Sabi ko ayokong mainvolve sa buhay ng ibang tao, ayokong maattach sa isang tao o mainlove sa tao. Tinanggap ko na noon na hindi ko mararamdaman ang mga bagay na nararamdaman ko sa pag babasa ng mga nobela. Pero...lahat yun nag bago. Bumaliktad. Lahat 'yon naramdaman ko sa loob ng kalahating araw na kasama siya. Yung saya, kilig, inis, yung mga paro paro at yung pakiramdam na komportable akong nasa tabi ko siya. Ngayon lang ata ako naging ganon ka totoo kasama ang isang tao.
Mula sa pag kilos ko na hindi ko nilagyan ng limitasyon. Sa pag tawa ko ng malakas na hindi ko naman nagagawa noon. Pakiramdam ko doon lang ako sa pag kakataon na 'yon naging malaya. Walang nag babawal. Walang sumasaway. Hinayaan niya kong iexpress ang sarili ko sa harapan niya. Na ikinataka ko sa sarili ko but then suddenly hinayaan ko ang kong ibulgar ang sarili ko sa kanya. Hinayaan ko na makita niya kung ano talaga ako. Nagawa ko 'yon dahil siya ang kasama ko. Iniisip ko nga kung ibang tao ba ang kasama ko kanina magagawa ko kaya lahat ng 'yon?
Siguro ay hindi. Kung ang sarili kong ate ang kasama ko noon na mag mall ay halos kuliglig na ang marinig ko sa sobrang tahimik naming dalawa e. Partida ate ko 'yon. Madalas nga noon na naiisip ko kung kapatid ko ba siya dahil bibihira lang kaming mag usap. Hindi kami nag sasabi ng problema at nararamdaman sa isa't isa. Pareho kaming ilag sa isa't isa.
Kamusta na kaya siya? Sa bahay parin ba namin siya nakatira? Naranasan niya na kayang maging masaya kagaya ko tulad kanina? Sana ay oo...
Kinabukasan ay hindi ako naka punta sa graduation ni Ali dahil sa biglaag tawag na natanggap ko kila mommy kaya nag punta ako sa bahay nila.
"Mom? Dad?" naghahanap na tawag ko dahil wala sila sa sala.
Nakita ko namang lumabas si Ate sa kusina at tumigil sa pag lalakad ng makita niya ako. I stilled when she gave me a small smile. Hindi ko naman inaasahan 'yon kaya hindi ako nakatugon agad.
"Ma'am nasa kusina po sila..." don lang ako nakabalik mula sa pag kagulat sa pag ngiti ni ate sakin.
She never smiled at me like that before. Kahit tipid o pilit na ngiti hindi niya ginawa o pinakita sakin noon. Palagi siyang seryoso. She always wearing her stone-cold look. What was that for? Is there something happening na hindi ko alam?
Nagpunta ako sa kusina at naabutang tahimik na kumakain sila mommy ng pananghalian. Kung pano si gumalaw maski sa hapag ay napaka pino at elegante na akala mo ay nasa mamahaling pagkainan at may mga kasamang royalties. Muntik na ko mapasiring dahil sa eksenang 'yon.
"Hey mom..." lumapit ako kay mommy at hinalikan siya sa pisngi bago bumaling kay dad na hindi man lang ata ako tinapunan ng tingin at tumango lang bago ako utusan na maupo.
"How are you? Are you doin' good in your condo? Oh...before I forgot congratulations. We're sorry if hindi kami na kapunta there was an urgent meeting kasi that day."
At mas mahalaga pa talaga yung meeting kesa sa graduation ko noh? Kung sabagay mas tinuturing pa nga ata nilang anak yung kompanya nila kesa sakin. Ano bang laban ko sa bwisit na 'yon?
Gusto ko sanang isatinig 'yon para naman malaman nila kung ano ang iniisip ko pero oo nga pala mag mumukha lang akong kabastos bastos at walang respeto sa kanila kung gagawin ko 'yon kaya pilit na lang ako ngumiti kay mommy at sumagot.
"It's fine mom. And oh...I'm doin' good. So...bakit niyo po ako pinapunta dito?" kesa mag paligoy ligoy pa kung sa mismong pakay naman ang punta bat di pa deretsuhin diba?
"Nothing. Masama bang kamustuhin ang anak namin?" thats really suspicious to me. I know something is up on this conversation.
I know my parents, Kilala ko sila. Alam kong may hidden agenda yang pangangamusta nila. Kung ano man 'yon siguradong hindi ko yun magugustuhan.
"Mom...is there something you want to tell me? Or are the two of you planning something? If it yes, spill it now." may pakiusap na sabi ko.
Kung hindi pa nila sasabihin sakin 'yon ngayon, siguradong ilang gabi nanaman ang lilipas na hindi ko aalalahanin 'yon.
"We want to tell you that..." bahagya pang huminto si dad sa pag sasalita at bumaling sakin na para bang gusto niyang makita ang reaksyon ko sa sasabihin niya. "...three or four years from now mag tratrabaho kana sa kumpanya. So now...go enjoy your freedom."
Hindi ko naman alam kung ano ang dapat isagot don. I remained my non emotion face na para bang wala lang sakin ang sinabi niya kahit sa loob loob ko ay may gusto akong ilabas.
Naiinis ako dahil mukhang determinado si daddy na pag trabahuin ako sa kompanya niya, which is ayoko. Tulad ng sabi ko noon I WANT TO BUILD A NAME ON MY OWN. Walang tulong nila o ng kumpanya nila. Na puro pag sisikap at determinasyon ko ang magiging puhunan ko sa pag buo ng sariling pangalan.
Fuck! It sucks to be a Dice!
Hindi naman na ko nag tagal sa bahay na 'yon dahil baka mabuang lang ako kung mananatili pa ko ng matagal don. Buti nga si ate Sapphire e hindi pa nababaliw don.
Sakto namang pagbagsak ng katawan ko sa kama ay siya namang pagtunog ng phone ko dahil sa tawag ng kung sino man.
Tamad ko namang dinampot ang purse ko at kinuha don ang phone ko. Wala sana akong balak sagutin 'yon kung si Cath lang naman dahil alam kong mag yayaya lang siyang mag bar pero dahil hindi siya 'yon ay sinagot ko.
Tapos na siguro yung ceremony...
[Hey, tapos na! Naka graduate na ko!] rinig na rinig ko ang saya at pag mamalaki sa boses niya at kitang kita rin naman 'yon sa mukha at mga mata niya. Napakagat naman ako sa labi ko para pigilan ang sarili na mapangiti pero kahit anong pigil ko ay wala pa rin napangiti parin ako.
I feel so proud. Malapit na siyang maging Engineer.
"Congratulations, my Engineer..." mas lumapad naman ang ngiti sa mga labi niya at mas sumaya ang mukha niya.
[Thank you, idolo!] sumaludo pa siya sakin bago mag paalam at patayin ang tawag dahil tinatawag na daw siya ng mama niya na uuwi na sila.
May sinabi naman siya na hindi natanggal sa isipan ko. At nag pakaba sakin. Wala naman siyang sinabi kung kailan pero bakit feeling ko ang lapit na non? Feeling ko ngayon na 'yon kahit hindi naman talaga.
Ipapakilala kita mama, balang araw...
"Puta! Ano ba? Bakit may pakilala p? Required ba yon? Ahhhhhh!?" nag papagulong gulong sa kama ko na sigaw ko.
Tangina kinakabahan kasi ako agad wala pa naman!
"Okay...kalma...tulad ng sabi mo matagal pa 'yon. Hindi mo pa naman siya sinagot diba? Kaya hindi niya pa gagawin 'yon. Hinga..." pag papakalma ko sa sarili ko mula sa pag wawala sa kilig sa kama ko na gulo gulo na ngayon.
Kinagabihan ay dumating lang si Cath dito ng lasing. Dito umuwi dahil kung sa kanila siguradong sesermonan nanaman siya ng daddy at mommy niya dahil nga lasing na siya.
Iba pa naman kapag na lasing to. Mas lalong umiingay at tawa pa ng tawa kahit walang nakakatawa, maski bagay na walang buhay kakausapin at pag tatawanan. Kaya hinayaan ko na lang siya na dito matulog.
"Oh? San ka pupunta? Uuwi kana? Abay salamat naman!" I emphasized the salamat naman para dama niya na nasisiyahan ako na uuwi na siya.
Inirapan niya lang naman ako bago mag lakad papuntang kusina at uminom ng tubig.
"Oho, uuwi na ko. Tanghali na muntik na ko ipahanap ni daddy dahil hindi ako umuwi. Hindi mo kasi tinawagan kagabi."
"Ay! Trabaho ko? Ako ba tong lasing na makikitulog sa iba tapos hindi mag papaalam sa tatay?" inambaan niya naman ako ng suntok bago tuluyang umalis sa condo ko at umuwi.
Hindi ko na siya hinatid palabas. Malaki naman na siya, kaya niya na 'yon.
Naging payapa naman ang buhay ko kahapunan ng ako lang mag isa sa condo. Tanging tunog lang ng mga sasakyan ang nag papaingay sa buhay ko kaya naisipan kong isara yung bintana at pinto sa veranda bago mag patugtog habang nag lalaba.
"Love you every minute, every second. Love you everywhere, and any moment..." sabay ko sa pagkanta at napapangiti ngiti pa dahil sa lahat ata ng tumugtog ng kanta ay naiisip ko siya.
Ngayon ko lang na appreciate yung message na gustong ipabatid ng mga kantang pinakinggan ko. Ganto ba pag may nagugustuhan ka? Yung sa bawat sweet song na mapapakinggan mo siya yung maiisip mo? May mga scenario kapang maiisip na kasama siya.
Kaya pala maraming nababaliw sa pag mamahal na to...
Masaya ko namang natapos ang pag lalaba ko at tsaka lang napansin na nabasa pala ako. Kaya naisipan kong mag hubad. Wala namang masama dahil ako lang mag isa dito. Walang makakakita sa hubad kong katawan.
"Landas natin ay pinagtagpo...Kahit 'di natin plinano.
Tinakdang pangako na mahulog ako sa'yo..."
Damn! Tugmang tugma yung liriko ng kanta. Parang sinulat talaga para sakin, charot. Pero, tulad ng nasa kanta hindi naman talaga naming plinanong mag tagpo pero bakit hulog na hulog na ko agad? Ilang linggo palang ah? Isang buwan palang ata pero bakit parang hindi na ko makaahon?
Sumabay naman sa pag indak ang katawan ko sa kanta kahit na hindi ako magaling sumayaw at nagawa ko 'yon. Para akong kiti kiting hindi mapakali sa iisang pwesto habang umiindiyog ang bewang ko. Napapatalon talon pa ko.
"Ikaw ay akin at ako'y iyo. Lagi at kailanman ay pinangakong...Mamahalin kita ng buong-buo. Puso'y iyong iyo..."
Kumuha pa ko ng suklay at ginawa iyong mikropono habang walang boses na dinadama ang pag kanta at gumagalaw parin ang bewang para sa pag indak. Minsan ko pang hinawakan at hinaplos ang sariling katawan habang nag papatuloy sa pag kanta.
Nang matapos ang kanta ay tanging kaligayahan lang ang nararamdaman ko. Ngayon ko na lang ulit nagawa to, ngayon na lang ako nakapag sayaw ng ganto at natuwa sa katawan ko.
Nagsimula naman agad yung sunod na kanta pero hindi pa man natatapos yung intro ng tumigil iyon dahil may natanggap sa tawag. Kinuha ko naman 'yon at sabay na tumaas ang dalawang kilay ko ng makita yung calle name.
Nakangiti ko namang sinagot 'yon. "Hey!"
[Ahmmm...Hi?]nangunot naman ang noo ko ng mahalata ang kaba o pag aalinlangan sa boses niya.
"Kinakabahan kaba?" nagtatakang tanong ko.
[Are you busy?] hindi niya sinagot yung tanong ko.
"Hindi naman. Ikaw? Akala ko nag rereview ka?"
[Yeah...nasa kalagitnaan ako ng pag rereview ng dumating yung mga kaibigan ko. So...please just listen okay? This going to be quick...]
Nag tataka man ay nakinig ako sa sasabihin niya.
[I think...I really fall to you deeply...] I feel the nervousness on his voice.
I stilled. Hindi ako agad nakabawi. Parang prinoproseso pa yun ng utak ko. Hindi ako nakatugon agad pero ang puso ko ay halos lumabas na sa dibdib ko. This was the first time that he told me about that. Yes, he confess that he's interested on me. Yun lang pero ngayon...is the feeling is mutual?
Humugot naman muna ako ng malalim na hininga dahil parang nakalimutan ko atang gawin yon sa nakalipas na segundo.
"You know what..." may narinig naman akong mga singhap sa kabilang linya kaya tumigil ako sa pag sasalita. "...I'm scared to fall inlove..." pagpapatuloy ko. Nabalot naman ng katahimikan ang parehong linya namin.
"But..." may mga kaluskos naman akong narinig.
[But?]
"If it's you then I'll try..." pagpapatuloy ko.
Nailayo ko naman sa tainga ko yung telepono dahil sa sigawan sa linya niya. May mga narinig pa kong mga nag wawala at nag mumura.
[Woooooooooooh!?] akala ko tapos na sila pero puro sigawan parin ang narinig ko.
Hindi ko alam pero natawa naman ako dahil mukhang hindi lang siya ang natuwa sa sinabi ko, pati na rin ang mga kaibigan niya na parang mga nakawala sa kulungan ngayon.
tinapat ko naman agad sa tainga ko ulit yung telepono ng marinig na mag salita siya ulit. [Ibig sabihin ba non sinagot mo na ko?]
"meet me on the waiting shed. Don mo makukuha yung sagot." mabilis pa sa alas kwatro siyang nag paalam bago ibaba ang tawag.
Nag bihis naman ako agad at nagingiting inayos ang sarili ko sa harap ng salamin.
Ito na 'yon...susugal na ko. Bahala na kung anong mangyayari sa hinaharap, sa ngayon puro ang kasalukuyan lang ang aalalahanin ko. Hindi muna ako mag iisip ng kung ano ano. Tanging siya at nararamdaman lang namin ang aalalahanin ko. Oo at natatakot parin ako na baka masaktan lang ako pero mas naniniwala akong kakayanin ko yung sakit na 'yon basta siya ang kasama ko. Kahit na dulot niya pa 'yon wala akong pakielam.
Kaakibat ng pagmamahal ang sakit...tandaan mo 'yan.
Napapikit naman ako at napahugot ng malalim na hininga sa mga kataga na 'yon na sinabi ni Cath sakin. Pag mulat ay punong puno na ng determinasyon ang mga mata ko.
Ito na talaga 'yon...handa na ko.
Since malapit lang ako sa waiting shed nauna akong nakarating don. Inantay ko siya pero wala pa atang limang minuto akong nakaupo don ng marinig ko na ang boses niya na isinisigaw ang pangalan ko. Papalubog na ang araw ng lumingon ako sa kanya.
Nag tataka man dahil hindi siya sa jeep nang galing ay binaliwala ko 'yon at inantay siya na makalapit sakin. Agad niya kong binalot ng mainit niyang yakap. Napangiti naman ako at niyakap siya pabalik. Kasing higpit ng yakap niya.
Nilagyan niya ng distansya ang katawan namin at kitang kita ko sa mukha niya na may inaantay na siyang sagot.
Imbis na mag salita ay pinagmasdan ko muna ang mukha niya. Titigan ko bawat parte ng mukha niya mula sa mga mata niyang ang sarili ko ang nakikita ko, sa ilong niya na hindi ganon ka perpekto pero sa paningin ko ay napakaganda non at ang mga labi niyang nakakaakit na halikan na kahit titigan mo lang ay alam mo ng malambot at mapula pula ito.
Binalik ko naman sa mga mata niya ang paningin ko... Sinalubong niya 'yon ng may halong halong emosyong makikita sa mata niya. Hindi ko mabasa kung ano lahat ng iyon dahil masyado iyong marami na nakakalito na.
"I'm really scared to fall inlove, pero dahil ikaw naman...hinayaan ko ang sarili kong mahulog sayo. Hinayaan kita na pumasok sa buhay ko ng ganon kadali. Hindi ko alam kung deserve ko ba yang nararamdaman mo para s—"
"Deserve mo to...deserve na deserve mo to." putol niya sasabihin ko at dinampian pa ng halik ang noo ko. Muli naman akong napangiti sa ganiwa niya.
"Pano ang isang tulad mo na kalmado sa lahat ng oras nag kagusto sa tulad ko na napaka laki ng galit sa mundo palagi? Pano ang kagaya mong nililingon ng mga babae mag kakagusto sa outcast na kagaya ko? Na ang taong kasing talino mo mag kakagusto sa trying hard na gaya ko..."
"Stop...don't down your self. For me you are perfect."
"No one's perfect Ali." pangangatwiran ko.
"Pero sa paningin ko ikaw na ang pinaka perpektong babaeng nakilala ko. Wag mong ibaba ang tingin mo sa sarili mo. Sabihin na natin na galit ka sa mundo pero alam kong may dahilan ka. Hindi ka outcast. Hindi ka trying hard. Kaya itigil mo na yan ah? Mag tatampo ako sayo sa susunod na ibaba mo sarili mo." may pagbabanta na sabi niya habang naka pout pa sa harap ko.
Natawa naman sa itsura niya dahil mas nag highlight lang yung ibang pimple marks sa pisngi niya. His flaws... I also like it.
Hindi magiging rason ang pisikal niyang anyo sa pag pigil ko sa nararamdam ko. For me he also perfect. For me he was the most handsome guy that i met. He was so relax in everything, yun ang napansin ko sa mga araw na nakakasama at nakakausap ko siya.
"So...tayo na ba?" tinaas taas niya pa ng sabay ang kilay niya habang nag aantay ng sagot.
Tumingkayad naman ako para maabot ng mga labi ko ang noo niya at halikan siya don bago nakangiting tumango sakanya.
Bigla naman siyang nag tatalon talon at nag sisigaw sigaw pa. Napalinga linga naman ako sa paligid ng mapansing may mga napahinto sa pag lalakad at napatingin sa gawi namin dahil sa pinag gagagawa niya.
"Yes! Yes! Boyfriend niya na ko! Yes!" may hinawakan pa siyang kung sino at niyugyog yugyog yung balikat non habang nag sisigaw sigaw siya.
Nilapitan ko naman siya agad dahil parang natatakot na sa kanya yung babae.
"Tama na nga 'yan!" saway ko sa kanya. Tinigil niya naman at agad akong niyakap ng mahigpit.
Naisubsob ko naman ang mukha ko sa dibdib niya dahil nahihiya na talaga ako sa pinaggagawa niya. Ang dami na tuloy matang nakatingin samin. May iba na nag bubulungan pa.
"Iloveyou! Iloveyou! ILOVEYOU!!" sigaw niya sa pangatlong Ilove you niya may narinig pa kong mga natawa sa gilid namin.
Mas lalo tuloy hindi ko na maiangat ang ulo ko dahil alam kong pulang pula na ko ngayon dahil sa hiya at kilig na nararamdaman.
"O-oo na...manahimik kana." tumawa lang naman siya bago ilayo ang mukha ko sa dibdib niya at tadtadrin iyon ng halik.
Wala naman akong nagawa kundi ang hayaan siya. Syempre gusto ko rin naman 'yon. Huli niyang dinampian ng halik ang baba ko bago niya pagdikitin ang noo namin at tumitig sakin ng ganon kalapit.
Sinalubong ko naman ang mga titig niya kahit na nakakaduling sa lapit. Ngumiti siya bago dampian muli ng halik ang tungki ng ilong ko.
"Tara! Punta tayo kila Berkley!" ayan nanaman siya sa pag hatak niya agad sakin kahit hindi pa ko pumapayag.
Kahit isang beses naman ay hindi ako nag sisi or nakaramdam ng pag sisisi na hayaan siyang hatakin ako at dalhin kung saan. Never pa naman akong na dissapoint sa lugar na pinag dadalhan niya sakin lalo na sa mga nangyayari sa lugar na 'yon kasama siya.