07

3480 Words
Lakad takbo naman akong nag punta sa sakayan para abangan don sila Jeky. Martes ngayon kaya makikita ko sila. Maaga akong nagising dahil sa pag kaexcite na mayakap si Jeky. Si jeky lang ba talaga? Naghahabol naman ako ng hininga na naupo sa waiting shed ng tumunog ang phone ko at nakatanggap ng text. Ali. +63********** Edit 9:27 am. Malapit na kami, mommy!  Nangiti naman ako ng may kasama pang litrato ni jeky sa message niya habang nasa jeep sila at nasa kadungan niya ito at may puti pang mabalahibo itong hinihigaan. Mukhang mahal at alagang alaga na siya ni Ali ah. Kada jeep na hihinto ay tinitignan ko isa isa ang bumaba dahil baka sila na 'yon. Dalawang jeep na ang huminto pero wala sila don. Kaya umaasa natalaga ako na sa pangatlo ay andon na sila dahil bukod sa mainit na gusto ko natalagang makita si Jeky. Sige na nga, oo pati si Ali. Napatayo naman ako ng makarinig ng Meow ng pusa sa jeep na huminto sa waiting shed. Palinga linga ako at tumitingtingkayad pa para makita kung andon sila at bababa na. Gumuhit ang ngiti sa labi ko ng makita ko na silang bumaba. "Baby!" tawag ko kay jeky. May mga napalingon tuloy sakin pero hindi ko sila pinansin at lumapit na lang kila Ali. "Miss na miss mo naman ako, baby." sabi niya at sinabayan pa ng halik bago iabot sakin si Jeky. Malakas ang kabog ng puso ko namang kinarga si Jeky gamit ang isa kong kamay. "Si jeky na miss ko. Hindi ikaw." pag tataray ko kahit tahiptahip na ang kaba ko. "Sus...sabi mo e." napipilitang sabi niya. "San mo siya balak na dalhin?" napaisip naman ako bigla. Hindi pwede sa condo dahil andon si Cath siguradong dadaldal 'yon kay Ali. Baka mabanggit niya pa ang ayokong ipaalam. "Ipacheck kaya natin siya sa vet?" suhestiyon ko. "Wag na. Napacheck ko na siya pag uwi ko palang sa kanya. Bilhan mo na lang pag kain or anything na gusto mo na pwede sa kanya. Para may ambag ka naman sa kanya." saad niya bago mag abang ulit ng sasakyan. "Kupal. Nag aabang kapa ng sasakyan? Uuwi kana?" nakaupo sa waiting shed na tanong ko. "hindi pa. Punta tayo mall." tumango na lang ako kahit nakatalikod siya sakin at nilaro si jeky. Hanggang sa maalala ko na kung sakali ito ang unang beses na makakasakay ako ng Jeep. Pasimple naman akong napalunok sa pinag halong excitement at kaba na nararamdaman ko. Sana naman wala kaming holduper na makasabay sa loob non. Jusmiyo... "Oh. Eto na, arat!" ngumiti naman ako sa tumango para itago ang pagaalinlangan at kaba na nararamdaman sa kanya. Inalalayan niya kong sumakay dahilan para hawakan niya ko sa kamay at braso. Bahagya naman akong yumuko para maiwasan ang pag kakauntog. Naupo naman ako agad sa nakitang pwesto at tumabi siya agad sakin. At may lalaki ring naupo sa kabilang gilid ko. Napabaling naman ako kay Ali ng hawakan niya ang gilid ng tuhod ko at bahagya 'yong idikit sa hita niya. Tinignan ko siya ng may pag tataka pero ngumuti lang siya sakin. Hindi naman ako nag reklamo dahil hindi naman pansasamantala ang ginagawa niya para sakin. "Bayad po!" medyo malakas na sabi niya bago iabot yung pera sa katabi ng katabi ko. "Ilan to?" tanong nung driver. "Dalawa po!" nakita ko lang naman na tumango ang driver. Ganon pala mag bayad dito. Hinawak nya ang kabilang kamay don sa bakal sa bandang taas. Hahawak din sana ako ng kunin niya ang kamay ko at ihawak yon sa braso niya. "Diyan kana lang kumapit." nahihiya ko naman siyang binalingan. Binalik niya agad ang isang kamay niya sa hita ko bago tumingin sa may bintana. Hindi ko naman alam kung ano ang magiging kilos ng makitang may mga taong nakatingin samin. Tumukhim ako at lumingon nalang din sa bintana. Huminto naman yung sasakyan dahil may sasakay. Since hindi pa naman puno ay mapapasakay pa si kuya. Bumaling naman ako sa sasakay at medyo nagulat ng mauntog siya. Napansin ko naman na may nag pipigil ng tawa maski tong katabi kong si Ali ay nag pipigil. Pinalo ko naman yung hita niya. "What?" he mouthed. Pinalakihan ko siya ng mata. "Wag ka ngang tumawa diyan. Na untog na nga e." ngumiti naman siya. Aba't... "Ang bait naman ng girlfriend ko at ayaw may pinagtatawanan." mas nanlaki naman ang mga mata ko ng tawagin niya kong girlfriend niya kaya na patingin naman ako sa mga taong nasa tapat namin na may impit na tili akong narinig mula sa kanila. Nag iwas naman ako ng tingin sa kanila at patagong kinurot si Ali. Pero dahil may bag sa hita niya hindi ko nakita kung ano ang nakurot ko pero parang nakaumbok 'yon. Napaigtad naman siya sa gulat at gulat ring napatingin sakin. "I-kaw...bat mo kinurot yung ano ko?" utal na tanong niya sa mahina na boses. Malaki ang matang napalingon ako sa kanya at napamaang ng marealize kung ano yung tinutukoy niya nanakurot ko. Hindi naman ako nakapag salita at agad na tinanggal ang tingin sa kanya dahil sa pamumula ng pisngi ko. Putek! Bakit yung tutut niya pa? Pilit ko namang tinatago ang mukha sa likod ng buhok ko at napapapikit ng mariin dahil sa kagagahan ko. Naramdaman ko naman ang pag lapit ng mukha niya sa ulo ko kaya kinabahan ako. Bumulong naman siya at tumawa pa. "Don't hide your face to me when you're blushing..." hindi ko alam kung bakit pero para sakin ay mapang akit ang dating ng boses niya habang binubulong niya 'yon sakin. Hindi ako umimik at hinayaan siya don. Pero tahimik na pinag dadasal na sana makarating na agad kami sa destinasyon namin. Halos mag pasalamat ako sa diyos ng huminto na yung jeep sa mall. Pinauna niya kong mag lakad pababa. Napaigtad ako ng bigla siyang humawak sa bewang ko. Mabuti na lang at pati sa tuktok ng ulo ko ay nakadantay ang kamay niya kaya hindi ako nauntog. "Sorry. Yung lalaki kasi nag mamadaling bumaba, nanunulak." tipid na ngumiti at tumango lang ako sa kanya. Tangina! Yung puso ko parang sasabog na! Napahawak naman ako sa bewang ko na hinawakan niya. Pakiramdam ko ay andon parin yung kamay niya at hahawak ako don. "Tara na?" tumikhim naman ako para maalis ang hiya sa katawan. "Okay." nakangiting tugon ko. Bigla niya naman hinawakan ang kamay ko na nasa loob ng bulsa ko kaya parehong kamay nanamin ang andon at mag kasiklop ang mga daliri namin. Napatingin naman ako sa bulsa ko at sa kanya. Ngumiti lang siya at nag simulang mag lakad. Nakamaang ang labi lang naman akong napadala sa kanya kung saan. "San mo gusto unang mag punta? Kain muna o mag ikot na?" baling na tanong niya sakin pag pasok namin sa Mall. "Ikaw bahala..." tanging naitugon ko dahil nasa kamay parin naming mag kahawak sa bulsa ng hoodie ko ang atensyon ko. Tiningala ko naman siya ng hindi siya sumagot. Nag palinga linga siya mula sa kinatatayuan namin habang nakanguso. "Food court tayo. Para sure na pwede ang hayop. Diba jeky?" hinawakan niya pa ito sa ulo kaya agad na lumingkis lingkis sa kamay niya si Jeky. "Let's go!" Bumaba naman kami sa food court at nag hanap agad ng pwedeng makain. "Dapat yung pag lunch na kainin natin. Lunch time na rin naman." sabi ko. Tumango tango naman siya bago ituro yung stall sa bandang kanan ng lugar. Tinignan ko kung ano yung tinuro niya. "Mr. Kimbob? You like korean foods?" bumaling ako sa kanya pag katanong ko. Nakaiwas ng tingin naman siyang nagkamot ng ulo habang nakakguso. "Yes. I like korean foods, korean music and their kultura." "So...k-pop fan ka pala." tumatango tangong saad ko. It's cool though. Bibihira sa mga lalaki ang mga fan ng k-pop dahil nasasabihan sila na kesyo kabaklaan daw iyon. But for me no, it's not a gay thing. You can be a fan of everything you want as long as they make you happy at wala kang nasasaktan. "Bts and blackpink fan ako. Fan boy since I'm in high school." nakangiti lang naman akong nakikinig sa mga sinasabi niya about sa pagiging fan boy niya. "Obvious naman na fan boy ako at ginagaya ko sila from style of hair and clothes..." Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa. Well, oo nga noh. Ngayon ko lang napansin kahit kanina ko pa siya pinag mamasdan. He just waering a sweater kahit nasa pilipinas kami and partnered it with his wide trouser and white sneakers. "How about you? Are you a k-pop fan?" so... This is a knowing each other stage, huh? "No. I mean kind of. I watch korean dramas and some of the actors and actress is also a member of a band." mukha namang mas napukaw ang interest niya sa pinag uusapan. He look attentive. "Ano na mga napanood mong k-drama? Do you already watched the love alarm season 2?" tanong niya bago bumaling sa counter at mag sabi na oorderin. "Two Kimbob and also kimchi po... May gusto kang idagdag?" Tumango ako kaya sakin bumaling yung nasa counter na babae na may paghanga sa mga mata habang nakikinig sa mga sinasabi ni Ali. "ttukpokki and fish cake." Pinapunta naman kami muna nung babae sa kabilang side para don antayin yung order. Mainit pa ang lahat ng maiserve iyon kaya agad kaming nag hanap na bakanteng lamesa ni Ali. "Ayon!" turo niya sa natanaw na pwesto. Pumunta kami agad don at naupo. Mabuti na lang at hindi naman ganon kahirap bitbitin dahil narin sa marunong makisama si Jeky. Nang makita niya na may bibitbitin ako ay agad siyang pumatong sa balikat ko at nanahimik don. Nag alala pa nga ako dahil baka mahulog pero mabuti at hindi naman. "Oo nga pala...wala pa tayong drinks."Sabi ko ng wala akong nakita na kahit anong panulak sa mesa namin. "Ako na bibili." pag priprisinta niya. Hindi naman na ko umangal at at inayos na lang sa mesa lahat ng pag kain namin at nilagay sa gilid yung trays. At hinintay na bumalik siya. Pag balik ay may dala na siyang dalawang in can na coke at bottled water. Mukhang tag isa lang kami sa coke. Bitin yun. Hindi naman na ko umangal at tinanggap na lang iyon ng iabot niya. Nag insist naman siya na mag dasal muna bago kami mag umpisang kumain. Hindi ko 'yon ugali pero ginawa ko pa rin dahil sabi niya. Marunong naman akong mag pasalamat lalo na sa diyos pero hindi ko lang nakasanayan na mag dasal bago kumain. Pero mukhang makakasanayan ko rin 'yon balang araw. Kung sakali... Nasa kalagitnaan kami ng pag kain ng tumalon sa mesa si Jeky buti hindi sa mismong pag kain. Lumapit agad siya kay Ali at nag iingay. May kinuha si Ali sa bag na dala niya. Cat food at tubig. Nilagay niya rin yon sa ibabaw ng mesa para don din kumain si Jeky kasabay namin. Napangiti naman ako ng makitang maganang kumain si Jeky. Natutok niya naman sakin ang inosente niyang mukha ng bigla kong haplosin ang ulo niya. "Kain mabuti." parang na intindihan niya naman ang sinabi ko dahil nag tuloy siya sa pag kain. "Hey, you didn't answer my question." agaw niya ng atensyon ko kay Jeky. Naipilig ko naman ng bahagya ang ulo ko habang inaalala kung ano 'yon. "Ahh, sorry. Hindi ko pa tapos panoorin 'yon. Pero malapit na. How about you?" "Tapos ko na. Gusto mo ikwento ko sayo?" agad naman akong tumanggi. "No f*****g way. Don't spoil me!" "Okay. Okay." Pinagpatuloy naman namin yung pag kain habang nag uusap sa mga nonsense na bagay. Nag babatuhan ng tanong. Pati nga paborito kong kulay at natanong niya. He really want to know me more and that makes my heart flattered 'cause he really showed his interest on me. All of the question he asked even if it's not that really matter I gladly to respond on it, with no hesitation and double thinking. That's it. I let him know me more which is not my thing. Sinagot ko lahat ng tanong niya dahil ayokong kung ano ang isipin niya kapag hindi ako sumagot tungkol sakin. This was the first time that I cared to much to what other think about me. Mahalaga para sa akin ang iniisip niya kahit hindi pa 'yon tungkol sakin. I know that I'am— But i'm still on idenial stage. I can't admit it even to myself that i'm inlove with him. Damn it! When he looked at me and smile at me at the same time the butterflies is just—arghhhh!? Why the f**k I can't admit it to myself? Yes, i think I like hi—no! I guess I love him. Oh, jesus! Now, he was staring at me. "What?" I asked even if I know that I'm blushing because of the way he looking at me. Ngumiti lang siya at umiling. Umiwas naman ako ng tingin dahil hindi ko talaga kayang makipag titigan ng matagal sa kanya because if I do...I know that I will...fall deeply. Baka hindi na ko makaahon. Narinig ko pa siyang tumawa ng mahina bago ako yayaing umalis na para magawa na ang totoong pakay namin dito sa mall. But before that inayos at pinagpatong patong niya muna yung mga nagamit namin. He put it on the tray after he arranged it. Indeed. Makataong kilos. Pinaakyat niya sa balikat niya si Jeky bago kami tuluyang umalis don. "Alam niya na talaga 'yon O tinuro mo?" "Tinuro ko. Buti nga at matalino siya kaya mabilis siyang matuto. Tara." hinawakan niya naman ang kamay ko at sa pag kakataon na to hindi na nakatago sa hoodie ko. "Hayaan mo lang sila na tumingin. Tingin lang naman magagawa nila e." napansin niya ata na naiilang ako sa mga titig ng ibang taong nasasalubong o nadadaanan namin na napapatingin samin at sa kamay naming mag kahawak.Tumango na lang ako at pilit na sinunod ang sinabi niya. Nag libot libot lang naman muna kami. Nag wiwindow shopping hanggang sa mapag desisyonan na namin na mag punta sa dapat pupuntahan talaga namin. Hindi naman matanggal ang paningin ng mga sales lady kay Ali pag pasok palang namin dito sa bilihan ng mga gamit for pets. Hindi ko naman sila inintindi at nag hanap na lang ng mga sa tingin ko ay kakailanganin ni Jeky. "Wag mo siya bibilhan ng mga can foods. Baka makasanayan, mag hirap tayo." natigil naman ako sa pag babasa about sa can food na hawak ko at agad na binalik 'yon. Hindi na ko nag isip ng kung ano ano dahil baka mawalan lang ako ng gana mamili kaya lumipat na lang ako sa mga bodywash para sa pusa. Nahirapan akong mamili ng kapat-dapat kay Jeky. Kaya lumapit sakin yung isang sales lady at pinaliwanag at nag sabi ng kung ano ano tungkol sa mga body wash na 'yon. "This one ma'am since baby palang naman siya..." nilahad niya sa harap ko yung bodywash at shampoo na for kittens nga. Kahit hindi ako ang mag papaligo sa kanya bibilhan ko parin siya ng ganto. Kinuha ko naman 'yon at nilagay sa basket na bitbit ko. Nag ikot ikot sa loob ng store. Namili ng mga laruan, higaan at pag kainan para kay Jeky. "You want this?" iwinagayway ko pa kay Jeky yung laruang isda na napili ko. Inamoy amoy niya naman muna 'yon bago tapikin. Interesado. Mukhang gusto niya naman kaya sinama ko na sa babayaran ko. Hindi naman 'yon ganon kadami kaya nag kasya pa sa bag ni Ali. Since malapit lang yung garden sa store tumambay muna kami don at pinag laro si Jeky sa damuhan with her new toys. "Malaki ba nagastos mo?" pilit naman akong ngumiti sa kanya. "Hindi naman." sagot ko. Totoo naman na hindi pero baka pag sinabi ko sa kanya kung mag kano ay baka sabihin niya ay malaki na 'yon. Hindi naman kami nag tagal don dahil medyo mainit pa don kaya bumalik din kami agad sa loob at nag libot libot. Napadaan naman kami sa department store. "Diba bukas na graduation niyo?" wala sa sariling tanong ko habang hindi maalis ang tingin sa relo na sa palagay ko ay bagay sa kanya. "Oo." tugon niya. "May susuotin kana?" bumaling naman ako sa kanya. "Meron na. Tinulungan na ko nila Darrel na mag hanap ng masusuot." "Ano nga ulit major mo?" hindi ko matandaan kung napag usapan na ba namin yung major niya. "BS Civil Engineer. After grad review na agad for board. So...baka medyo mawalan ako ng time sayo, kailangan ko kasing mag focus sa pag rereview para mag ka work agad." Hardworking. "It's fine. Focus on your study first. Advance Congratulations, Engineer. Miller." he pouted his lips and also bite it halatang nag pipigil ng ngiti. Natatawa ko naman siyang inilingan at tinalikuran para mag ikot ikot sa department store. Ano kayang pakiramdam na nag aalala ka sa pagkakaroon mo ng trabaho. Ako kasi kahit naman alam ko na hindi natuwa ang parents ko sakin, sa kompanya parin naman ako papasok. Pero...I want to make a name on my own. "May gusto kang bilhin?" nakasunod pang sakin na tanong niya. Nakangiti akong umiling. "Wala." I have so many clothes on my closet. Ayoko pang mag dagdag. "How about you, want something?" naabutan ko naman siyang nakatingin kung saan. Madilim at matalim ang pag kakatitig niya don kaya binalingan ko 'yon. Mga lalaki lang naman ang natanaw ko kaya nag tataka akong bumaling ulit sa kanya. "Yes, I want something..." hindi pinuputol ang titig sa mga lalaki na sabi niya. "So? What it is?" nag tataka parin na tanong ko. "Kiss me." natigilan naman ako sa gusto niya. A-anong kiss me? Ako hahalikan siya? Ha? Pinukol niya ang titig sakin. "C'mon kiss me. So they stop looking at you with desire on their f*****g eyes." demanding na sabi niya. Titig na titig at nangungusap ang mga mata niya. Kusa namang gumalaw ang kamay ko na humawak sa pisngi niya habang nakatitig rin sa mga mata niya na parang inuutusan ako na gawin 'yon. Dinampian ko naman ng halik yung labi niya at agad na nag iwas ng tingin sa kanya dahil sa hiyang nararamdaman. Gago...ang lambot. Nakurot ko naman ang sarili kong palad para patigilin ang sarili sa pag iisip ng kung ano ano tungkol sa labi niya. "sabi ko kiss me lang ha...pero wala akong sinabi na sa labi. Nag kusa ka..." nanunuksong sabi niya at tinutusok tusok pa yung tagiliran ko. Hinampas ko naman yung daliri niya. "A-ano ba! Tama na nga." pakiramdam ko buong katawan ko ang namumula dahil sa kilig at hiya na nararamdaman. Tinalikuran ko naman siya at malalaki ang hakbang na lumabas don. Inaakala na hindi niya ko maaabutan. "Kita mo 'yon jeky? Kiniss na ko ng mommy mo sa lips. Meaning non, gusto din ako ng mommy mo." natigil naman ako sa pag lalakad at mabilis na imikot paharap sa kanya. "Ikaw! Arghhh! Tahimik na nga!" yun lang ang nasabi ko dahil sa bilis ng t***k ng puso ko at sa pamumula ng mukha ko. Ayokong humarap sa kany ng matagal noh. Napapadyak naman ako sa inis o kilig ba tong nararamdam ko bago mag simulang mag lakad ulit. Dahil mahaba haba naman ang ang biyas niya hindi siya nahirapang abutan ako. "Wag na mainis ang bibe ko na yan, ito rugby hati tayo..." tinignan ko naman yung kamay niyang akala ko ay may iaabot pero ng dumapo ang tingin ko don ay tinuktok niya lang yung sa ulo ko. Napamaang naman ang labi ko sa ginawa niya at naguguluhan na tumingin sa kanya. What was that for? Siya naman na to ngayon ang nag mamadaling mag lakad palayo sakin. Sinundan ko lang naman siya ng tingin hanggang sa rumehisto sa isip ko kung ano yung ginawa niya. Thanks to Cath to do that to me before. Hindi ako mag mumukhang ignorante. "Hey! Wait for me!" lumingon siya saglit sakin at biniletan lang ako bago mag lakad ulit ng mabilis. "aba't tanginang to..." Napabuga na lang ako ng marahas na hangin. Nag titimpi sa pagiging isip bata niya. But it's cute. Being a relax man everytime is i find attractive but this side of his, being childish really made me fall deeply to him. Nakangiti na pala akong nag lalakad takbo pahabol sa kanya hanggang sa huminto na siya kakatakbo. Hinihingal ko naman siyang tiningala habang nakahawak sa mag kabilang tuhod ko at nag hahabol ng hininga. "Hey you..." tanging pag taas lang ng sabay ng kilay ko ang naitugon ko. "Stop being cute." Kusa namang ngumiti ang labi ko. Umayos ako ng tayo at pinag krus ang braso sa dibdib ko. "Cute to you, rude to everyone else." I uttered with smirked on my lips before I wicked at him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD