"Himala at nag ka boyfriend kana."
Natatawang sabi ni ate Norma sakin kahapunan ng tumambay ako sa karinderya nila dahil wala naman ng pasok. Ngumuso naman ako dahil kanina niya po inaasar tungkol diyan.
"First love?" may nangangasar pa rin na ngisi sa labi na tanong niya.
"O-opo." utal pa na sagot ko.
Para sakin nakakahiya naman kasing aminin. Unang beses kong maranasan na mapag usapan ang mga gantong bagay. Hindi ko naman kasi inintriga si Cath noon tungkol sa mga ex niya, hinahayaan ko lang siya na mag kwento kung gusto niya.
Kaya ngayon na napag uusapan namin ni tita ang ganto ay nahihiya talaga ako.
"Ate! Tumatawag po si kuya Ali!" sigaw ni Nikki habang tumatakbo palapit sakin at hawak ng dalawang kamay niya ang phone ko.
Pinahiram ko sa kanya yun kanina dahil may i sesearch daw siya at gamit ng ate luna niya yung phone nila kaya di niya magamit.
Inabot niya naman yun agad sakin.
"bakit?" matunog naman siyang ngumuti sa kabilang linya kaya rinig ko.
Napakagat naman ako sa loob ng bibig ko para pigilan ang sariling mapangiti din.
[Busy ka? Kita tayo. Ilang araw na kitang di nakikita e.]
Huling kita namin ay nung araw na sinagot ko siya e. Tapos non ay puro phone call na lang dahil busy na siya sa pag rereview niya for board exam. Alam ko may kasama siyang mag review, hindi ko lang alam kung sino basta kaibigan niya raw e kaya kampante ako.
"Sige. Saan mo ba gusto?" pag payag ko dahil nga wala naman akong ginagawa at gusto ko rin siyang makita.
Nagpaalam naman ako agad kila ate Norma na aalis at pupuntahan si Ali. Kaya ayun inasar muna nila ako bago ako tuluyang makaalis.
Natanggap ko na yung text ni Ali kung san niya ko pinapapunta dahil andon daw siya ngayon. Sa isang milktea bar niya ko pinapunta. Sinend niya yung address kaya sinabi ko lang yung sa driver ng taxing napara ko.
May sarili naman akong sasakyan pero hindi ko masyadong ginagamit dahil minsan lang naman ako umalis at mag punta kung saan.
Napatanga naman ako sa tapat ng milktea bar na sinabi niya. Wala ang ganda lang ng Exterior design niya. Maaakit ka talagang pumasok kahit hindi na binabasa kung anong meron sa loob.
Mula dito sa loob ay kita ang mga ganapan sa labas pero pag nasa labas ka naman hindi mo nakikita ang nasa loob. May privacy...
Napalinga linga naman ako pag pasok. Medyo marami ang mga tao at may malakas na musika na bumabalot sa lugar at ang lalakas pang mag kwentuhan ng iba. Para akong nasa loob ng Bar na puro alkohol ang binebenta pero ng makita ko naman na milktea ang iniinom ng mga tao ay hindi ako nag hinala na may ilegal na bagay na nangyayari dito.
Medyo bobo ako sa part na 'yon. Bat hindi ko na isip na parang mini bar to kung may clue naman na sa sinabi ni Ali kanina.
Naiiling nalang ako sa sariling naupo sa nakita kong bakanteng upuan bago ulit lumilingon lingon sa paligid para mahanap yung pinunta ko.
Pano siya nakakapag review sa ganto ka ingay na lugar?
Nakailang baling na ko sa kaliwa't kanan at harap, likod pero wala talaga akong nakita. Hanggang sa may mag serve sa kabilang table na nasa kanan ko.
"Ali..." mahina at gulat na banggit ko sa pangalan niya.
He's...working here?
Lumingon naman siya sakin at ngumiti.
Napakurap kurap naman ng mapag masdan ang suot niya. Doon ko na kumpira na nag tratrabaho nga siya dito.
"I thought you're busy kasi nag rereview ka. Hindi mo sinabi na may trabaho ka pala...?" napakamot naman siya sa ulo niya at ilang na ngumiti sakin.
Yakap yakap ang tray na lumapit siya sakin at kinuha ang kamay ko at tsaka niyayang mag punta kung saan.
Nagpahatak lang naman ako sa kanya. Huminto siya saglit at inabot yung tray kung kanino. Hindi ko nilingon kung sino 'yon dahil na sa kanya lang ang paningin ko. Walang kahit na anong tanong ang tumatakbo sa isip ko. Mukhang na shock lang talaga ako dahil nga nag tratrabaho siya.
Tumango pa siya kung kanino bago sumenyas sa kausap na lalabas lang saglit bago ako ulit hinatak.
"Mag papaliwanag ako." kita ko ang kaba, takot at pagkadespera sa mukha niya.
Nangunot naman ang noo ko dahil mukhang desperado siyang mag paliwanag kahit wala naman dapat siyang ipaliwanag.
Tinignan ko lang siya kahit na hinawakan niya ang kamay ko at ramdam ko ang lamig non. Nangungusap naman ang mga matang tumitig siya sakin pabalik.
"So...yes, may trabaho ako. This milktea bar ay saming mag kakaibigan, I mean business namin tong mag kakaibigan, sila Darrel. Nag rereview naman talaga ako pero tumigil lang saglit para mag trabaho, dagdag kita ko kasi may dalawa pa kong kapatid na pag aaralin. Kailangan ko ng mag ipon agad kahit wala pa kong regular na trabaho at di pa ko lisensyado..." iniintindi ko lang lahat ng sinasabi niya kahit na hindi niya naman kailangan ipaliwanag kung bakit hindi siya nag rereview.
"...tsaka si papa kasi tumatanda na. Gusto ko na siya patigilin sa pag tratrabaho niya lalo na ngayon na nag kakasakit na siya. Kaya habang nag rereview nag papart time job na rin ako para kahit papano maka tulong agad sa gastusin sa bahay. Ayon...kaya..." nag aantay ng itutugon ko na saad niya.
"Ahh...okay lang. Naiintindihan ko naman." tanging na isagot ko.
Mukha naman siyang nabunutan ng tinik dahil sa pag kakahinga niya ng maluwag.
"Salamat at naiintindihan mo ko. Promise, next time sasabihin ko na sayo yung totoong ginagawa ko." natatawa naman akong tumango sa kanya.
Ayon pala...kaya pala parang kabadong bado siya at desperadong mag paliwanag dahil siguro inakala niya na nagalit ako or magagalit ako sa pag sisinungaling niya.
Hindi naman ako ganon kababaw noh?
Nanatili pa naman kami don ng ilan pang minuto. Nag kwentuhan lang kami at nag usap tungkol sa kahit na ano. Kaya nalaman ko na business pala nila tong mag kakaibigan. Hati hati sila sa kita tapos kapag nag part time pa sila dito may dagdag yung parte nila. Since may mayayaman naman siyang kaibigan kaya hindi sila nahirapang itayo to.
Marami akong nalaman sa halos ilang oras na pananatili namin don sa staff room nila. Dinalhan pa kami ng kaibigan niyang si Marcellus ng makakain at maiinom.
"Ahh...so, si Alexa yung bunso mong kapatid yung talagang nag aalaga kay Jeky hindi ikaw?" pilit naman siyang ngumiti kasabay ng pag tango niya.
"Oo sa ngayon. Kita mo naman busy ako sa pag aaral at sa pag tratrabaho kaya siya muna pinapaalaga ko kay Jeky. Oo nga pala...pasensya na kung di ko siya nadadala sayo sa tamang schedule ah? Promise, dadalhin ko siya sayo pag nag ka free time ako." pangalawang promise niya na 'yan.
"okay lang noh! Pwede naman ako na lang mag punta sa kanya para hindi kana mahirapang dalhin siya sa'kin." nagulat naman siya don at nasamid pa sa iniinom niyang milktea.
May tumalsik pa nga na pearl na galing sa bibig niya e.
"sorry! Sorry! Sorry talaga...shit naman oh. Sorry..." sunod sunod na hingin niya ng sorry sakin dahil sakin lag naman tumalsik yung pearl.
Nag mamadali naman siyang pinunasan yung damit ko na natalsikan niya. Hanggang sa pareho kaming natigilan ng may mapansin. Nag katinginan pa kami bago siya parang napaso na ilayo ang kamay niya na may hawak na panyo sa damit ko.
"f**k! S-sorry..."
Nauna siyang lumayo at mag iwas ng tingin sakin ng marealize niya na sa bandang dibdib ko yung pinupunasan niya. Ramdam ko naman ang pamumula ng pisngi ko dahil don.
Pakshet! Ano yon? Bakit hindi ko napansin agad?
Napahimas naman ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng t***k ng puso ko don.
Tanging ang mahihinang mura niya sa sarili niya ang naririnig namin pareho sa loob ng kwarto na 'yon. Dahil sa hiya at pag kailang na nararamdaman ko ay hinayaan ko na lang siya don at pinapakalma na lang ang sarili ko.
"Ahmmm...Lods...?" maski kay marcellus na bagong dating ulit ay hindi ko magawang tumingin.
Nag papalit palit samin ang tingin niya na para bang maski siya ay nag tataka sa kinikilos namin ni Ali.
"Sander, ano...kailangan ka na daw don. Dumadami na kasi ulit yung tao e." hindi naman agad sumagot si Ali kaya napatikhim ako dahil tumahimik nanaman dito.
Ang awkward...
"Ahh...oo sige. Sunod ako." tumango lang naman si Marcellus bago tumalikod pero bago 'yon ay muli pa siyang sumulyap sakin.
Nag kibit balikat pa siya bago kami tuluyang iwan don.
Sobrang awkward naman ng katahimikang na mumuo sa pagitan naming dalawa. Pareho kaming hindi makatingin sa isat isa. Buntong hininga niya lang ang naririnig ko. Nakakatingin lang naman ako sa kanya kapag nakaiwas siya pero sa pang limang beses na pag baling ko sa kanya ay hindi ko inaasahan na makakasalubong ko na ang tingin niya. Sabay naman kaming nag iwas ng tingin sa isat isa.
Tumikhim siya. Ramdam ko ang pagtingin niya sakin. Kita ko mula sa gilid ng mga mata ko ang pag harap niya na ng tuluyan sakin.
"Sorry...hindi ko sinasadya. Ano...lalabas na ko. Sorry talaga ah..." saglit ko siyang tinignan bago tipid na ngumiti at tumango.
Nag lakad naman na siya palabas pag kasabi niya na antayin ko na lang siya dito ulit o kaya don sa labas. Pero sabi kong dito na lang ako mag aantay. Muli pa siyang tumingin sakin bago tuluyang isara yung pinto. Naninigurado.
Habang wala siya ay nilibang ko muna ang sarili ko sa phone ko. Dahil medyo natagalan ay naisipan ko na lang na mag pa tugtog dahil wala na kong magawa dito.
Ilang minuto lang ang lumipas ng mag patugtog ako ng dumating siya at niyaya na kong umalis.
Papalubog na ang araw ng makalabas kami sa bar.
"Ihatid muna kita sa inyo."
Tahimik kami pareho na nag lakad papunta sa may sakayan. Walang imikan, parehong nakakaramdam parin ng pag kailang.
Nang malapit lapit na kami ay naramdaman ko ang pag sanggi ng kamay niya sa kamay ko. Nung una ay binaliwala ko 'yon dahil baka hindi niya lang sinasadya pero ng makailang ulit na ay don ko napagtantong sadya iyon at mag pinapahiwatig siya.
May tipid na ngiti sa labi akong napabuntong hininga bago ako na kusang humawak sa mga kamay niya. Sandali pa siyang tumingin sa mag kasiklop naming kamay bago ibaling sakin ang nahihiya niyang tingin.
"Sorry talaga kanina, hindi ko 'yon sinasadya..." mahinang saad niya at iniiwas ang tingin sakin.
Gamit ang isa kong kamay ay masuyo kong hinawakan ang mukha niya at pinagkatitigan siya. "Ayos lang, alam ko naman 'yon. Kalimutan na lang natin?"
Parang batang naiintindihan ang sinasabi ng kanyang ina na tumango siya sakin bago ako yakapin.
Niyakap niya lang ako at wala siyang kahit na anong sinabi. Kaya hinayaan ko siya hanggang sa maramdaman ko ang pagbuntong hininga niya. Tila napapagod na.
"Pagod kana ba?" nayakap sa kanya pabalik na tanong ko.
"Pag uwi ko mag rereview pa ko ulit. Swerte pa kung good mood mama ko, pero...kung hindi siguradong hindi ko magagawa 'yon..." mahina pa siyang tumawa kasabay ng paghigpit ng yakap niya. "Pero ayos lang, hindi ako pwedeng mapagod. Wala akong karapatang mapagod."
"You need to rest too. You have the rights to feel tired, Ali."
Nilagyan ko ng distansya ang mga katawan namin para makausap siya ng maayos at matitigan ng mata sa mata.
"Mangako ka sakin na kahit ano man ang sumalubong sayo pag uwi mo...magpapahinga ka. Don't over work yourself, please?" wala naman siyang naging tugon at yumakap lang ulit sakin.
Mas sinubsob niya pa ang ulo niya sa leeg ko. Kaya sa bawat pag buntong hininga niya ay nararamdaman ko 'yon.
"Ikaw na lang ang nagiging pahinga ko..."
Hindi ko naman na pigilang mapangiti. Ramdam ko ang pagkabog ng malakas ng puso ko, siguradong nararamdaman niya 'yon dahil magkadikit parin ang mga katawan namin.
"Kinilig ka don?" may nang aasar na ngisi at tingin naman siya sakin.
Hinampas ko siya sa braso sabay sabi ng "Sira! Hindi noh?!"
Tinalikuran ko siya at nag patuloy sa pag lalakad. Humabol naman siya agad. Sa pag kakataon na to pareho ng may ngiti sa mga labi namin na naglakad kami. Wala ng kahit anong pag kailang na namamagitan saming dalawa.
Paghinto ng jeep malapit sa condo ko ay hindi ko na siya hinayaang bumaba pa roon at dumeretso uwi na lang. Para makapag pahinga na rin siya agad, at hindi pa ko handang ipakita at ipaalam sa kanya kung saan talaga ako nakatira.
Hindi ko pa nasasabi kay cath kung tama ba tong ginagawa kong pag tatago ng katotohanan kay Ali. Natatakot kasi ako na baka kapag nalaman niya, mas piliin niyang layuan at iwan ako. Lalo na't nag uumpisa palang kami. Siguradong hindi pa ganon kalalim ang nararamdaman niya para sakin kaya magiging madali lang 'yon para sa kanya.
Eh para sakin kaya? Naiisip ko pa lang na aayawan niya ko bumibigat na ang dibdib ko, pano pa kaya kapag nag katotoo?
Ayoko...ayoko ng gantong pakiramdam.
"Father's day ngayon. Wala kang balak mag punta sa inyo para kay tito o kaya batiin man lang siya?" napakurap kurap naman akong napalingon kay Cath. Nagtataka.
Agad akong nag tipa sa phone ko at nag search kung totoong father's day ba talaga ngayon. At totoo nga...
"don't tell me...hindi mo alam na father's ngayon?" nag aakusa na na tanong niya. Naniningkit pa ang mga mata sakin.
Sinubukan kong ngumiti pero nauwi yun sa ngiwi.
Hindi naman siya makapaniwalang tumingin sakin at lumapit pa. "Grabe ka..."
Napahilot naman ako sa sentido ko. Jusko...ngayon pala 'yon.
Sa tagal ko ng di binabati ang tatay ko nalimutan ko na kung kailan 'yon. Simula highschool ay bawat araw na lumilipas at parang ordinaryong araw lang para sakin. Kung darating man ang pasko ay madalas kami lang ni ate ang mag kasama, maski bagong taon ay ganon.
Kaya maski birthday ko ay parang ordinaryong araw na lang para sakin.
Ang masayang mukha naman ni manang ang sumalubong sakin pag kadating ko sa bahay. "Manang...my daddy's here puba?"
"Ay wala, kerley. Andito kaba para sa kanya?"
Huminto ako sa pag lalakad at hinarap siya para maayos na makausap.
"Yes po. Father's day."
Manang smiled.
"Iiwan ko lang po ito sa office niya. Aalis din po ako agad." tumango naman siya bago ako sabayang mag lakad papasok sa bahay.
Dumeretso ako sa office ni dad at nilapag lang don yung ragalo na binili ko para sa kanya. Nang hanap pa kong ng papel na pwedeng pag sulatan.
Happy father's day, Dad!
- Kerley.
At umalis din agad ng masigurong hindi liliparin yung papel.
Nakasalubong ko pa si ate bago ako tuluyang makalabas ng bahay. She just looked at me and smiled a little.
"Hi...ate." may dumaan namang emosyon sa mga mata niya na hindi ko napangalanan dahil agad ding nawala iyon.
"Dad is not here...mamaya pa ata sila makakauwi." pilit na lang akong ngumiti sa kanya dahil hindi naman 'yon ang inaasahan ko na isasagot niya.
"Wala namang bago don." sagot ko at nag paalam na na aalis.
• • • • • • • • • • ♡
Authors note:
Never judge those people who hate their parents. You don't know their traumas, you don't know the pains caused by their parents, you know nothing about their stories. If you have a healthy relationship with your parents then good for you, don't judge.