tumawa na lang naman siya bago ipatong ang braso niya sa hita ko at ikapit ang kabila niyang kamay sa kapitan sa taas. Since linggo ngayon ay di naman kami natagalan sa byahe. Lumipat pa kami sa isa pang jeep na mag hahatid na raw samin sa simbahan. Dahil hindi naman ako ganon ka sanay byumahe lalo na kung sa jeep nakasakay ay nararamadaman ko na ang pag kahilo kaya naisandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya para makaidlip. "Nahihilo ka?" Isang beses naman akong tumango. May kinuha naman siyang kung ano sa bulsa niya at binuksan na 'yon bago itapat sa labi ko at pangangahin ako. "Open your mouth." Nakapikit ko namang ginawa 'yon. Nalasahan ko naman ang kung anong candy sa bunganga ko, kasabay ng pagsuklay niya sa buhok ko gamit ang mga daliri niya. Nanatili naman kami sa ganong posisyon hanggang sa maramdaman ko ang pag tigil ng jeep at bahagyang pag yugyog niya sa balikat ko. "Dito na tayo." Imporma niya sa'kin bago ako paunahing patayuin at palakarin pababa ng jeep. Sa tuwing nasakay kami ng jeep o bus ay ganon ang ginagawa niya. Lagi niya akong pinapauna at nasa likuran ko lang siya habang hawak niya ang mag kabilang bewang ko. Madalas ay maski ulo ko ay hinahawakan niya. Nang tanungin ko siya kung bakit niya ginagawa 'yon at para saan ang sagot niya lang ay baka daw kasi habang nakayukod ako pababa ng sasakyan ay matyempuhan na bastos ang nasa likuran ko at mahipuan ako. At kaya niya daw hinahawakan ang ulo ko ay para di ako mauntog sa bubong. And for me it's sweet. yes, maybe it's just a simple gesture but for me sobra sobra 'yon. "Anong lugar to?" Tanong ko ng pareho na kaming nakababa at nag lalakad na palapit sa simbahan. Malaki iyon at kulay puti ang kulay ng exterior. May mga hagdan ka munang aakyatin bago makapasok. Pero napagandang simbahan nito. "Nasa a Antipolo tayo. Ayan, yang simbahan na 'yan..." Turo niya pa. "Antipolo Cathedral tawag nila diyan. Mag sisimba muna tayo, bago natin puntahan yung pinaka balak natin dito." Ali smiled before holding my hand again. Pagpasok ay syempre may lalagyan ng holy water nabubungad sayo. Kaya lunapit kami don at nagsawsaw ng mga daliri tapos ay nag sign of the cross bago tuluyang mag lakad papunta sa mga upuan. Hindi naman kalayuan sa harapan ang inupuan namin. Ibinaba ni Ali yung luhuran na nakakabit sa likod ng upuang nasa harapan namin at pareho kaming lumuhod 'don at nag dasal. Nauna akong natapos kaya natitigan ko pa siya habang nagdadasal. Ano kaya ang mga bagay na hinihiling at pinagpapasalamat mo sa kanya? Dumilat naman siya at muling nag sign of the cross bago bumaling sa'kin at ngumiti kasabay ng pagsiklop niya sa mga daliri namin at muling binaling ang tingin sa harapan. Sa altar. "Heal her, papa god. Protect the girl I love." Napakagat naman ako sa labi ko para pigilan ang pag ngiti pero kahit na anong pigil ko ay napangiti pa rin ako. Hinihiling niya na mag heal ako kahit na siya tong araw araw na nagkakasugat. Tumingin din naman ako sa cross at pinakatitigan ang nakapako roon. 'God, please heal him too. Protect him too. I don't know if he even prayed for himself because he was the most selflessman that i know but i hope he prayed for himself. If hindi po, ako na lang po ang magdadasal para pa sa kanya. I'm not perfect, I did a mistake but i hope mapagbigyan niyo po ako. Give him strength, courage, bravery and love that he deserve. That's all I want for him,papa god...' "Anong iniisip mo?" Pisil niya pa sa kamay kong hawak niya. "Nothing. I just wish something to him." "Ano naman hiniling mo?" Agad naman akong umiling sa kanya. "Secret. And No, I don't want to tell you. Baka di matupad." Tumawa na lang siya bago ako halikan sa noo. "This was the first time that we go to church together right?" He asked after the long silent. "Yes. First church date natin!" I uttered wity so much happiness. "Yeah...I bring you here because I just want to give you this..." May nilabas naman siyang maliit na velvet color box mula sa bulsa niya at nilahad 'yon sa harapan ko. Hindi ko naman alam ang magiging reaction. I'm not expecting na ring 'yon for proposal ah! Kasi medyo pa rectangle yung shape. But I just stare at it and at him. Feeling the whole jungle in my stomach. "Ali..." May mga bagay na tumatakbo sa isipan ko. May mga gusto akong sabihin pero tanging pangalan niya lang ang nabanggit ko. "Para sa bebe ko na napaka understanding, you deserve this necklace. Hindi lang naman ito ang deserve mo. Deserve mo lahat ng magagandang bagay sa mundo. Tignan mo ko magandang lalaki ako kaya nga deserve mo ako e..." Napa make face naman ako dahil umatake nanaman ang kahanginan niya. Tumawa naman siya bago mag patuloy. "So...ibibigay ko to sayo kasi nung nakita ko to ikaw agad na isip ko. Yes, maybe this was just a simple necklace fo—" "No. Hindi yan basta simple lang. Napaka gara niyan para sa'kin. I don't care if kung magkano o san gawa 'yan as long as sa'yo galing at para sa'kin talaga 'yan hindi 'yan basta simpleng kwintas lang." Napakamot naman siya sa ulo niya habang pangisi ngisi. "Ano ba yan...pinutol mo naman yung speech ko e! Ikaw dapat kikiligin e, hindi ako. Yawa, ka." Nakangusong reklamo niya. Hinalikan ko naman 'yung labi niya. At nginitian siya. "Isuot mo na lang kasi sa'kin yan. Dami mo pang sinasabi e." Tumalikod naman ako agad sa kanya at sinuot niya rin naman sa'kin 'yon. Nakangiti ko namang hinawakan at pinagmasdan ang pendant ng kwintas na 'yon. Isa iyong singsing. Hindi ako sigurado kung kakasya ba 'yon sa'kin kung susuotin ko pero mas bagay siyang maging pendant ng kwintas ko. "Nagustuhan mo ba?" Tanong niya habang inaalalagay ang mga takas kong buhok sa likod ng tainga ko. "Sobra. San mo binili to?" Ang totoo niyan ay marami na kong kwintas na nakita, nabili at nagamit pero ngayon lang ako nakakita ng gantong klase ng kwintas. Kakaiba kasi ang lace non at lalo na yung pendant na sing sing wala akong matandaan na may nakita na kong gantong design. "Hindi ko 'yan binili. Galing 'yan ka papa. Binigay niya sa'kin nung nag eighteen ako. Sabi niya ibigay ko lang daw 'yan sa babaeng gusto kong...mapangasawa." mabagal na pagkakasabi niya. Natigilan naman ako at napatitig sa kanya dahil sa huling katagang lumabas sa bibig niya. M-mapangasawa? "Sinakto ko talagang dalhin ka dito at ibigay 'yan sa'yo ngayon. Gusto mo bang malaman kung gaano kita kamahal?" "Gaano?" Deretso at mariin niya namang tinitigan ang mga mata ko. "Nangako ako sa diyos kanina na pakakasalan kita balang araw. Kapag tama na ang panahon. Kapag kaya na natin." Bigla naman akong naging emosyonal na tumitig pabalik sa kanya. Paanong ang mga salitang 'yon ay nagiging pundasyon ko para hindi na matakot na ipagpatuloy 'to...na mag patuloy sa pag sugal? Ito naba ang dapat kong panghawakan para lubusan ng mag tiwala sa lalaki na 'to na ngako daw sa diyos napakakasalan ako? Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang mga sinabi niya. Hindi ko alam kung kailangan ko bang kumapit sa pangakong hindi niya mismo sa 'kin binitawan kundi sa diyos. Ang alam ko lang sa ngayon ay napatunayan ko lang lalo sa sarili ko na totoo ngang nahulog na ko sa lalaking ito. Napakalalim ng pag kahulog ko, hindi na ko sigurado kung paano pa ko makakaahon oras na matapos to... "Sa simbahan na ito ako nangako na kung sino man ang unang babaeng madadala ko dito bukod sa mga kapatid ko, nanay ko at kaibigan ko, ay siyang pakakasalan ko. Maaaring marami na kong pangakong hindi natupad pero wala pa kong pinapangako sa diyos na hindi ko pinaninindigan. Pero wag kang ma pressure ah? Hindi pa naman ngayon 'yon. Promise ring lang yang nasa pendant mo, hindi pa 'yan engagement ring." Tawa niya pa. Halos kapusin ako ng hininga sa bawat salita na nagmumula sa labi niya. Hindi ito ang unang pagkakataon na naramdaman ko to sa kanya. Alam ko nung una palang, nung sinundan niya pa lang ako sa sunrise garden noon naramdaman ko na to, ang kapusin ng hininga pero dati ay dahil lang 'yon sa boses na meron siya. Pareho naman kaming natahimik ng hindi ako nakasagot. Ilang beses kong sinubukang mag salita pero tanging pag buka lang ng bibig ang nagagawa ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. Maski ang sari saring emosyon na nararamdaman ko ay hindi ko na mapangalanan. "Hindi mo kailangang sumagot. Gusto ko lang sabihin lahat ng 'yon sa'yo." Wika niya ng mapansin niya na siguro na kanina ko pa talaga sinusubukan na sumagot sa mga sinabi niya. Sensirong at punong punon ng pasasalamat at pagmamahal na lang akong ngumiti sa kanya bago siya yakapin. Gusto kong mag pasalamat sa kanya sa pag paparamdaman sa'kin ng gantong kasiyahan. Hinigpitan ko na lang lalo ang yakap ko sa kanya hanggang sa maramdaman ko na lang din ang mga braso niyang nakayakap na rin sa katawan ko. "Mahal kita...mahal na mahal kita...sobra." sa sobrang dami at halo halong emosyon ang nararamdaman ko at bagay na pumapasok sa isip ko tanging ang 'mahal kita. Mahal na mahal kita, sobra' langwika i wika ko. "Mas mahal kita noh! Hindi ako mag papatalo." Kinurot ko na lang siya likod tapos ay pareho kaming natawa. Hindi naman na kami nag tagal roon at nag aya na siyang mag punta sa dapat talagang pupuntahan namin. Ilan beses ko siyang tinanong bago kami sumakay sa tricycle pero puro 'basta' lang ang sinasagot niya. Kaya hinayaan ko na lang siya na dalhin ako kung saan man. Ganon naman siya palagi, laging nang gugulat. Ako naman tong si gaga pahatak lang ng pahatak sa kanya kung saan niya 'ko gusto dalhin. "Iba ang tricycle dito at sa manila diba?" Tumango naman siya sa'kin. "Oo, mas mataas to at mas open kaya pasok talaga ang hangin. May pantali ka ng buhok?" Tumango naman ako at pinakita 'yon sa kanya. Kinuha niya naman 'yon at inutusan ako na tumagilid ng onti sa kanya. He gonna pony my hair? "Marunong ka?" Naniniguradong tanong ko. "Hmm-mmm... Lagi ko tong ginagawa sa bruha kong kapatid nung baby ko pa siya. Kaso ngayon ayaw na niyang maging baby ko kasi malaki na daw siya. Kaya ikaw na lang baby ko ngayon." Natawa na lang ako sa kanya at hinayaam siyang talian ang buhok ko. Well, ang ayos non. Mas maayos pa siyang mag tali ng buhok kesa sakin. Sanay na sanay. Low ban with a style lang naman yung ginawa niya but it's so pretty in my eyes. Huminto naman ang sinasakyan naming tricycle sa tapat ng isang medyo may kalawakan na bakuran. Maraming halaman, iba't iba ang klase. May apat na bahay rin doon na hindi nag kakalayo layo ang pwesto. Pumasok naman kami sa gate kahit na walang nag sasabi na pwede kaming pumasok. At dumeretso lakad papunta sa pinaka dulong bahay. Pero hindi paman kami nakakalapit roon ay may sigawan na kaming narinig kaya pareho kaming tumigil sa pag lalakad. "Excuse me?! Sino kaba teh, para pag sabihan ako ng ganyan?! Eh sanay naman na 'yang lalaki na 'yan na pinagpapalit s'ya diba?! Sarili niya ngang ina ginawa 'yon sa kanila?! Paano pa kaya ang ib—" Pasmado ang mouth ni ate girl na 'yon ah? Insensitive yarn? "Eh putangina mo pala e!? Alam mo na palang naranasan niya na sa sariling ina niya tapos inulit mo pa?! Hindi mo ba alam yung trauma?! Pagkakamali na nga ng nanay nila 'yon sa kanila tapos ginaya mo pa?! Ano to normalize pagiging malandi?!" Ramdam ko ang galit at gigil ng babaeng sumagot non sa kaaway niya. "Mukhang wrong timing ata tayo..." Mabagal at dahan dahan naman akong napatango tango sa sinabi ni Ali. "Alis na muna tayo?" Hinawakan niya naman agad ako sa kamay at pinangko paalis sa lugar na'yon. Bago pa man makahakbang ng wala pa sa limang beses ay narinig ko nanaman ang boses ng gigil na babae. "Bobo kaba?! Ay hindi gago, bakit paba ako nag tatanong e halata naman?! Ang tanga mo, pinaglihi kaba sa munggo?! Utak munggo ka kasing puta ka!?" Nagkatinginan pa kami ni Ali bago malalaki ang hakbang na umalis sa lugar na 'yon. "Wow...ang lulutong non ah?" Natatawa namang tinapik ni Ali ang ulo ko. "HAHAHA! wag mong gagayahin 'yung mga 'yon ah? Pag nagalit ka, wag kang maninigaw. Kausapin mo lang ng mahinahon ah? Lalo na kapag tayo yung nag uusap tapos galit ka sakin." Parang masunurin na bata naman akong tumango tango sa kanya. "Very good!" "Tara! May plan B ako! Para di naman masayang punta natin dito at medyo maaga aga pa naman. Punta na lang tayo sa masayang lugar." Tinignan ko lang naman siya habang nag sasalita siya at ngayon ay pumapara na ng tricycle. Nang huminto ay pinasakay niya ako agad. Pano niya kaya nasabing maaga aga pa e sa kanina palang pagpunta namin sa lugar na 'to e papalubog na ang araw at padilim na nga ngayon. Baliw. "San tayo pupunta?" Tanong ko ng umandar na ang sinasakyan namin at wala man lang siyang sinabi kung san kami ibababa. "Diyan lang sa ynares." Sabay sandal niya ng ulo niya sa balikat ko. Hindi naman na ako nag tanong at nag antay na lang na makarating kung san man 'yon. Sigurado naman na masasagot ang tanong ko pag punta doon kung anong klaseng lugar 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD