10

3302 Words
"Hello, love..." Mabilis akong napalingon sa gate ng marinig ang boses na 'yon na simula unang araw ay naging musika na ng aking tainga. Kusang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko na namataan ko siya. I removed my kitchen apron and gave it immediately to Luna who already have a mocking smirk in her lips. "Hi..." he showed me his sweet smile. "Tired on serving here?" I nod. "Come..." he opened his arms for me. Wanting me to embrace him. "Wanna go home now?" malambing na pagkakatanong niya at mahigpit akong niyakap habang idinikit ko naman ang pisngi ko sa dibdib niya. I look straight in his eyes. "I'm already in my home, love." I smiled. When I'm with him it always giving me the peace of mind that I wanted, long time ago. Sa tuwing yakap niya ko ay doon ko lang nararamdaman ang totoong pahinga, na maski sarili kong kama ay hindi na naipaparanas sa akin. Mabilis niya namang binaon ang mukha niya sa leeg ko. Ganto siya sa tuwing kinikilig siya. Parang ayaw niya palaging may makakakita non, kaya mas pipiliin niyang yumakap sakin at itago ang mukha sa leeg ko. "So...when you are in my arms you feel like you are at home?" tumango naman ako habang nakayakap parin sa kanya. Umayos naman siya ng tayo at malalim na tumitig sa mga mata ko. "Well, then...I, your home, will embrace you tightly." "Luh, ang sweet. Nawa'y lahat." rinig kong komento ni Luna sa likod namin bago siya dumaing. "Aray ko naman, kuya!? Kanina kapa ah!?" "Anong nawa'y lahat? Gusto mo maging nawa'y matahimik na ang kaluluwa mo habang buhay?" maangas na tanong ng kuya niya sa kanya bago siya nito utusan na mag umpisa na sa pag huhugas. Pareho na lang kaming natawa ni Ali sa bangayan ng magkapatid na 'yon na kahit mag kalayo na sila ay nag sisigawan parin sila ng sagutan nilang dalawa. "I think ikaw tong pagod na." naghihikad parin na bumaling siya sa akin at nag kusot pa ng mata bago ngumiti sa akin. "Yeah, I'm tired. There's so many things that I have to do. But it's okay, I can do it naman yun lahat mamaya pag uwi. Let's go! San mo gusto mag punta?" nagpalilinga sa kalsada na tanong niya. Halata sa mga mata niya na gusto na nitong pumikit para matulog pero pilit niya 'yong minumulat sa tuwing nag babanta ito sa pag pikit. I think he really over working his self. He need sleep and rest now. Parang may eyebags na siya na may kaunting mata. "Sunod ka sakin may pupuntahan tayo." utos ko at nag simula ng maglakad. "Pwede naman tayong sabay na mag punta don. Bat pa kita susundan?" nilahad ko agad sa harap niya ang kamay ko dahil alam ko naman kung ano ang pinahihiwatig niya don. Pinagsiklop niya naman agad ang mga daliri namin habang may ngiti sa mga labi niya. Napangiti na lang din akong napailing ng parang batang nakuha ang gusto ang itsura niya ngayon. Puyat nga lang. Nakailang hikab siya bago kami makapunta sa destinasyon namin. Nakailang kusot na rin siya sa mga mata niya at sinasampal niya na rin ang sarili niya para lang hindi tuluyang makatulog. Hinatak ko agad siya papasok sa elevator at agad na pinindot ang floor number. "San ba tayo pupunta?" inaantok na talaga na tanong niya. Nakasandal at nakatingala pa siya habang hawak parin ang kamay ko na kahit anong kusot niya sa mata niya at sampal sa sarili ay hindi niya man lang binitawan. Hindi ako sumagot at nag antay na lang na huminto ang sinasakyan namin. Nag pahatak na lang siya sakin ng kusa at di na nag tanong kung san ko siya dadalhin. Ni hindi na nga siya nag salita at puro pag hikab at pag punas na lang sa luhang namumuo sa mata niya sa kada hikab na nagagawa niya ang inatupag niya hanggang sa makapasok na kami sa condo unit ko. "Kanino to? Halatang babae nakatira dito. Ano gagawin natin dito? Love, don't tell me...mag nanakaw tayo dito ah? Jusko, wag na!? Alam kong nag hihirap kami at nangangailangan pero di pa pumasok sa isip ko na maging akyat bahay noh?! Hoy, love? Nakikinig ka b-" "pasok. Matulog kana muna, mamaya na tayo mag usap tungkol sa mga pinag sasabi mong walang katuturan." putol ko sa mga prediction niya na non-sense bago siya pagbuksan ng pinto sa kwarto ko at itulak papasok. "Ha? Bakit ako matutulog dito? Hindi, ayoko noh?! Andito nga ako para makasama ka tas papatulugin mo naman ako?" hindi ko pinansin lahat ng pag rereklamo niya at pilit na lang siyang hinatak at tinulak hanggang sa bumagsak siya sa kama ko. "Tulog na. Wag matigas ang ulo at wag na puro reklamo. Mag pahinga kana lang diyan." he just pouted his lips on me while looking at me like a lost puppy. "Just sleep, okay?" Wala naman na siyang nagawa kundi ang tumango at umayos ng hinga sa kama at pumikit. Nanatili lang ako roon hanggang sa mapansin ko ang paglalim ng hininga niya at mahihina niyang hilik. Pagod na pagod na talaga siguro siya sa kakatrabaho, kakareview at pag aasikaso sa pangangailangan ng pamilya niya. Sabi niya natutulog naman daw siya pero hindi ako sigurado kung nag kakaroon ba siya ng sapat na tulog. Sa bawat araw na lumilipas ay umiikot lang ang buhay niya sa pag rereview, trabaho at pamilya. Swerte pa kung mag kaoras siya para sumama sa mga kaibigan niya kung sa akin nga ay halos tatlong beses sa isang buwan na lang kami mag kita. Pero never akong nagreklamo tungkol don. Dahil ako tong sa tuwing sinasabi niya na pupuntahan niya ako ay tumatanggi ako at sinasabi sa kanya na kesa puntahan ako ay matulog at magpahinga na lang siya. Mas mapapagod lang siya kung pupunta pa siya sa akin at byabyahe papunta at pauwi. Nakontento ako sa mga tawag, chats at video call namin sa mga nakalipas na linggo dahil para sa akin mas mahalaga ang makapag pahinga siya kesa sa pagkikita namin ng personal. "How dare you to asked me if i'm tired of serving in ate norma's carinderia, kung ikaw ito tong nagseserve araw araw para sa ibang tao at sa pamilya mo?" You're so selfless, love and I can't hate you for being one. "I know someday...you going to achieved your dreams. Keep going, love. All this hardwork will be worth it in the end. I believe in you, sabay nating lalampasan lahat ng to." I whisper while brushing his hair using my fingers, gently. I kiss his forehead before I decided to go outside. I need to check something that I think that will help him. "hey...you awake" ilang oras pa lang ang nakakalipas simula ng makatulog siya ay nagising siya agad. Nag kukusot ng mata na tumingin at ngumiti siya sa'kin. "Ang bango kasi, kumalam sikmura ko. Ikaw na luto?" Nangunot naman ang noo ko sa tanong niya. "Ako nagluto pero hindi ako yung naluto." "Ah...akala ko ikaw yung naluto, masarap kasi." May pilyong ngiti sa labi na sabi niya. Naiiling ko na lang siya nilapitan at hindi niya inaasahang pipingutin ko siya. "Paka-gago mo!" Mura ko sa kanya habang dumadaing siya sa sakit. Binitawan ko rin naman ang tainga niya. Niyaya niya naman na akong lumabas at magtungo na sa kusina para kumain. He's hungry, huh? "Here! Come on, eat up!" Wika ko pagkalatag ko ng pagkain sa hapag kainan. Masaya naman siyang nag simulang kumain. Kahit na halatang inaantok pa ay magana parin siyang kumain. Tahimik lang naman kaming kumain. Pasulyap sulyap lang ako sa kanya, normal na namag tama ang tingin namin at sa tuwing nangyayari 'yon ay ngumingiti lang ito sa'kin. Magkasama kaming nag husga ng plato. Siya ang taga sabon at ako ang taga banlaw at taga punas. "Oo nga pala, kaninong condo unit nga to?" Nililibot ang paningin sa kusina na tanong ni Ali sa'kin. Natigilan naman ako pero hindi ko iyon pinahalata. Tipid ang ngiting humarap ako sa kanya. "Ate buy this for us, but she moved out. Yeah...ate, buy this..." Parang pati ako ay di naniniwala sa sinasabi ko. Pero, ate really buy this but...just for me. Tumango na lang si Ali sakin bago mag patuloy sa ginagawa kaya kahit papano ay kumalma ako dahil akala ko mag tatanong pa siya ng mag tatanong. Nagyaya muna siyang tumambay sa beranda kaya pumayag ako kahit na sabi ko ay umuwi na siya o matulog na lang ulit. "Anong oras ka uuwi? Baka abutin ka ng hating gabi, mapupuyat ka na naman..." May pag aalalang tanong ko sa kanya ng makaupo na kami. "Ewan. Parang ayoko na nga lang umuwi, kase alam ko na hindi naman pag rereview ang magagawa ko doon. Kundi ang makinig lang...makinig lang sa mga reklamo at sermon ng nanay ko." Tawa niya pa.  Biglang siyang nag papatutog ng kanta. Pareho kaming tahimik na pinagmamasdan ang buwan at mga bituin kasabay ng musikang tanging namamagitang ingay sa aming dalawa. Kulang pa yata'ng 24 oras sa 'kin. Sa mga problema kong mas marami pa sa mga bituin... Ayoko namang magpatalo, pero ba't parang ubos na ubos na ako? Ang sabi mo, "Dito ka lang sa 'kin magpahinga muna, lalabanan din mga dambuhalang 'di maubos na problema Malapit na, pero 'di rin kasalanang magpahinga" Hindi ako sigurado sa problemang dala dala niya pero habang tumatagal, sa bawat kwento niya napapagtagpi-tagpi ko na lahat. Pero mas gusto ko pa rin na siya mismo ang mag kwento. "Hey..." Tawag ko sa kaniya at tinapik ang balikat ko para ipatong niya ang ulo niya don. "Just like what ben&ben said...hindi rin kasalanang mag pahinga." I brushed his hair softly while he just playing with my free hand fingers. "I know that you already tired in everything pe-" "I'm not. Hindi pa ko pagod sa lahat. Hindi pa ko pagod sayo. Hinding hindi ako mapapagod sayo. Pagod na ko sa lahat pero hindi sayo." Sabi niya na dahilan para matigil ako sa pag sasalita. "Pero...palagi mo sanang tatandaan na sa tuwing naiisip mo na sumuko dahil pagod kana, magpahinga ka lang. Magpahinga ka sakin. Wag kang bibitaw. kung mag karoon ka man ng dahilan para gawin 'yon, kapit ka sakin. Hindi kita bibitawan. Hindi ako bibitaw." Pagsasawalang bahala ko sa mga sinabi niya at pinagpatuloy ang dapat na sasabihin ko. Hindi naman siya umimik. Pareho na lang kaming nakatitig sa kawalan hanggang sa may maramdaman akong kung akong likidong tumulo sa braso ko. Akala ko ay ambon iyon pero ng hindi ko naman naramdaman na umaabon ay napabaling ako agad kay Ali na naabutan kong lumuluha. ...Malapit na, pero 'di rin kasalanang magpahinga Agad akong napatayo at kusang naiyakap ang braso sa kanya. Agad niyang pinatong ang kaniyang ulo sa tiyan ko habang nagpatuloy siya roon sa pagiyak habang nakayakap rin sa akin. "Magpahinga ka lang muna. 'Wag nang pigilan ang luha" pag sabay ko sa kanta habang hinahagod ang likod niya dahil mas lumalala ang pagnginginig ng mga balikat niya at mas lumalakas ang hagulgol niya. Dito ka lang sa 'kin. Magpahinga muna, lalabanan din mga dambuhalang mga pasanin. "Hush...it's okay. Everything going to be fine." Lapag mo lang muna, kakayanin din. Kumapit ka, sinta, matatapos ang problema. Pagpapatuloy ng kanta. Wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin lang siya ng mas mahigpit. Malapit na, pero 'di rin kasalanang magpahinga. Nanatili akong tahimik. Walang kahit na anong sinabi na mag papagaan ng loob niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa naman ako sigurado sa dinadala niya. Ayokong mag bitaw ng mga salita na baka wala namang maitutulong sa kaniya. Hindi ko siya pinilit na mag kwento kahit na kumakalma na siya. Kahit noon, tuwing mag ka facetime kami, tuwing nakikita ko ang pagod sa mga mata niya at nararamdaman ang pagsuko sa boses niya at kahit kailan ay hindi ko siya pinilit na mag kwento. Gusto kong mag kusa siya, dahil para sakin pag nag kusa siya ibig sabihin non ay handa na siyang pagkatiwalaan ako. Na handa niya siyang buksan ang sarili niya para sa'kin tungkol sa mga bagay na kinahaharap niya. Mag aantay lang ako. Hindi kita pipilitin. Hindi kita mamadaliin. Kung hindi mo pa kaya, kaya kong mag hintay hanggang sa kayanin mo na. "Kerley..." sabi niya makalipas ang ilang minutong pananahimik namin pagkatapos niyang umiyak. "pwede bang dito muna ako ngayong gabi?" mugto ang mga matang tumitig siya sa akin. I give him a assuring smile. "Oo naman..." Doon lang muling simipol ang ngiti sa mga labi niya. Niyaya niya kong magpunta na sa kwarto para pareho na kaming makapag pahinga. Wala namang kaso sa akin ang pagtulog niya rito. May tiwala naman ako sa kanya na wala siyang ibang gagawin sakin na hindi ko gusto. Kilala ko siya, sa isang buwan na relasyong meron kami nakilala ko siya kahit papano. Maybe he's Prevert sometime's but I know that he know's how to respect. He have a mother and sister that he respected and love. He told me once that he doesn't want to hurt someone, specially if it's a woman. Ayaw niya daw na bumalik ang karma, at kapatid o ina niya pa ang tamaan at balikan non at hindi siya. He respect his ex's, like how he respect his mother. That's why I'm confident that he gonna respect me too. Nauna akong mag punta sa kwarto dahil nag prisinta siyang siya na ang mag sasara ng pinto at mga bintana pag katapos niyang tawagan ang mama niya. "Love, can we talk?" Agad na tanong niya at naupo sa dulo ng kama ko. "Ofcourse, about what ba?" Umaayos ng upo paharap sa kanya na saad ko. "I mean...can I tell you something about me and...my family?" My lips curved a smile. "Hmm-mm." Humugot naman siya ng malalim na hininga bago ibalik ang tingin sakin. "Mukha kang excited ah? Ngiti mo oh..." Turo niya pa sa mukha ko. "Well... This was the first time that you will open yourself to me." "Gusto ko naman na talagang mag open sayo, dati pa. Kaso hindi ko alam kung pano ko sisimulan." Nakayukong sagot niya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil 'yon. Tumingin siya sakin at tipid ko naman siyang nginitian. "Ahmm...I just called my mama para nga mag paalam diba na di ako makakauwi. Alam mo ba kung anong sinabi niya?" Umiling naman ako. Bahagya naman siyang natawa bago mag iwas ng tingin sa akin at nagpatuloy sa pagsasalita. "Sabi niya 'mabuti naman at kahit isang araw lang ay hindi ko makikita ang pagmumukha mo.' bakit kaya kahit sanay na ko sa ugali ni mama, masakit parin para sakin tuwing nagsasalita siya ng ganon sakin. Bakit kaya hindi ko maramdaman na mahal ako ng mama ko? Kasi sa tuwing uuwi ako, hindi pa ko nakakapasok sa bahay sinesermonan na niya ako. Hindi pa ko nakakaupo, sinusumbatan niya na ko. Sa tingin mo bakit ganon ang mama ko? Hindi ba ko totoong anak kaya ganon trato niya sakin?" Kitang kita ang sakit at lungkot sa mukha niya habang nagkwekwento siya. "Wala akong karapatang husguhan ang mama mo. Hindi ko alam ang side niya. Minsan mo nabang tinanong ang mama mo kung bakit ka niya ginaganon?" Umiling siya. "Wala akong lakas ng loob na kwestyunin ang mama ko. Alam mo ba nung last midnight na tumawag ako sayo? Pag uwi ko palang non pinagalitan niya na ko kahit wala akong ginagawa sa kanya na ikakagalit niya. Pag uwi ko, nag linis ako agad ng bahay, inayos ang mga dapat ayusin, nagluto at tinulungan ang kapatid ko sa mga assignment nila pero lahat ng 'yon hindi niya nakita. Sinabi niya pa na wala akong kwenta at napaka batugan ko dahil lang naabutan niya ko na nakaupo at nakaharap sa laptop ko, without knowing na nagrereview na ko. Halos araw araw, gabi gabi ganon ang eksena sa bahay. Kaya nga madalas sa milktea bar na lang ako nag pupunta. Nagtratrabaho at nag aaral. Para naman pag sumahod wala ng masabi si mama na wala akong naiaambag sa buhay nila." Ali chuckled kahit na may mga namumuo ng mga luha sa mata niya. Nanatili akong nakikinig sa kanya. Pinipisil pisil ang kamay niya. Tuwing nagsasalubong ang tingin namin ay ngumingiti ako sa kanya at tumatango. Hindi ko pinapakita na naaawa ako sa kanya dahil alam kong hindi iyon ang gusto niyang maramdaman ko. Nagpatuloy siya sa pagkwekwento at tanging pakikinig lang ang nagawa ko. "Kahit pagod galing trabaho sa bar, inaasikaso ko parin lahat sa bahay. Kahit walang yakap na sumasalubong sa akin pag uwi ko, ayos lang. Kahit walang mag tanong kung kumain naba ako, ayos lang. Nakakapagod? Oo,sobra. Pero sino ba naman ako para mapagod? Kung nung mga panahon nga na nag aaral ako ay sila mama ang kumakayod. Napagod din sila pero di sila sumuko. Pero isinumbat niya 'yon sakin. Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko para lang matuwa sakin si mama...pero bakit pakiramdam ko hindi 'yon sapat? B-bakit..." His voice broke. "Bakit ni isang beses hindi ko narinig ang katagang 'p-proud na proud sayo si mama.' Ni hindi ko 'yon naramdaman. Simula ng mag kaisip ako,n-nag aral na ko ng mabuti. Palaging nasa honor, madalas nasa High honor pa pero ni isang beses hindi ko nakitang pumalakpak para sakin si M-mama. Oo, sinasamahan niya ko sa stage para kumuha ng mga award. Para mag sabit sakin ng medalya pero alam mo ba na pagbaba namin ng stage, iiwan niya na ko agad at babalik na siya sa upuan niya ng wala man lang kahit anong s-sinasabi sa akin. P-pag uwi, wala tahimik lang kami o madalas nagsisimula na siyang manermon." Basag ang boses na wika niya. Sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay ramdam ko roon ang sakit at tampo. Maski sa mga mata niya na nakaiwas ng tingin sa akin ay kitang kita na maski siya ay naguguluhan. Na maski siya ay hindi maintindihan ang trato sa kanya ng mama niya. "Ali...hush...calm down. Hey...look at me, please, love. Look at me..." ayaw niyang tumingin sa 'kin kaya ako na mismo ang nag harap ng mukha niya sakin. "I'm sorry...wala akong masabi na makakagaan ng loob mo. Hindi ako magaling sa ganon. Tanging pakikinig at pagyakap lang sayo ang magagawa ko." Nahihiya pang sabi ko. "I-its fine. Just stay here with me. Makinig ka lang, wala ka namang dapat sabihin. Sapat na ang presensya at pakikinig mo sakin." Tipid naman akong napangiti habang yakap yakap ko siya. Na kahit humihikbi na siya kakaiyak ay nagawa niya paring sumagot sakin. Mas hinigpitan ko na lang ang yakap sa kanya. "Just cry, love. I'm just here..." Maybe ngayon niya lang nagawang umiyak ulit. Inipon niya siguro lahat ng sakit sa loob niya. Sino ba naman ang gugustuhing mag mukhang mahina sa harap ng pamilya mo na tanging ikaw ang inaasahan? Ngayon na iintindihan ko na. Kung bakit mas gusto niyang wala siya sa bahay nila at manatili na lang kung saan. Kung ako siguro siya, mas gusto ko talagang wala sa bahay. Pero kahit ganon ang trato ng mama niya sa kanya alam kong hindi niya kayang mawala ng matagal sa bahay nila. Kahit pagod na pagod na siyang marinig ang sermon at sumbat ng mama niya, uuwi at uuwi parin siya. Ganon siya katatag para matiis ang ganong klaseng buhay na meron siya. Pero ako na wala namang ibang problema bukod sa mahigpit kong mga magulang hindi ko kinaya na manatili sa iisang bubong kasama sila. Pinili kong bumukod, para kahit papano maranasan kong maging malaya. Lumayo sa pagkontrol nila sa mga dapat kong gawin. Pero itong lalaking umiiyak ngayon sa balikat ko. Kahit ano sigurong sumbat, sermon, bintang at masasakit na salita ang ibato sa kanya ng mama niya hinding hindi siya lalayo sa pamilya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD